Paulo Avelino on how singing is related to acting: “Pag kumakanta ka, it draws out emotions.”

Sinasabing mula nang lumipat si Paulo Avelino sa ABS-CBN ay mas sumikat siya. Sa tingin ba niya ay mas sikat na siya sa mga dating kasama sa GMA-7 na sina Dennis Trillo at Martin Escudero? Sagot ni Paulo: “Hindi. Ewan ko… Sa ‘min kasi magkakaibigan kami. We don’t ask too much about our work. Kung anu kami dati, ganun pa rin kami.”


Ipinakita na ni Paulo Avelino ang kakayahan niya pagdating sa pag-arte.

Naging maganda nga ang pagtanggap sa kanyang pagganap sa ABS-CBN drama series na Walang Hanggan at ngayo’y may tatlong pelikula pa siyang ginagawa—isang indie film at dalawa mula sa isang major film outfit.

Ngayon, sa kantahan naman magpapakita ng kanyang galing si Paulo.

Malapit na kasing ilabas ang kanyang unang album sa ilalim ng Universal Records.

Kuwento pa niya sa Ang Latest: Uplate nung Huwebes, November 22, masaya raw daw siya sa kinalabasan ng kanyang recording.

Gusto rin ba niyang matawag na actor-balladeer?

“Hindi naman…trying hard singer?” biro niyang sagot.

“I think nakakatulong din yung pagkanta. Singing is related to acting. Madaming musical plays...opera.

“Hindi ko rin ini-expect, happy naman ako so far,” sabi pa ni Paulo tungkol sa kanyang bagong career.

Siya ba ang pumili ng mga kanta sa kanyang album?

“I left the selections with my manager and Universal Records,” sagot muli ni Paulo.

Dagdag pa niya, iba raw yung pakiramdam niya pag kumakanta siya.

Aniya, “Pag kumakanta ka, it draws out emotions.”

THREE MOVIES. Tungkol naman sa kanyang movie career: “I’m doing two films with Regal, I’m doing Shake Rattle, I’m doing The Bride and The Lover.”

Kasama ni Paulo sa 2012 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Shake, Rattle and Roll XIV “Lost Command” episode sina Dennis Trillo at Martin Escudero.

Habang kasama naman niya sa The Bride and The Lover sina Lovi Poe at Jennylyn Mercado.

“I’m also doing another Cinemalaya [Philippine Independent Film Festival] entry again, it’s called Debosyon,” dagdag pa ni Paulo.

May Cinemalaya entry rin nung isang taon si Paulo, ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa.

Sa Regal MMFF entry na Shake, Rattle and Roll XIV, co-stars ni Paulo ang mga dating kasama sa GMA-7 na sina Dennis at Martin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Dennis ay nasa Siyete pa rin, habang si Martin naman ay nasa TV5.

Sinasabing sa paglipat ni Paulo sa ABS-CBN ay tila mas nakilala siya at mas sikat na sa mga iniwang kasama sa Kapuso station.

Sa tingin ba ni Paulo ay naungusan na niya sina Dennis at Martin?

“Hindi. Ewan ko… Sa ‘min kasi magkakaibigan kami,” mapagkumbabang sagot ni Paulo.

“We don’t ask too much about our work.

“Kung anu kami dati, ganun pa rin kami.”

Masaya raw sila habang ginagawa ang kanilang pelikula.

“Masaya, masaya… Ang iingay namin sa set.

“Kuwentuhan, parang nagbalik lahat nung mga alaala namin dati.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN