Dennis Trillo admits feeling nervous when he learned he was going to work with Chito Roño

“Actually, nung storycon pa lang namin nung una ko siyang nakilala, medyo napaka-intimidating ng itsura niya. Kasi and maraming kuwentong naririnig. Kumbaga sa teacher, terror siya sa set,” pag-amin ni Dennis Trillo tungkol sa nararamdaman niya noon kay Direktor Chito Roño.


Inamin ni Dennis Trillo na kabado siyang makatrabaho noon ang premyadong direktor na si Chito Roño.

Nakapanayam si Dennis ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Ang Latest: Uplate kagabi, November 22, sa pictorial ng Shake, Rattle, and Roll 14, “Lost Command” episode sa Old Regal office sa Valencia, Quezon City.

Ayon pa kay Dennis, achievement daw sana talagang maituturing na makatrabaho ang award-winning director.

Pero kinakabahan daw talaga siya noon, bago pa nila simulan ang shooting ng pelikula.

Kuwento pa ng aktor, “Actually, nung storycon pa lang namin nung una ko siyang nakilala, medyo napaka-intimidating ng itsura niya. Kasi and maraming kuwentong naririnig.

“Kumbaga sa teacher, terror siya sa set.

“Pero as we shoot, wala namang ano. Mabait naman siya. Kalmado palagi.

“Never pa namin siyang nakitang nagalit.”


DREAM PROJECT. Action-horror and episode nila ni Paolo Avelino at Martin Escudero sa Shake, Rattle, and Roll 14, at sa kuwento ni Dennis, gusto niya talagang magkaroon ng straight action movie in the future.

Ito raw ay isang dream project para sa kanya.

“Action, yun talaga yung next na gusto kong gawin. Gusto ko talaga, action. Pero ibang presentation ng action.

“Gusto ko yung new breed ng mga action stunts, action sequences.

“Yung mga hindi pa nakikita ng mga Pilipino,” dagdag pa ni Dennis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN