Martin Escudero on being extra close to Ritz Azul: “Ako, isang tipo ko, magkakagusto kay Ritz ng walang pagdadalawang-isip.”

Nanliligaw ba si Martin Escudero kay Ritz Azul? Sagot ni Martin: “Si Ritz pa, napakaganda pa naman nun, napakabait...Tingnan natin, ‘wag na nating pangunahan.”


Marami ang nakakapansin sa kakaibang sweetness at extra closeness sa pagitan ng Kapatid artists na sina Martin Escudero at Ritz Azul.

Sa set nga raw ng Kapitan Awesome, kunsaan magkasama ang dalawa, nagiging tampulan sila ng tukso dahil nga sa ipinapakitang pagkagiliw nila sa isa’t isa.

“Baby,” pa nga raw ang tawag ni Martin kay Ritz.

Sa panayam kay Martin ng Ang Latest: Uplate nung Huwebes, November 22, nagbigay ito ng paglilinaw tungkol sa napapansing kakaibang closeness nila ng FHM Philippines November issue cover girl na si Ritz.

Natatawang simula ni Martin, “Marami nga akong naririnig na medyo ganun.

“Baby, kasi Baby Damulag [ang tawag ko dun], anlaki na nun.

“Natutuwa lang yung mga tao sa samahan namin ni Ritz,” sabi pa ni Martin tungkol sa kanyang Kapitan Awesome co-star.

“Siya yung partner ko sa Awesome ‘tapos nakatrabaho ko na rin siya sa iba [pang shows].

“Napakabait kasi nun, ni Ritz.

“Ako, isang tipo ko, magkakagusto kay Ritz ng walang pagdadalawang-isip.”

CLOSE TO DAD. Pero mas lalong naging malakas ang bulung-bulungan na may “something special” nga sa dalawa dahil close din daw si Martin sa ama ni Ritz na si Daddy Richard.

Tila nagpapalakas daw si Martin sa ama ng dalaga.

Paliwanag naman ni Martin dito, “Wika nga nila, magulang muna. Pareho din kasi kaming Bicolano.

“Magkasundo kami, para din siyang tatay ko, e. Kung umasta.

“Oo, sa set halos kami lang ni Daddy yung nag-uusap. Ka-bonding ko, daddy lang niya.

“Close kami nung tatay niya kaya siguro naging close din kami ni Ritz.”

Pero nanliligaw na nga ba siya sa Kapatid princess?

“Wala na tayong...hindi natin tiyak yung mga puwedeng mangyari.

“Open tayo sa mga mangyayari,” nasabi na lang ni Martin.

Hindi naman itinatago ni Martin ang paghanga sa dalagang Kapampangan.

“Si Ritz pa, napakaganda pa naman nun, napakabait...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tingnan natin, ‘wag na nating pangunahan,” hiling na lang ni Martin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN