Maryo J. de los Reyes refuses to direct Haram again: “Hindi ko na ita-touch. Kuha na kayo ng ibang director, I won’t do it.”

Ipinagtanggol ni Direk Maryo J. de los Reyes ang desisyon niyang ang baguhang si Max Collins ang pumalit kay Kylie Padilla bilang kapareha ni Dingdong Dantes sa Pahiram Ng Sandali: “Kung hindi tayo magdi-discover ng bago, we’ll always be stuck up with the old ones. Baka hanggang ngayon, sina Gloria Romero pa rin... Otherwise, we’ll be stuck up with Nora [Aunor] and Vilma [Santos] hanggang ngayon.”


Ang multi-awarded na si Maryo J. delos Reyes ang director ng Pahiram Ng Sandali, ang bagong primetime series ng GMA-7 na magsisimula nang mapanood sa Lunes, November 26.

Ang Pahiram Ng Sandali ay pinagbibidahan nina Dingdong Dantes, Lorna Tolentino, Max Collins, at Christopher de Leon.

Sa mga nakasubaybay sa susunod na primetime series ni Dingdong sa Kapuso network, pagkatapos ng My Beloved, hindi lingid sa kanila ang mga pinagdaanan ng seryeng gagawin nito.

Naanunsiyo na noon na ang gagawing teleserye ng aktor ay ang Haram, na tatalakay sana sa bawal na pag-iibigan ng sundalong Kristiyano at isang babaeng Muslim.

Ngunit na-shelve ang proyekto dahil sa pagtutol ng ilang sektor.

Si Direk Maryo rin sana ang magdidirek ng naturang proyekto.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Porta) si Direk Maryo sa taping pa lamang ng Pahiram Ng Sandali noong isang lingo, mukha naman itong masaya sa naging kapalit na proyekto.

Sabi niya, “Hindi siya nakaka-stress, nakakapagod. It’s fun.

“I’m enjoying it, I’m inspired.

“Ang ano lang, kasi you have to do double time.

“May pressure lang kasi may airing kayo.

“But I like it, I like what I’m doing.

“So, it doesn’t look like work.

“Pero siyempre, physically, you get tired.”

Sa presscon naman ng Pahiram Ng Sandali noong Martes, November 20, sinabi ni Direk Maryo na sa mga ganitong klaseng genre siya kumportable—complicated relationships.

Kadalasan, kapag ganoon ang mood niya, maganda ang nagiging resulta ng proyektong ginagawa niya.



HARAM. Hindi naman itinanggi ni Direk Maryo na nadismaya siya nang ma-shelve ang Haram.

Pag-amin pa niya, dahil sa pagkaka-shelve ng Haram, kinailangan niya munang umalis at “magpalamig.”

Kuwento niya, “No, I have schedule talaga to go to Bohol.

“But after that, parang I realized, yung kanta ni Gary Valenciano, yung ‘Di Na Natuto.’

“Di ba kasi, noong gumagawa pa ako ng mga Regal Drama Presents o mga pelikula noong araw, merong nagsabi sa akin na, ‘Don’t touch any Muslim issue.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos, may pelikula rin ako na gagawin na, supposedly, merong Muslim character.

“Inano na rin ni Mother [Lily Monteverde] na, ‘Ay, naku, let’s not touch anything about Muslim because it’s going to be a quite controversial topic.’

“And then, ‘eto na naman—Haram.

“That was already my mental baggage.

“Nasa likod na ng utak ko yun na sabi ko, ewan ko, ‘Baka maulit na naman muli.’

“Tapos, ‘eto na naman, naulit na namang muli.

“So, parang kumakanta na ako ng ‘di ka na natuto…’

“So, since then, I want to get out of that project.”

Tahasan nang sinasabi ni Direk Maryo na kahit daw gawing muli ng Kapuso network ang Haram, hindi na niya ito ididirek pa.

“Hindi ko na ita-touch. Kuha na kayo ng ibang director, I won’t do it.”

Ang creative team daw ng GMA-7 ang nakaisip na gawin ang Haram.

Sa parte naman ni Direk Maryo, marami na siyang na-research tungkol sa Muslim dahil na rin sa mga naging biyahe niya.

“I came from Middle East. I came from Cairo, Syria, Doha, tapos nag-workshop pa ako sa Abu Dhabi.

“Kumbaga, noong nasa Cairo ako, nag-judge ako dun ng festival, yung Cairo International Film Festival. And I’m one of the international judges.

“Nakapagbasa pa ako ng mga Muslim articles and bought some books about Islam and women of Islam.

“So, I felt ang ganda-ganda, cultural, di ba?”



DESTINY. Magkaiba naman daw ang Haram at Pahiram Ng Sandali kaya hindi ito maipagkukumpara ni Direk Maryo.

Sabi niya, “Itong Pahiram, I feel na destiny ito.

“Ito ang gagawin namin ngayon and, at the same time, it’s very in… timing.

“At the same time, naghahanap ang mga tao ng mga topic na medyo adult, matured.

“Yung mga about affair that we’ve been doing before—like My Other Woman [1990], Sinungaling Mong Puso [1992], Pahiram Kahit Sandali [1998]…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang dami kong ginawang ganyan, hanggang sa Paraiso ni Efren [1999].

Narinig ng PEP si Direk Maryo, habang kausap si Lorna Tolentino, at sinabi niyang yung ginagawa nila noon sa pelikula ay ginagawa na rin nila ngayon sa telebisyon.

Paliwanag ni Direk Maryo, “Di ba, ginawa namin ‘yan noon, mga Dyosa?

“Ang matsa-challenge siguro ngayon is for film to be done. What kind of films na we will be doing.

“Kasi, what kind of films that we’ve been doing before are now translated in television.

“Baka kailangan, kapag gumawa ka na ng pelikula ngayon, bago naman.”



REUNION. Natutuwa rin si Direk Maryo na katrabaho niya rito sa Pahiram Ng Sandali sina Lorna, Christopher de Leon, at Mark Gil.

“Aba, sino ba naman ang hindi mae-excite sa casting na ‘yan? Napagsama-sama kaming lahat, di ba?

“Sabi ko nga kay Brother Bo [Christopher] at saka kay Lorna, parang reunion namin.

“Si Mark, e, di ba, ‘yan din ang kapanahunan ko noong gumagawa kami ng matitinding drama?

“Si Boyet, nakailang pelikula na rin kami since My Other Woman, Pahiram Ng Kahit Sandali.

“Si Lorna, mula Dyosa, Magnifico…”

DINGDONG DANTES. Unang beses naman daw niyang makakatrabaho si Dingdong Dantes sa isang teleserye.

Pero ayon kay Direk Maryo, “Ang una namin, GMA Love Stories, introducing si Yul Servo at saka si Aubrey Miles.

“Nagpunta kami ng Cebu, sumakay kami ng barko.

“Gumawa kami ng isang episode ng GMA Love Stories at si Ciara Sotto ang partner niya.

“So, kumbaga, mga bagets.”

Ano ang mga nakikita niyang pagbabago kay Dingdong sa muli nilang pagtatrabaho?

“Seeing Dingdong now… kasi we had a professional workshop for Haram.

“Marami siyang ipinakita doon na hindi pa niya naipapakita at nagagawa sa mga telenovela at performance.

“Mas matured, ang sarap kausap.

“Ang sarap niyang idirek kasi he asks and we agree and we talk about the scene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nag-workshop siya so may vocabulary kaming ginagamit.”



MAX COLLINS. Balita naman na nang mag-backout si Kylie Padilla bilang leading lady ni Dingdong dito sa Pahiram Ng Sandali, si Direk Maryo raw mismo ang nag-suggest na si Max Collins na lang ang ipalit.

Ano ang nakita niya kay Max at ito ang napili niyang gawing leading lady ni Dingdong?

Ayon kay Direk Maryo, “Si Max, I highly recommended her because when I gave a workshop with her, with Benjamin Alves, Aljur [Abrenica], and Kris Bernal for Coffee Prince, nakitaan ko si Max ng commitment sa work.

“And she is willing to embrace different kinds of performances.

“She’s willing to learn and open for suggestion. At ang laki ng possibility niya to become a very good actress.

“Kasi, she’s very dedicated and her commitment is good.

“Tapos, like for example, we did some exercises on sensuality, sila ni Benjamin Alves, wala silang qualms about doing the exercise.

“Kumbaga, she has the right attitude for acting.”

Siyempre, may ilan din na nagkukuwestiyon kung bakit daw baguhan ang ipinareha kay Dingdong.

Sabi ni Direk Maryo tungkol dito, “Kung hindi tayo magdi-discover ng bago, we’ll always be stuck up with the old ones.

“Baka hanggang ngayon, sina Gloria Romero pa rin. E, siyempre, tumatanda na rin lahat.

“At yun ang job namin bilang director, talent manager, producer—to introduce new finds all the time.

“Otherwise, we’ll be stuck up with Nora (Aunor] and Vilma [Santos] hanggang ngayon.

“We have to move on, keep on developing.

“Ngayon nga, we have a new batch of artists that are being developed by GMA Artist Center. These are all practically new.

“And I came from eight hours workshop last night.

“Yung mga co-facilitators ko are shouting on the top of their voice to draw out the right emotion to these would-be actors and actresses.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Everybody starts from being a wannabe, di ba?”



KYLIE PADILLA. Inalam din ng PEP kay Direk Maryo ang naging reaksiyon niya nang mag-backout si Kylie ilang araw bago magsimula ang taping ng Pahiram Ng Sandali.

Aniya, “Regret. Kasi, nakita ko ang passion niya.

“Kylie is highly-energized kapag umaarte, nagwo-workshop.

“Siya nga yung over the top. Kapag may iyakan ‘yan, hindi mo makontrol.

“Pero siyempre, katulad lang ‘yan na…

“Halimbawa, si Nora Aunor, may limitasyon, ipipilit mo bang mag-Burlesk Queen?

“Parang hindi siya kumportable. Mabuting honest siya.”

May nagsasabi raw na bakit daw hindi pagkatapos ng storycon saka nag-quit si Kylie.

Depensa naman ni Direk Maryo, “Hindi pa kasi malinaw sa kanya noong storycon.

“Problematic kasi ang aming ano… we came from Haram so it was shelved.

“It was a duty now for the creative team to produce a new show making use of the same cast.

“Siyempre, may commitment na, contracted na silang lahat.

“So, noong nag-match na lahat, medyo yung isa…

“Siyempre sa Haram, ang Muslim woman, very timid, very shy—controlled sila sa sex.”

Sa statement na inilabas ng kampo ni Kylie tungkol sa desisyon niyang mag-backout sa Pahiram Ng Sandali ay sinabi nilang "far too old" ang role ng 19-year-old actress sa teleserye.

Magkakaroon din daw ng conflict sa Muslim faith ni Kylie ang ilang maseselang eksena rito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN