Divine Lee on possible “pamanhikan” of Victor Basa’s family: “Ay, wala! Nakakaloka! Walang ganoon!”

Isang bagong format ang gustong magawa ni Divine Lee para sa kanyang talk show. Sabi niya, “Gusto ko sana, magkaroon ng venue na makaupo ako and have a sit-down talk to them na interview talaga. Yung malaliman na tsikahan na may inuungkat tayo.”


Nagulat si Divine Lee nang tawagin ang kanyang pangalan bilang winner ng kategoryang Best New Female TV Personality sa 26th PMPC Star Awards For TV.

Ang taunang awards event ay ginanap noong Sunday, November 18, sa Henry Irwin Lee Theater ng Ateneo De Manila University.

Nanalo si Divine para sa reality show ng TV5 na Extreme Makeover Home Edition Philippines.

Sabi ni Divine sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hindi niya ini-expect na siya ang mananalo.

Kaya sa kanyang acceptance speech, kung anu-ano raw tuloy ang kanyang nasabi.

“Si Victor [Basa, her partner], hindi ko nga naisali do’n sa mga tao whom I dedicate the award.

“Pero naiintindihan naman niya kaya okey na ‘yon.

“Siyempre excited at happy ako. At the same time, flattered ako.

“First nomination ko, tapos nanalo ako. Kaya bongga, di ba?” sabay bungisngis ni Divine.

Magiging inspirasyon daw niya ang napanalunang award para mas pagbutihin pa ang kanyang pagiging host.

“I think yung mga nakakatrabaho ko naman, alam naman nila na talagang mahal na mahal ko yung ginagawa ko.

“So, I think tuluy-tuloy lang kung anuman yun naumpisahan ko.

“Tapos, I’ll try to learn more bilang host. Mas magri-research ako para alam ko kung ano yung mga itatanong ko kapag nag-i-interview ako.”

Kasalukuyang napapanood si Divine sa showbiz talkshow ng TV5 na Ang Latest.

Patuloy niya, “And nandiyan din lang naman lagi yung mga kaibigan kong writers and press people na palagi naman nila akong tinutulungan.

“So ‘yon, tuluy-tuloy lang.

“And I promise to do well para hindi naman masayang yung award na ibinigay sa akin.”



DIVINE’S ESCORT/PHOTOGRAPHER. Kakaiba ang drama ni Victor Basa during the awards night.

Hindi lang siya nagsilbing escort ni Divine kundi official photographer pa niya.

May dalang camera ang model-actor at panay ang kuha sa live-in partner.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ay, ganyan talaga ‘yan!” sabay tawa naman ni Divine.

“Oo, best in support talaga ‘yan.

“And favorite niya talaga… hobby niya ang photography.

“At ang dami na niya na-file na album ng mga kuha niya sa akin.

“’Yan talaga ang hilig niya. Kahit sa bahay, pati yung mga aso, pini-picture-an niya.”



MORE SHOWS? After winning as Best New Female TV Personality, is she looking forward to having more shows aside from Ang Latest?

“Sana. I think all naman na nasa showbiz, gusto ng maraming shows—at iyon din ang gusto ko para sa sarili ko.

“But I’m very happy with my show now. So, magpu-focus pa ako nang husto sa ginagawa ko para hindi naman ako mapahiya.

“If ever na mabibigyan ako ng iba pang show, gusto ko, fashion o lifestyle.

“Pero ang iniisip ko talaga, gusto ko pang makapag-one-on-one sa mga tao.

“Gusto ko sana, magkaroon ng venue na makaupo ako and have a sit-down talk to them na interview talaga.

“Yung malaliman na tsikahan na may inuungkat tayo.”



REVEALING GOWN. Kapansin-pansin ang suot na gown ni Divine sa Star Awards for TV.

Parang see-through ito dahil may mga butas-butas na maliliit. Although naka-body stocking siya, kung titingnan ay parang wala siyang anumang suot na panloob.

Hindi ba siya sinita ni Victor kung bakit gano’n ka-revealing ang gown niya?

Sabi ni Divine, “Nauna akong dumating sa awards night. Sumunod lang siya.

“Kaya nung nanalo ako at umakyat sa stage, sabi niya, ‘Ganyan pala na parang hubad ka na.’

“Pero hindi naman siya nagalit. Okey naman.

“At saka nanalo naman ako, so deadma na siya.”



WEDDING BELLS. Kumusta na ba ang relasyon nila ni Victor?

“Happy kami,” sagot ni Divine.

"Other than that, talagang focus kami pareho ngayon sa career.

“At sana makaipon kami nang husto, you know, para sa mga plans namin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para sa kasal nila?

“Yun nga… nag-iipon!” tawa ni Divine. “Nag-iipon po kami.

“Pero… alam mo ‘yon? Hindi ‘yon ang focus namin ngayon, kundi more on paghusayan namin yung ginagawa namin.

“Para at least, makita ng tao na we’re working hard.”



CHRISTMAS PLANS. Ano ang plans nila ni Victor this Christmas?

“Nandito kami. His family is coming over. Yung ate niya, manggagaling sa States.

“Tapos magbi-beach kami in between Christmas and New Year. Tapos balik na naman sa work ulit.”

Walang pamamanhikan na mangyayari sa pag-uwi ng pamilya ni Victor?

“Ay, wala! Nakakaloka! Walang ganoon!” natatawang reaksiyon ni Divine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN