Willie Revillame says goodbye to TV5 management; will make important announcement on January 5, 2013.

Ginulat ni Willie Revillame ang mga manonood ng kanyang programa sa TV5 na Wil Time Bigtime nang ianunsiyo niyang hanggang January 5, 2013, na lang siya mapapanood. Sabi niya, “Ia-announce ko kung bakit, kung anong rason. Basta malalaman ninyo… January 5."


Ginulat ni Willie Revillame ang mga manonood ng Wil Time Bigtime kagabi, November 20.

Sinabi ni Willie na magbibigay siya ng importanteng announcement tungkol sa magiging kapalaran ng kanyang primetime game-variety show sa TV5.

Ayon kay Willie, malalaman ng publiko ang kanyang desisyon sa "January 5, 2013."

Inakala ng marami na nagbibiro lang si Willie, pero nagbago ang kanilang paniniwala nang sabihin ng controversial TV host na nagpaalam na siya sa management ng Kapatid network.

Pahayag ni Willie, “January 5, abangan ninyo, mag-a-announce ako ng desisyon kung ako’y magtutuloy pa sa programang ito.

“January 5, basta abangan n’yo. Ia-announce ko lahat yon.

"Kung walang ganito, walang programa, saan kayo pupunta?

“Pumunta kayo sa ibang programa… abangan n’yo… pumunta kayo sa ano…

“January 5… Sabado ba ’yon? January 5, mag-a-announce po ako sa buhay ko...

“Talagang i-a-announce ko na kung ano ang gusto kong gawin. January 5 ’yan.”

Sabi pa niya, “Sa lahat ng aking staff, mga dancers, basta kayo ay maghanap-hanap na ng dapat ninyong puntahan.

“Ia-announce ko kung bakit, kung anong rason. Basta malalaman ninyo… January 5.

“Pero magmula ngayong araw hanggang sa Pasko po, magbibigay ako ng todo-todong papremyo sa inyo—yung mga huling araw ko dito.

“Akala ninyo nagbibiro ako? Seryoso ako... may huling araw po ako dito—January 5.

“Nagpaalam na ako sa management. Sabi nila, ‘Ikaw ang bahala, ’yan ang desisyon mo.’

“Ayoko ko kayong biglain. Gusto ko, dahan-dahan.

“Basta magmula ngayon, enjoy muna tayo.

“Hindi ko alam kung aabutin pa ako ng January 5..." panghuling sabi ng 51-year-old TV host.

Palaisipan sa marami ang pahayag na ito ni Willie dahil hindi siya nagbigay ng anumang detalye kaugnay ng ginawa niyang announcement.

Matatandaang lumipat sa TV5 si Willie noong 2010 matapos ang kontrobersiyal na pag-alis niya sa kanyang noontime program sa ABS-CBN na Wowowee noon ding taong iyon.

Willing Willie ang unang titulo ng primetime game-variety show ni Willie sa Kapatid network, ngunit naging Wil Time Bigtime pagkatapos magkaroon ng isyu tungkol sa isang batang contestant na nagsayaw ng ala-macho dancer sa isang game portion noong isang taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN