Rachelle Ann Go on auditioning for Miss Saigon: "Nasa isip ko, kailangan hindi ako pumiyok!"

Ito ang pahayag ni Rachelle Ann Go ilang araw bago siya mag-audition para sa Miss Saigon: “Siyempre, ano ‘yon, e… malaking bagay po iyon. At saka kinakabahan po ako, e. Malaking pressure din po iyon. Yung kaba na nararamdaman ko, parang umaabot hanggang dito sa leeg ko! Kabado po ako, e. Pinag-uusapan pa lang natin ang tungkol do’n, pinagpapawisan na po ako!”


Bago sumalang sa audition para sa Miss Saigon si Rachelle Ann Go kahapon, November 20, nakakuwentuhan muna siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Party Pilipinas noong Linggo, November 18.

(CLICK HERE to read related story.)

Wala pa sa hinagap ni Rachelle na magkakaroon ng magandang resulta ang pag-o-audition niya.

Ang nasa isip ng Kapuso singer that time na kausap namin siya ay paghandaan ang pagsalang niya sa audition.

At balita ngang ilang araw niyang kinukundisyon ang sarili para mag-focus dito.

Matagal daw pinag-isipan ni Rachelle ang tungkol dito.

Nakinig siya ng mga music na ginamit sa Miss Saigon na naunang tinampukan ni Lea Salonga noong 1989.

Sabi ni Rachelle, “Siyempre, ano ‘yon, e… malaking bagay po iyon.

“At saka kinakabahan po ako, e. Malaking pressure din po iyon.

“Yung kaba na nararamdaman ko, parang umaabot hanggang dito sa leeg ko!

“Kabado po ako, e. Pinag-uusapan pa lang natin ang tungkol do’n, pinagpapawisan na po ako!” tawa niya.

Dagdag ng singer, “Tingnan po natin. Ipagdadasal ko po ‘yan.

“Sa sarili ko, wala naman pong masama na mag-try. Ang daming nangangarap.

“Isang malaking bagay po ‘yan, e, ‘yang Miss Saigon.

“And siyempre, narinig ko nga rin na maraming artists din dito sa Party Pilipinas ang mag-o-audition.

“And maganda nga na i-encourage lahat, na yung suporta namin e nasa kanila rin naman.”

Bukod kay Rachelle ay nag-audition na rin si Rita de Guzman, na kagaya niya ay nakakuha rin ng callback.

Nabalitaan naman ng PEP na mag-o-audition ngayong araw, November 21, ang mga kasamahan nila sa Party Pilipinas na sina Gian Magdangal, Aicelle Santos, at Frencheska Farr.

Kahapon, pagkatapos ng audition, ay nakausap ng GMA News si Rachelle at masaya nitong ibinalita na pinababalik siya para sa next round ng auditions.

"Ayun, pinakanta nila [ako] agad... short lang naman yung kinanta. Tapos, ayun, pinapabalik nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nasa isip ko, kailangan hindi ako pumiyok!" natatawang sabi ni Rachelle tungkol sa kanyang naging karanasan.

Hanggang bukas, November 22, na lamang ang auditions para sa Miss Saigon.



ZERO LOVELIFE. Nangiti naman si Rachelle nang matanong tungkol sa zero pa ring status ng kanyang lovelife.

Aabot ba talaga ng Christmas na wala pa rin siyang special someone?

“Wa! Wa pa rin!” sabay tawa niya.

“Na-focused po kasi ako sa trabaho. So, yun muna.

“At saka hindi pa tamang panahon!

“Oo, darating din ‘yan.”

Hindi kaya dahil may sugat pa ring naiwan ang pinakahuling relasyon niya?

“May sugat? Lahat naman po ng sugat, naghihilom. Wow!” natatawang biro ni Rachelle.

Kapag naghilom na ba ang sugat na dulot ng heartache, ready na siyang ma-in love ulit?

“Alam n’yo, hindi naman natin masasabi kung ready tayo, e. Basta kapag dumating yung isang tao na ‘yon, malalaman mo naman.

“Pero sa ngayon, wala po, e.”

Showbiz pa rin ba o hindi na ang kanyang gugustuhing mahalin next time na maging ready na ulit siya for a relationship?

“Next time, kung kaya kong magdesisyon, non-showbiz. Para tahimik.”

Wala talaga sa ngayon ni isang manliligaw man lang na nagpaparamdam o umaaligid sa kanya?

“Wala po, e. Baka po natatakot!” natatawang sabi ni Rachelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN