Alessandra de Rossi bent on quitting showbiz: “Nanay nga natatalikuran ang anak, e. Hello, hindi ko naman anak ito!”

Ito ang pahayag ni Alessandra de Rossi sakaling iwanan niya nang tuluyan ang showbiz: “Maybe I can write, I can edit, I can direct, mag-produce... makagawa lang ako ng something meaningful. Yung mga roles ko, wala namang naituturong maganda kundi kasamaan.”


Aminado si Alessandra de Rossi na hindi siya masaya sa pag-aartista kaya siguradong iiwan niya ito balang-araw.

“Oo naman, definitely! Four years pa ang bahay ko, huwag kayong mag-alala!” ang natatawang pahayag ng aktres nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Pahiram Ng Sandali noong Martes ng gabi, November 20, sa Cocoon Boutique Hotel.

Bakit hindi siya masaya?

“Masyadong mahirap i-explain.”

Mahirap bang maging artista?

“Ah, oo naman!”

Magaling naman siyang aktres, bakit siya nahihirapan?

“Sana kung hindi pare-pareho ang ibinibigay sa akin, malalaman kong magaling akong aktres.

“E, bilang iisa lang naman ang ginagawa ko, hindi na tuloy alam kung magaling ako o hindi, di ba?” natatawang sabi ni Alessandra, na kadalasang gumaganap ng kontrabida roles sa mga teleserye.

Ano ang gagawin niya kapag huminto na siya sa pag-aartista?

“Iyon ang iniisip ko talaga ngayon. As in, talagang nag-iisip ako ng plan B sa buhay ko.

“If ever naman, feeling ko naman connected pa rin siya [sa showbiz], like puwede akong magsulat.

“Ngayon, ginagawa ko yung musical scoring ng Death March ni Adolf Alix.

“So, puwede akong malinya doon, puwede akong magpa-rent ng equipment, puwede akong mag color-grading… yung mga ganyan.

“Pero artista talaga, parang out na ako.”

Matagal na raw itong nasa isip ni Alessandra.

“Matagal na! Sobrang tagal na.”

Definite na rin daw ang desisyon niyang ito.

“Of course, it will happen.”

In four years?

“Hindi naman in four years. Malay mo yung four years, bumili pa ako ng villa. O, paano yun?

“O, di twenty years to pay yun, di twenty years pa.”

So puwede pang ma-extend ang pag-aartista niya?

“Sana hindi. Honestly, sana hindi,” sagot ni Alex, palayaw ng aktres.

WITH ALL HER HEART. Inamin ni Alex na sa ngayon ay nagho-hold on lang siya sa pag-aartista dahil sa bahay na binabayaran niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yeah! Pero ginagawa ko naman yung trabaho ko with all my heart kasi mahal ko naman ang pag-arte.

“Kung merong isang bagay na magaling ako, actually, kaisa-isa, iyon lang yun.

“Next na yung driving. E, hindi naman ako puwedeng maging taxi driver, di ba?” biro niya.

More or less ay sixteen years na siyang artista. Kaya ba niya itong talikuran?

“Bakit naman hindi?

“Nanay nga natatalikuran ang anak, e. Hello, hindi ko naman anak ito!” sagot ng 28-year-old actress.

Nilinaw ni Alex na mahal naman niya ang kanyang trabaho.

“I love my job… I don’t like Alessandra de Rossi. I don’t like her”

Dahil?

“I don’t like her. I don’t like her, hindi ko siya type.

“Wala siyang saysay na artista!” at muling tumawa ang aktres.

Dagdag pa niya, “I don’t like her. Hindi ko siya gusto kung paano siya shinape [na-shape].”

Hindi ba niya planong baguhin ang pagkaka-shape sa kanya?

“Hindi na, nobody cares!” sabay-tawa niyang muli.

Hindi ba niya nararamdaman na kailangan siya ng industriya?

“As if! As if yung mga roles ko, ako lang makakagawa, e, iisa nga lang!” tawa na naman niya.

“Maybe I can write, I can edit, I can direct, mag-produce. Makagawa lang ako ng something meaningful.

“Because last time I checked, yung mga roles ko, wala namang naituturong maganda kundi kasamaan.”

Biro naman namin, bakit hindi na lang siya humiram sa bayaw niyang si Jules Ledesma ng pang-produce?

“Wish ko lang! E, di sana hiramin ko na lang yung pambayad ng bahay ko, di ba? Di tapos na ito, wala na ako dito.”

Mami-miss ba niya ang showbiz industry kung sakaling iwan na niya ito?

“I will always be around. Alessandra de Rossi is dead, Alessandra Schiavone is alive!” bulalas niya.



THE OTHER WOMAN. Sa ngayon ay mapapanood pa rin naman si Alessandra bilang artista,

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama siya sa bagong primetime series ng GMA-7 na Pahiram Ng Sandali.

Gaganap siya rito bilang kabit ni Christopher de Leon.

Tampok din sa teleserye sina Dingdong Dantes, Max Collins, Mark Gil, Sandy Andolong, Neil Ryan Sese, Isabel Rivas, Kristoffer Martin, at Lorna Tolentino.

First time niyang gumanap na other woman?

“I think so, ha?”

Anong approach ang ginawa niya?

“Hindi ko alam, honestly.

“Pag nagte-take na, parang sinabihan lang ako na, ‘Alex, konting ano pa, konting landi pa,’ ganyan.

“Honestly, hindi ko alam kung maganda.”

Mabibigyan ba niya ng justification ang mga kabit dito sa Pahiram Ng Sandali? Na hindi lahat ng kabit ay masama?

“Sana, iyon ang hiningi ko sa kanila, e.

“Kasi nung una, parang manggagamit lang ako, e.

“Tapos, parang naiyak talaga ako, sabi ko, ‘Mistress na, manggagamit pa?’

“Sabi ko, ‘Wala bang sasalba sa akin kahit minsan lang? Isalba ninyo naman ako once lang.’

“So, parang iniba nila, na mahal ko na siya.

“Para at least naman kahit paano may redeeming factor naman.”



IN A RELATIONSHIP. Sa tunay na buhay ba ay naligawan na siya ng lalaking may asawa?

“Hindi naman! May girlfriend.”

Artista?

“Hindi, hindi, hindi! Di tsinismis ko siya kung artista siya.”

Paano niya na-handle ang naturang manliligaw na may girlfriend?

“Ganun lang, as Alessandra de Rossi, ang dali!

“Dyusko, ako pa, I can get away with anything.

“‘Cannot be! No, no, no, go away!’

“Tapos!” at tumawa si Alessandra.

Mao-offend ba siya kapag may nanligaw sa kanya na may asawa o DOM (dirty old man)?

“DOM talaga? Ilang taon? Charot!

“Mao-offend, hindi naman. I mean, kasalanan bang maging maganda? Choz! Hindi, joke lang!

“Siyempre, hindi puwede yun. ‘Sir, huwag naman po!’

“Say the magic word, ‘Tito’! ‘Huwag po, kuya!’”



LT & BOYET. Madalas ay sina LT at Christopher ang kaeksena ni Alessandra sa Pahiram Ng Sandali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At bilang mahuhusay silang artista, tiyak na labanan ito sa aktingan.

“Of course! Winorkshop ko nga silang dalawa, e. Charot!” biro ni Alex.

“Hindi, ang galing, sobrang galing!

“Si Miss LT nga, isang line lang sinabi niya, naano na ako, ‘Wow, ang galing mo, grabe!’”

Dati na niyang nakasama ang dalawa sa pelikula, may pagbabago ba?

“Wala. Si Miss LT, same, matsika forever, matsika.

“Si Tito Boyet, same, serious…

“Actually, nung recent taping namin, nakita ko siya nag-lighten up. Pero ano siya talaga, serious.

“Pag andiyan si Miss Sandy [Andolong, Boyet’s wife], ang tawag ko nga sa kanya ‘Father Boyet.’”



DOING LOVE SCENES. May love scene dito sina Alessandra at Christopher.

Bakit finally ay napapayag si Alessandra? Noon kasi ay ayaw na ayaw niya ng mga ganitong eksena sa pelikula o telebisyon.

Sagot niya, “Wala na akong pera, e! Pag marami kang bills, wa na arte-arte!

“Alam nilang hindi ako kumportable, kinausap ko na si Tito Boyet about it, so alam na nila yun.

“Puwede namang tapos na, di ba? Nasa ilalim ng kumot or something… I don’t know, gawan natin ng paraan, mag-compromise tayo.”

Hindi pa raw nakukunan ang kanilang love scene.

Bakit ba ayaw niya?

“The main reason is because marami akong limitasyon as a person.

“Kumbga, as a a person, hindi naman ako nakikipag-kiss-kiss kung kani-kanino.

“So parang bakit mo naman gagawin yun as an actress!” at natawa si Alessandra.

Patuloy niya, “Ano naman ipinagkaiba nun, di ba?

“Parang para sa akin, mas malala pang gawin mo yun for money kesa gawin mo siya because attracted ka sa isang tao.

“Sacred talaga siya sa akin, e.”

Siya lang yata ang artistang may ganoong prinsipyo?

“Siguro marami lang din akong time mag-isip, hindi kagaya nila na busy lagi.”

Busy rin siya, di ba?

“Marami pa rin akong time mag-isip,” giit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



GIVING UP HER VALUES. Going back sa pinagawa niyang bahay, ten years to pay ito at nabuno na niya ang anim na taon.

“Yes, awa ng Diyos! Nang walang gini-give-up na values, awa ng Diyos.”

Marami ba siyang kilalang nag-give up ng values para lang magkabahay?

“Of course! Hindi lang sa pagpapatayo ng bahay—for a career, lead role!” at tumawang muli ang aktres.

Huling napanood si Alex sa primetime series na Legacy. Nainip ba siya na matagal bago nasundan ang show niya?

“Oo naman, siyempre. Dahil after June, wala na akong income, e.

“So, hindi naman sa nakakainip… actually relaxed nga ako, e, pero siyempre tumatakbo yung bills ko, e.”

Magkaibigan pa rin sila ni Heart Evangelista na nakasama niya sa Legacy. May reaksyon ba siya sa relasyon ngayon ni Heart kay Senator Chiz Escudero?

“I’m happy for her. I mean, si Heart naman, in love ‘yan sa pagiging in love, e.

“Hindi mo naman siya papangalang Love Marie kung hindi niya gagamitin ang love, di ba?”

Love Marie Ongpauco ang tunay na pangalan ni Heart.

Kapag si Alessandra ang naligawan o nagkaroon ng karelasyon na pulitiko…

“Basta huwag lang niya akong palalagyan ng bodyguard kasi hihintayin talaga ako.

“Hindi ko talaga kaya yung ganung klaseng buhay, yung laging may nakasunod sa iyo.

“Pag nga wala kong taping, yung driver ko nasa bahay ko lang, e.”



MOVIE WITH ATE ASSUNTA. May bagong pelikula rin si Alessanda kung saan kasama niya ang kapatid niyang si Assunta de Rossi, ang Baybayin.

After eleven years, mula noong magsama sila sa pelikulang Hubog, ano ang ipinagkaiba ni Assunta?

“Wala! Ang galing na niya noon pa, ‘no!

“Nakadalawang Best Actress [awards] nga siya dun, ‘no, so magaling na talaga siya,” sabi ng aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN