Superstar Nora Aunor and Thy Womb director Brilliante Mendoza win at the 6th Asia-Pacific Screen Awards

Minalas man sa airport dahil nawalan siya ng cellphone, maganda namang balita para kay Nora Aunor na tinanghal siyang bilang best actress sa ginanap na 6th Asia-Pacific Screen Awards ngayong araw na ito. Nanalo rin sa nasabing international award-giving body bilang best director ang direktor ni Nora sa Thy Womb na si Brilliante Mendoza.


Nawalan ng cellphone ang Superstar na si Nora Aunor ngayong araw, November 23, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), bago pa man siya nakasakay ng eroplano patungong Davao.

Dadalo ang aktres sa red-carpet premiere ng pelikulang Thy Womb sa SM Mall Lanang, Davao City.

Sa ulat ng NEWS5, problemado raw si Nora pagdating nito sa Davao Airport dahil nga sa insidente ng pagkawala ng cellphone nito.

Pakiusap ni Nora, “Kung sino man ang nakapulot ng cellphone ko, please lang pakibalik, maski na yung sim card lang. Yung telepono sa inyo na.”

Pero minalas man sa airport, pinatunayan naman ng Superstar na hindi talaga matatawaran ang kanyang galing sa pag-arte.

Nagwagi siya bilang best actress sa ginawang awarding ceremonies ng 6th Asia Pacific Screen Awards (APSA) sa Brisbane, Australia, ngayong araw din.

Nagwagi rin si Direk Brilliante Mendoza bilang best director para rin sa pelikulang Thy Womb.

Bumubuhos na ngayon sa social networking site na Twitter ang congratulatory messages para kay Ate Guy at Direk Dante.

Nagpadala naman sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng kanyang reaksyon sa pagkapanalo ng bagong award si Nora, sa pamamagitan ng text message ng kanyang personal manager na si Boy Palma (published as texted):

"Surprised kasi d2 kami sa davao premiere nang thy womb"

Ang APSA ay ang taunang pagkilala sa mga magagandang pelikula at mahuhusay na pagganap sa Asia-Pacific region.

Apat na taon na ang nakararaan, nanalong CNN APSA Viewers’ Choice Award for Best Asia-Pacific Film of All Time ang Himala ni direktor Ishmael Bernal, na pinagbidahan din ni Nora.

(CLICK HERE for related story.)

Nung September, nanalo naman ng tatlong awards ang Thy Womb sa 69th Venice International Film Festival.

(CLICK HERE to read related story.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN