KC Concepcion’s French suitor flies to Italy just to have dinner with her

Pinag-isipan at pinaghandaan daw nang mabuti ni KC Concepcion ang pagpu-pose niya para sa 2013 calendar ng isang liquor brand. Sabi ni KC sa mga bumabatikos: “I know naman that I will get different reactions from a lot of people. I mean, I cannot please everybody. They have their own opinions on what I will do and will not do.”


Kitang-kita sa Instagram photos ni KC Concepcion na sobra niyang na-enjoy ang kanyang bakasyon sa Europe.

Naging malaking tulong sa kinakailangang pahinga ni KC ang ginawa niyang two-week vacation sa France at Italy, kasama ng pinsan niyang si Ciara Sotto at ang asawa nitong si Joe Oconer, at ilan pang kaibigan.

Kuwento ni KC, “Actually, wala naman po sa plans ko to take that vacation. Naimbitahan lang ako talaga.

“Since tapos na nga X Factor Philippines and nag-stop taping naman kami for Against All Odds I, accepted that invitation.

“Matagal din po kasi akong hindi nagbakasyon na walang iniintindi na trabaho.

“Sometimes kasi, when I go out of the country, may kasamang work iyon. Or kailangan umuwi agad ako kasi may trabahong naghihintay.

“So I really enjoyed my vacation. Nakapag-recharge ako nang maayos.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si KC sa launching niya bilang Tanduay Girl sa Skye Lounge ng W Building sa Bonifacio Global City last week.



DINNER WITH PIERRE. Sa panayam sa kanya sa The Buzz noong Linggo, November 18, ay inamin ni KC na nakasama nilang mag-dinner sa Italy ang French suitor niyang si Pierre Emmanuel Plassart.

Nasorpresa raw si KC sa effort na ginawa ni Pierre upang makasama lang siya.

Sabi ni KC sa The Buzz, “He was kind enough to come for a dinner sa Italy. He spent dinner.

"Napakabait na tao. Talagang nagpu-pursue siya and hindi ko akalaing may isang taong puwedeng mag-pursue nang ganun."

Pero maliban dito ay tumanggi nang magbigay ng karagdagang detalye si KC.

DANCE REHEARSAL. Pag-uwi ni KC sa Pilipinas ay agad naman siyang nag-rehearse para sa ginawa niyang dance number para sa press launch ng Tanduay.

Kuwento ng TV host-actress sa PEP, “Jet lag pa nga ako noong inaaral ako ang choreography. Akala ko, magkakamali ako!

“But I prayed na wala akong maging mali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ilang beses din kaming nag-rehearse and kahit mahilo-hilo pa ako, I was able to pull it through,” pagmamalaki niya.



ENDORSEMENT. Kakaibang kaseksihan nga ang ipinakita ni KC sa mga kuha sa kanya ni Marc Nicdao para sa calendar ng Tanduay for 2013.

Full support naman daw ang kanyang ina na si Sharon Cuneta. Pero ang kanyang amang si Gabby Concepcion ay hindi alam na may ginawa siyang kalendaryo.

“I wasn’t able to talk to my papa in regards sa ginawa kong ito with Tanduay.

“But I know in my heart that he will be happy with what I did and he’s always supporting me with my career.

“By now siguro, alam na niya. Hindi pa lang talaga kami nagkakausap ng personal,” sabi ni KC.



FULL SUPPORT. Pero ang kanyang itinuturing na “daddy” na si Senator Francis “Kiko” Pangilinan ay nagpadama raw agad ng suporta sa ginawang daring move na ito ni KC.

“Si Daddy naman, walang problema sa kanya. He’s very supportive sa akin.

“When he learned that I was doing this endorsement, natuwa siya and he said that he trusts my decisions in my career.

“He will always support me no matter what,” saad ni KC.

Marami na ngang mga mixed reactions and feedbacks si KC dahil sa pag-endorse niya ng isang liquor brand.

Marami ang nagsasabing hindi na raw niya kailangan pang magpaka-daring para lang sa isang malaking endorsement.

Sabi niya, “I know naman that I will get different reactions from a lot of people.

“I mean, I cannot please everybody. They have their own opinions on what I will do and will not do.

“I’ve been an endorser for eleven years now. Somehow, I know what’s best and what’s not best for my career.

“My management VAA [Viva Artist Agency] is also part of this decision-making and pinag-usapan namin ito nang matagal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At my age, I am more than ready to endorse a product like Tanduay.

“Noon pa merong nag-offer sa akin to endorse liquor brand. Hindi ko ginawa because I wasn’t ready at that time.

“May tamang panahon para sa iba’t ibang bagay.

“Like now, this is the right time for me to try endorsing this kind of product that I am proud of doing.”



A SECRET AFFAIR. Sa pagpapa-sexy ni KC sa calendar ng Tanduay, nagtaka ang marami sa pagtanggi naman nito noon sa pelikulang A Secret Affair.

Si Andi Eigenmann ang pumalit sa kanyang role bilang kabit ni Derek Ramsay.

Sabi ni KC, “It’s true na tinanggihan kong gawin ang movie because I wasn’t ready to do those scenes.

“It was a beautiful role but, like what I said, I wasn’t ready and they understood my decision to back out.

“The role required an actress a lot more daring and right choice si Andi Eigenmann.

“I read nga all the positive reviews sa performance niya.

“The role was really meant for Andi at hindi para sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN