Rafael Rosell: “I don’t mind nudity, I’m from Europe!”

Handang-handa sa kahit anong role na puwedeng isabak si Rafael Rosell. Ang kanyang prinsipyo: “As long as it’s a good script and I believe in it and there’s a message that will teach the people—I have no limitations.”


Isa si Rafael Rosell sa mga artistang walang kiyeme pagdating sa hubaran.

“Oo naman, lagi naman akong handang maghubad, e!” ang natatawang sabi ni Rafael sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Hanggang saan ang kaya niyang gawin?

“Depende kung anong requirements.”

Butt exposure?

“Nag-butt exposure na ako sa Araneta dati,” pagtukoy ni Rafael sa isang fashion show ng Bench.

Sa pelikula?

“If it’s part, like… I think pare-pareho naman sinasabi ng mga artista pagdating sa ganyan—if it’s artistically done, yada yada yada...

“Pero sa totoo lang, if the scene requires it, it’s part of the character, it moves the story forward, e, di sige.”

Payag ba siyang gumanap ng gay role?

“Yeah, if it’s a decent one with the proper message, oo naman.

"I’ll take on any role naman basta may message, may meaning.

“Hindi yung ginawa yung story dahil lang sa isang bold scene na gusto nilang dalawang artista, mag-tugma, di ba?

“Para sa akin, hindi na iyon yun art.”

So wala siyang limitations?

“As long as it’s a good script and I believe in it and there’s a message that will teach the people, I have no limitation.”

Nang tanungin naman kung papayag siya sa onscreen nudity, ang tumatawang sagot ng Fil-Norwegian actor: “I don’t mind nudity, I’m from Europe!”



LEARNING TAGALOG. Born and raised sa Norway ang hunky male star, pero ngayon ay matatas na siyang managalog.

Paano siya natuto?

“Nag-aral ako—grammar, Tagalog lessons, I read comics.

“Pero, I think ang pagkakaiba ng Tagalog lessons ko sa ibang nagta-try matuto ng Tagalog is sumali ako sa teatro, sa Tanghalang Ateneo.

“Doon ako nahasa siguro dahil yung pressure sa stage, na hindi ka puwedeng magkamali dun, walang take two dun, di ba? So, kailangang ma-pronounce nang maayos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, siguro dahil na-pronounce ko nang maayos yung lines na yun, ibubuo-buo ko na lang yung sentence na gusto kong buuin para maging Tagalog.”

Kailan siya huling umuwi sa Norway?

“2006 o 2007 yata ako huli pumunta, pero kailangan ko pa rin dumalaw sa Europe para matatakan ang passport ko—para ma-keep yung Norwegian passport.”

Dual citizenship ang status niya?

“Puwede akong mag-dual pero hindi papayag ang Norway, e.

“I can get the passport na, pero pag nalaman ng Norway yun, baka mawalan ako ng…”

May working permit si Rafael dito sa Pilipinas.

“Yeah, since may recognition, everything, all the perks and all the treatment of a Filipino citizen, nasa akin na rin.

“Kumbaga, parang passport holder lang ako, pero hindi ko lang kinukuha dahil hindi papayag ang Norway na dalawang passport.”



SINGLE. Isang taon at kalahati nang single si Rafael.

Paano niya nakakaya iyon?

“I have friends who provide me with the love that I need,” sagot niya.

Iba yung karelasyon sa friends with benefits…

“That’s not necessarily true.

“In perspective, ano’ng definition mo ng relationship?

“That you know that you can enjoy every perk that comes with love, without being bound to a relationship and rules.

“We live in a modern day and age, we just enjoy all the perks of love without being bound to rules and relationships.

“Wala akong sinasabi… I’m just saying, with the modern day and age, I’m not giving any lines, I’m giving words, so read between the letters!” ang tawa nang tawang sabi ni Rafael.

What makes him stay in showbiz?

“’Coz I’m always having fun!” bulalas niya.

“Life is supposed to be enjoyed, di ba?

“So, kahit anumang bumangga sa akin, kahit ano, I always find a way to have fun.

“So as long as you’re having fun, then there’s really no effort in staying because you’re just being, and then we’re not human staying, so we’re human being,” ang pahayag pa ni Rafael.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN