Richard Gutierrez on rumored reunion movie with Angel Locsin: “Hopefully, at the right time.”

Marami na raw ang humihiling na magsama muli sa isang pelikula sina Richard Gutierrez at Angel Locsin. Sabi ni Richard tungkol dito, "I wanna do a movie with her ngayon, kaso maraming technicalities, and it’s hard. She’s part of ABS-CBN, I’m part of GMA. But hindi naman malayong mangyari yun kasi siyempre nagawa na natin ‘yan before."


May mga lumababas na balita na magkakaroon ng reunion project sina Richard Gutierrez at Angel Locsin.

Ang magpu-produce daw ng pelikula ay ang Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.

Noong nasa bakuran pa ng GMA-7 ang ngayo’y Kapamilya nang si Angel ay nakagawa sila ng walong pelkula ni Richard.

Ito ay ang mga sumusunod: Mano Po 2 (2003), Kuya (2004), Sigaw (2004), Let The Love Begin (2005), Mulawin: The Movie (2005), I Will Always Love You (2006), Mano Po 5: Gua Ai Di (2006), at The Promise (2007).

Ayon sa ulat ng Ang Latest ng TV5 last Monday, November 19, isang “dream project” kung matuloy ang pagbabalik-tambalan ng dalawa sa pelikula.

Sa panayam kay Richard, inamin niyang marami na siyang naririnig na request ng fans para gumawa sila ulit ng pelikula ni Angel.

“Maraming fans ang nagre-request.

"Maraming tao ang nagsasabi na dapat gumawa daw kami ni Angel ng movie.

"I miss working with her.

“Ako, sa akin, basta movie with Angel, any role, basta maganda ang script, I’m game to do it.”

Pero inamin ni Richard na mahirap itong mangyari, lalo na ngayong nasa magkalabang istasyon sila.

Pahayag ng Kapuso actor, “I wanna do a movie with her ngayon, kaso maraming technicalities, and it’s hard.

“She’s part of ABS-CBN, I’m part of GMA.

“But hindi naman malayong mangyari yun kasi siyempre nagawa na natin ‘yan before.

“Hopefully, at the right time.”

Nakagawa na noon ng pelikula si Richard sa bakuran ng Star Cinema, ang For The First Time [2008], na first movie ni KC Concepcion.



SARAH LAHBATI. Samantala, Richard is looking forward sa unang Pasko nila ng kanyang girlfriend na si Sarah Lahbati.

Paano kaya nila ito ise-celebrate? Isa kaya ulit na bakasyon ang gagawin nila gaya ng nakaraang bakasyon nila ni Sarah sa Europe?

Sabi ni Richard, “Sa Pasko... ngayon kasi work mode muna ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi yung bakasyon kong ‘yon, matagal kong ipinaalam, matagal kong binulungan dahil nga mahirap magpaalam nang matagal.

“Ngayong Pasko, it’s an intimate celebration kasama yung pamilya ko— baka dito sa Manila o dun sa Cebu gawin.

“Very simple lang, yung traditional Christmas vacation.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN