Carmina Villarroel and Zoren Legaspi are surprised their twins know about their mother’s past with BB Gandanghari

Kuwento ni Carmina Villarroel: “Ako pa ang na-shock! Noong sinabi ko nga na ang mommy nila ay married na before, sinagot ako ng, ‘Yeah, we know!’ So, nasabi ko, ‘Talaga? You both know?’ Sagot nila, ‘Yeah, you were married to BB!’” Nangyari ito nang ipinagtapat ni Carmina kina Cassandra at Maverick na kasal siya noon kay Rustom Padilla, na kilala na ngayon bilang BB Gandanghari. Si Zoren Legaspi rin daw ay na


Inamin nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi na bago naganap ang kanilang kasal nung November 15 ay hindi alam ng kambal nilang sina Cassandra at Maverick na hindi pa sila kasal.

Hindi rin daw nila binabanggit sa dalawa ang tungkol sa dating pagpapakasal ni Carmina kay Rustom Padilla, na kilala na ngayon bilang si BB Gandanghari.

Gusto raw kasi nilang makaiwas sa anumang magiging problema sa paglaki ang mga bata.

“We wanted to tell them sa tamang paraan at sa tamang panahon,” sabi ni Zoren tungkol dito.

Nagkaroon ng press luncheon sa Patio Carlito sa Quezon City nung November 20 sina Carmina at Zoren para sa ABS-CBN TV special na Zoren-Carmina: Always Forever (Wedding Like No Other).


Ipapalabas na bukas, November 24, ang wedding coverage pagkatapos ng Maalaala Mo Kaya.

“Sa pagkakaalam kasi ng kambal, kasal na kami ni Mina sa isa’t isa,” pagpapatuloy ni Zoren.

“Tinago talaga namin hanggang hindi pa nangyayari ang matagal ko nang pangako kay Mina.

“Ayaw din naman naming ma-confuse ang kambal kaya hindi muna namin sinasabi.

“Gusto ko rin kasi na kay Mina manggagaling ang lahat ng kuwento. Siya na ang magbigay ng buong detalye sa mga bata.”

Noon pa raw gustong sabihin ni Mina ang tungkol sa nakaraan niya sa mga bata, pero hinintay rin niya ang tamang panahon para maintindihan siya nang husto ng mga ito.

“Tama si Zoren, gusto naming nasa tamang edad naman na sila. Just to avoid confusion habang lumalaki sila,” ani Carmina.

“Ngayon kasi, sa age nila ngayon, they can understand na ang lahat nang sasabihin namin sa kanila.

“Kaya tamang timing lang na nangyayari na ang lahat ng ito sa amin. Parang sign from God na kailangan sabihin na namin sa mga bata.

“It’s best nga naman na maging open na ako sa mga anak namin—tungkol sa nakaraan ko kesa sa ibang tao pa nila malaman, di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THEY ALREADY KNOW. Pero si Carmina pa raw ang nagulat nang mag-open up na siya tungkol sa dating pagpapakasal niya kay Rustom.

Alam na raw kasi ng kambal ang tungkol dito.

“Ako pa ang na-shock!” sabay tawa ni Mina.

“Noong sinabi ko nga na ang mommy nila ay married na before, sinagot ako ng, ‘Yeah, we know!’

“So, nasabi ko, ‘Talaga? You both know?’ Sagot nila, ‘Yeah, you were married to BB!’

“Kaya natawa ako. Kasi parang casual lang sa kanila talaga.

“Noong tanungin ko kung paano nila nalaman, sagot nila, ‘We watch The Buzz. They always talk about you, tatay, and BB!’” natatawa pang kuwento ni Carmina.

Dahil sa revelation na iyon ay nakahinga na nang maluwag si Mina, dahil mahusay naman ang reaksyon ng kanyang mga anak sa kanyang nakaraan.

“Kaya para akong nabunutan na ng tinik sa dibdib, dahil alam na pala nila.

“Pero wala akong narinig na pagtatanong sa kanila regarding that.

“Ngayon ako naniniwala na maganda ang pagpapalaki namin ni Zoren sa kambal.

“Iba kasi ang reaction na ini-expect ko. Ini-expect ko na may iiyak, may parang magagalit.

“Hindi… Yung parang casual lang. Parang okey lang talaga sa kanila,” sabay ngiti ni Mina.

FROM BOY TO GIRL. Nagtanong lang daw si Mavi tungkol sa kasarian ni BB.

“Kasi nga napapanood ni Mavi si BB kasama si Zoren sa Enchanted Garden. ‘Tapos nagkaroon pa sila ng interview, di ba?

“Tinanong talaga ako ni Mavi ng ‘So, he was a boy before?’

“Sumagot ako na, ‘Yes.’

“Nagtanong ulit, ‘Now, he’s a girl?’

“’Yes’ na naman ang sagot ko. Tapos sabi niya, ‘Ok.’

“Di ba? Parang wala lang sa kanila. Casual na casual lang yung ‘ok’ nila sa nangyari sa buhay ko!” napatawa uli si Carmina.

CLICK HERE to watch related video.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN