Alfred Vargas says he has no regrets sacrificing his showbiz career for politics: “Tanggap ko na iba na ang buhay ko. Public servant na talaga.”

“Gusto kong seryosohin ang public service, at saka nag-aaral din ako ngayon, Master in Public Administration sa U.P. [University of the Philippines]. So, prinarioritize ko muna ito. Nahiya rin naman ako sa mga bumoto sa akin,” katuwiran ni Alfred Vargas, kung bakit pinili niyang mas bigyan ng atensyon ang trabaho sa pulitika kaysa sa showbiz career.


Kasalukuyang konsehal ng Second District ng Quezon City si Alfred Vargas.

Sa darating ng 2013 elections tatakbo naman itong congressman.

At dahil nalinya sa pulitika, naging madalang ang pagtanggap ni Alfred ng mga teleserye.

Ngunit sa kabila ng pagiging abala bilang public servant, nakagawa pa rin siya ng isang pelikula, ang Supremo.

Bukod sa pagiging bida sa Supremo, ang film outfit din ni Alfred na Alternative Vision Cinema (AVC) ang nag-produce ng indie film na ito na magpi-premiere night sa SM Fairview sa mismong Bonifacio Day, November 30.

Sa December 5 naman ang simula ng regular showing nito sa SM Cinemas.

Sa mga Pilipino, ang bayaning si Andres Bonifacio ang siyang itinuturing na Supremo. Siya ang nagtatag at naging pinuno ng rebolusyunaryong samahan ng mga Pilipinong laban sa pamamahala ng mga Kastila—ang Kataas-taasan, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan, na kilala rin sa simpleng pangalan nitong Katipunan.

Ngunit bago gawin ang Supremo, nakagawa na rin si Alfred ng isa pang indie film tungkol kay Bonifacio—Ang Paglilitis kay Andres Bonifacio.

Si Alfred din ang gumanap na Bonifacio sa pelikulang ito.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Alfred sa Consolado Bar nung Huwebes, November 15, tinanong namin kung ano ang kaibahan ng Supremo sa pinagbidahan niya ring Ang Paglilitis kay Andres Bonifacio.

“Ang kaibahan kasi, yung Ang Paglilitis Kay Andres Bonifacio ni Direk Mario O’ Hara, tungkol talaga sa paglilitis. Ito naman, biopic niya talaga. Si Richard Somes naman ang director.”

Featured movie rin daw ng Cinema One Originals at Cinemanila International Film Festival ang Supremo, pero, hindi raw ito kasali sa competition.


BONIFACIO FAN. Bata pa lang daw si Alfred, naging “fan” na siya ni Andres Bonifacio.

“I’m a fan. Bata pa lang ako, kahit sa mga play, ayoko na ako si Jose Rizal. Gusto ko, ako si Andres Bonifacio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Karamihan, ang gusto nila, sila si Jose Rizal. Siguro, nagustuhan ko siya kasi, siya talaga yung frontliner, siya ang nakikipaglaban.

“Napaka-patriotic niya. His love for the country, never na na-compromise,” dagdag pa ni Alfred.

Biro tuloy namin kay Alfred, hindi kaya may pagka-rebolusyonaryo siya?

“Ewan ko, siguro noong bata ako, na-attract ako sa image niya na lumalaban.

“Hindi ko alam. Siguro, na-curious ako sa kanya. ‘Tapos, every time na nagri-research ako about Andres, mas lumalakas ang admiration ko sa kanya.”

Nag-research na rin siya tungkol kay Andres?

“Yes, nakadalawang movies na ‘ko. At saka, halatang-halata naman sa mga projects na ginawa ko. At saka itong Supremo nga, ako na ang nag-produce. Kaya ganoon ko siya kagusto.”

Technically naman, pangalawang pagpu-prodyus na raw ni Alfred ang Supremo. Isa rin daw kasi ang AVC sa nag-prodyus ng Busong na nakarating pa sa Cannes Film Festival.


SACRIFICING SHOWBIZ. Simula nang pumasok siya sa pulitika, hindi na siya ganoon ka-visible tulad ng dati.

At ayon kay Alfred, personal choice na rin daw niya yun.

“Aaminin ko, noong nag-public service ako, talagang nasakripisyo yung showbiz ko. Yun talaga ang natamaan. Kasi, hindi ko naman puwedeng i-sacrifice ang personal o family life ko.

“So, talagang pinili kong bitawan ang showbiz talaga. So, it’s really a big sacrifice talaga.”

Ika-sampung taon na ni Alfred sa showbiz ngayon. Bago siya pumasok ng pulitika, ang dami niyang projects at leading man din siya.

Bakit mas pinili niya ang i-prioritize ang pulitika kesa sa showbiz career niya?

“Feeling ko kasi, yun ang calling ko,” saad niya.

“Although, passion ko rin naman forever ang maging actor. At saka, feeling ko naman siguro, makakabalik naman ako, kasi nandiyan naman si Nay Lolit Solis. Nandiyan naman kayo,” banggit niya pa sa manager niya at tila paglalambing na rin ng suporta sa umi-interview sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit hindi siya tumulad sa ibang artistang pumasok man sa pulitika, pero, napagsasabay ang dalawang mundo?

“Feeling ko siguro, nag-concentrate lang talaga ‘ko. Gusto kong seryosohin ang public service at saka, nag-aaral din ako ngayon, Master in Public Administration sa U.P. [University of the Philippines].

“So, prinarioritize [prioritize] ko muna ito. Nahiya rin naman ako sa mga bumoto sa akin.

“So far, ang ganda naman. Although na-sacrifice ang showbiz career ko, ang ganda naman ng performance ko as councilor,” pagmamalaki ni Alfred.


FROM CITY COUNCIL TO CONGRESS. Sa darating na eleksiyon, congressman ng District 5 ng Quezon City naman ang tatakbuhin ni Alfred.

Ito raw ang bagong distrito ng Quezon City at nasa ilalim pa rin siya ng partido ni Mayor Herbert Bautista, ang Liberal Party/Nacionalista Party/Nationalist People’s Coalition/National Unity Party coalition.

Bakit ang pagiging congressman naman ngayon ang pinili niyang takbuhan?

“Yun po kasi ang clamor ng tao. Kasi, bagong distrito po ‘to. So, gusto nila, bagong mukha. Bagong pag-asa.”

Pagkatapos ba sa Kongreso, sa Senado naman siya tatakbo?

“Ay, hindi ko alam. Sa ngayon, happy na ‘ko rito.

“Okey na siguro ang Quezon City, kasi malaking responsibilidad na rin ang congressman.”

Ateneo De Manila University graduate si Alfred at masaya raw siya na nagagamit din niya ang napag-aralan niya.

Isa rin sa mga konsehal ng Quezon City, si Roderick Paulate ay may kasong kinakaharap sa Ombudsman—ang diumano’y pagkakaroon nito ng “ghost employees.”

Ano ang masasabi ni Alfred tungkol dito?

“Kilalang-kilala ko si Kuya Dick [palayaw ni Roderick] at saka, ang bait-bait no’n. I don’t think na gagawin niya yun. At saka, sa laki ng kinikita niya, apat ang shows niya, hindi niya kailangan yun.”

Sa parte niya, ano ang pinaka-grabeng intriga na natanggap niya?

“Wala pa naman. Iwas pa naman tayo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


NO REGRETS BEING A PUBLIC SERVANT. Pero sa kabila nga ng pagpasok ni Alfred sa pulitika, nasa sistema pa rin niya ang showbiz. Heto nga’t nag-produce pa siya ng pelikula.

“Oo naman. At saka, ito ang bumubuhay sa akin, e. Ito ang nag-define ng buhay ko,” saad pa ni Alfred.

Wala bang pagsisisi kay Alfred na pinasok niya ang pulitika? Kung nag-concentrate lang sana siya sa showbiz, malamang ay katulad ng mga role na ginagawa ng Star Circle batchmate niyang si Dennis Trillo ang ginagawa niya ngayon.

“Wala, no regrets ako,” sagot agad ni Alfred.

“Unang-una, happy naman ako sa life ko. Pangalawa, gusto ko pa rin namang gumawa ng magagandang projects. Kapag magaganda ang projects mo, hindi ka makakalimutan ng mga tao.

“Hindi ko lang definitely magagawa ang magbabad sa teleserye. Hindi ko lang magagawa yun, for sure. So, ang pag-asa ko, movies at saka guesting. Yun na lang.

“Tanggap ko na iba na ang buhay ko. Public servant na talaga.”


HAPPY WITH YASMINE. Masaya rin daw si Alfred sa kanyang misis na si Yasmine Espiritu at ang dalawa nilang anak na sina Alexandra at Aryana.

Ayon nga kay Alfred, “Kasal naman na kami, happy family. Although yung church wedding namin, hindi pa natutuloy.

“Sa 2014 na lang, after ng election.”

So, nakaplano na siya sa chuch wedding?

“Siyempre, para mabigay mo naman sa babae. Sa akin kasi, kahit saan. Pero siyempre, para sa kanya yun.”

Kumusta si Yasmine bilang isang misis?

“Very hands-on siya. Siya talaga ang nag-aalaga.

“E, di ba, last year, ninakawan ako ng vault sa bahay. Na-trauma si Misis, kasi kasambahay namin ang nagnakaw. Nakakulong na siya ngayon.

“Pero dahil doon, since Italian naman ang wife ko, dito, siya na ang nag-aalaga, wala na kaming yaya. May kasama pa rin kaming isa, pero, sa alaga ng bata, hands-on na si Misis.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Na-trauma sila sa pagnanakaw na yun?

“Ako naman, hindi naman ako na-trauma. Pero, natakot na ako for my family. Kasi, sarili mong kasama sa bahay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN