Kim Chiu and Gerald Anderson revive onscreen chemistry in 24/7 In Love

“Masaya lang kami. Hindi lang namin ma-explain. Bawat episode, kinakabahan kaming dalawa,” Gerald Anderson relates how he and Kim Chiu felt while watching their reunion in 24/7 In Love.


“Nabuhay sila! Nabuhayan yung dugo nila!”

Ganito inilarawan ni Kim Chiu ang naging reaksiyon ng mga masugid na tagahanga nila ng dating kapareha at ex-boyfriend na si Gerald Anderson—na mas kilala sa tawag na Kimeralds.

Hindi naman maikakaila na sa premiere ng 20th anniversary movie offering ng Star Magic na 24/7 In Love kagabi, November 20, ang episode ng tambalang Kim at Gerald ang talagang hiniyawan ng mga manonood.

Ito ay ikinatuwa naman ng dating Pinoy Big Brother teen housemates, na matagal naging magka-loveteam at naging magkarelasyon din noon.

Huling nagkasama sa isang proyekto sina Kim at Gerald sa pelikulang Till My Heartaches End noong 2010.

(CLICK HERE to read related article.)

“Sobrang maraming salamat,” sabi ni Kim, sa sandaling pakikipag-usap nila ni Gerald sa media pagkatapos ng premiere night sa SM Megamall, Mandaluyong City.

Patuloy pa niya, “Kasi, after two years, wala kaming movie, wala kaming TV, ngayon na lang.

“So, kapag lumalabas yung part namin, bawat eksena sumisigaw sila.

“Parang, ’Oh my, God! Oh my, God!’ ganun yung feeling namin.”

Halos ganito rin ang naramdaman ni Gerald nang makita niya ang reaksiyon ng mga manonood sa episode nila ni Kim.

“Nakita namin ang mga fans na masaya sila, kaya kami rin, sobra,” sabi ng young actor.



LOOKS REAL. Ayon sa mga nakapanood, may ilang nakapagsabi na tila kahalintulad ang istorya ng mga karakter nilang sina Pau at Alvin sa totoong buhay nina Kim at Gerald.

Nang sabihin namin ito sa dalawa, biglang nagbiro si Gerald ng: “Ganun kami kagaling!”

Nagbiro rin si Kim, “Parang totoo ba? Chos!”

Nanibago ba silang dalawa sa kanilang muling pagsasama?

Sagot ni Gerald, “Siyempre, naman.

“Ewan ko kung napansin ninyo, yung nakaupo kami sa may ilog, yun ang unang eksena namin.

“Pero okay naman. Naninibago, pero naging okay naman.”

Naikuwento rin ng Ina Kapatid Anak actress kung gaano sila kakabado ni Gerald para sa episode nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Nakakatawa, siyempre kasi bawat eksena… nasa dulo kami, e.

“Parang, ‘Oh my, God. Oh my, God, tayo na ba ang next?’

“Hindi ko alam. Wala talaga kaming alam sa mangyayari.”

Ayon naman kay Gerald, “Masaya lang kami. Hindi lang namin ma-explain.

“Bawat episode, kinakabahan kaming dalawa.

“Kumbaga, kapag humahawak siya, ang lamig ng kamay niya.

“Nandoon pa kami sa dulo kaya takot na takot kami. Pero, thank God, Papa God, ang bait mo.”



ANOTHER KIMERALD PROJECT? Masusundan pa ba ulit ang pagtatambal nila?

Sagot ni Gerald, “Actually, hindi kami yung dapat tanungin.

"Pero siyempre, lahat naman kami open.

"Nakakatuwa naman na makita yung mga reactions nila [fans].”

Ganito rin ang naging pahayag ni Kim.

Aniya, “Hindi po namin alam. Siyempre, ito para po sa Star Magic movie.

“Siyempre, regalo namin ito para sa lahat ng Kimerald na nandidiyan pa para suportahan kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN