Mark Gil on Andi Eigenmann-Jake Ejercito breakup: "I’m looking at a parent’s point of view, but I really wish that private matters should stay private."

Bilang ama ng dalawa sa itinuturing na pinaka-kontrobersiyal na artista ngayon na sina Andi Eigenmann at Sid Lucer, ito ang pahayag ni Mark Gil: “Well, it’s part of the game. This is the field that they chose. This is the field that they work. I grew up here. Three generations na nga kami. Well, I also have to take things in stride and accept things. But there are times na ayokong manghimasok o makialamIto ang buhay ng artista, e.”


Bukod sa young cast members ng Pahiram Ng Sandali—sa pangunguna nina Dingdong Dantes at Max Collins—kasama rin sa cast ng primetime series na ito ng GMA-7 ang seasoned at award-winning actors na sina Christopher de Leon, Lorna Tolentino, at Mark Gil.

Ayon kay Mark, nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Pahiram Ng Sandali noong November 16, “Well, nakakatuwa, but somehow it’s quite intimidating din.

“Nandiyan si Boyet, si Lorna… everyone all put together... but excited.

“We’ve known each other way, way back.

“Simula noong mag-umpisa kami sa aming mga career, and now, we’re in one show.

“And it’s also good to be in a Dingdong Dantes project and you have Direk Maryo J. de los Reyes directing it.”



ANDI EIGENMANN. Natawa naman si Mark nang sabihin namin na karamihan ng mga anak niya ay kontrobersiyal ngayon.

Una na rito ang anak niya kay Jaclyn Jose na si Andi Eigenmann.

Simula yata nang mag-showbiz si Andi ay kakambal na nito ang intriga. Katulad ngayon na mainit na pinag-uusapan ang breakup nila ni Jake Ejercito.

Nang makausap namin si Mark ay hindi pa lumalabas ang two-part interview ni Jake dito sa PEP, kung saan ibinigay nito ang kanyang panig sa breakup nila ni Andi. (Click HERE and HERE to read related articles.)

Sabi ni Mark, “You know, honestly, hindi ko talaga alam ang mga detalye ng mga nangyayari.

“Ang alam ko lang, napanood ko siya [Andi] sa TV, ini-interview siya and she was crying.

“At you know, nakakaapekto rin yun

“All I did was text and told Andi, ‘O, bakit hindi mo ako tinatawagan? I’m your best daddy-friend you’ll ever have.’

“Sabi ko, ‘Don’t cry, I don’t want to see you cry.’

“Tapos, natawa naman siya.”

Lumalabas na ang isyu sa pagitan nina Andi at Jake ay nag-ugat sa pagpapa-interview ni Jaclyn Jose, kunsaan sinabi ng aktres na tila hindi pabor ang mga magulang ni Jake sa relasyon nito kay Andi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(CLICK HERE to read related story.)

Sabi naman ni Mark, “Madaling intindihin ‘yan, e.

“Unang-una, kahit naman sinong magulang, gusto mong patapusin ang pag-aaral ng anak mo.

“Ngayon, si Andi, on my case, huwag na lang din muna. Build up her career.

“I told her, ‘Relax. One thing at a time.’

“Si Ellie muna.”

Si Ellie ang anak ni Andi sa dati nitong boyfriend na si Albie Casiño.

Patuloy ni Mark, “Siyempre si Jake, he’s a very refined guy. Very, very well brought up.

“Very good, very kind, gentleman... He studies in London.

“So, siyempre, ina, ama, magulang, huwag mo munang intindihin ‘yan.

“I’m also a parent. But still, I really don’t know the whole picture.

“So, ako na lang, dyine-generalize ko na lang na naiintindihan ko rin.

“I’m looking at a parent’s point of view, but I really wish that private matters should stay private.

“I respect both side and I wish to be respected too.”

Kapag nakikita niya si Andi na umiiyak sa telebisyon tuwing may pinagdadaanan, ano ang nararamdaman niya?

Sagot ni Mark, “I have six kids… everybody goes to pain.

“Kung maaari lang, ako na lang ang sasalo.

“Of course, I’m the dad, I get hurt.

“Kung maaari, huwag na lang silang masaktan.

“But that’s life, that’s show business. Darating ‘yan.”



SID LUCERO. Ang anak ni Mark kay Bing Pimentel na si Sid Lucero ay may mga isyu rin ngayon.

Nandiyan ang tungkol sa pagiging unprofessional daw nito at iba pa.

Sabi ni Mark, “I don’t know… I really don’t know.

“But you know, we really have to go on our own way and learn. So, I really don’t know.

“If it’s so being unprofessional and all that, alam naman niya kung ano ang maririnig niya sa akin, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawang sabi pa ni Mark, “Ang daming isyu sa mga anak ko!”

Ano ang pakiramdam ng isang ama na kontrobersiyal ang ilan sa mga anak niya?

Tugon niya, “Well, it’s part of the game.

“This is the field that they chose. This is the field that they work.

“I grew up here. Three generations na nga kami.

“Well, I also have to take things in stride and accept things.

“But there are times na ayokong manghimasok o makialam.

“Ito ang buhay ng artista, e.”



WILDER GENERATION. Tinanong ng PEP si Mark kung sino sa palagay niya ang mas “wild” sa mga henerasyon ng mga Eigenmann: sila ng mga kapatid niyang sina Cherie Gil at Michael de Mesa o ang mga anak at pamangkin nila?

Sagot ng actor, “Iba… ibang-iba.

“I think it’s a different generation now. I think it’s a little wilder now.

“Kasi, ang alam ko, medyo conservative pa rin ako. Meron pa rin akong old-school values.

“It’s different. Meron pa rin kaming… iba na talaga ang mundo ngayon. Iba na talaga ang henerasyon.

"But we also need to evolve along with it. We also need to adjust.”



GABBY EIGENMANN. Masaya naman si Mark para sa panganay niyang si Gabby Eigenmann, anak niya sa dating aktres na si Irene Celebre.

Nominated si Gabby bilang Best Supporting Actor sa Asian TV Awards para sa pagganap nito sa Munting Heredera ng GMA-7.

Kuwento ni Mark, “Actually, tinawagan ko siya and before I could tell him the purpose of my call was, siya na mismo ang nagsabi na, ‘Dad, listen to this.’

“Sabi ko nga, ‘Uy, wala akong ganoon. Good for you. That’s what I’m telling you, matagal na, always give your mark, widen your craft.’”

Aware ba siya na tila may pressure noon kay Gabby na manalo rin ng acting award bilang isa nga itong Eigenmann?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Not really pressure.

“Ang alam ko, ang unang award na natanggap niya, ang nagbalita sa akin, si John Lapus.

“He mentioned daw na siya palang ang walang award compared to everybody, among the Eigenmann.

“So, nagpasalamat siya na nagkaroon na rin siya ng award… yung ganoon.”

Dugtong ni Mark, “Acting is a learning process. Just work on the craft. Lahat naman, darating ‘yan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN