Sam Milby sharpens his Tagalog by reading Filipino romance books

Nagpapasalamat si Sam Milby sa suporta at pasensiya na ibinibigay sa kanya ng Against All Odds co-star niyang si Judy Ann Santos. Ani Sam tungkol kay Juday: “May mga eksena talaga na nabubulol ako kaya paulit-ulit ang mga eksena. She’s very supportive though, sobrang thankful ako sa kanya.”

Pansamantalang nakabitin naman ang drama series nila ngayon dahil abala si Juday sa kanyang show na


Early this year, iniwan pansamantala ni Sam Milby ang kanyang showbiz career sa Pilipinas para subukan ang kanyang suwerte na maka-penetrate sa Hollywood.

Pagkatapos ng ilang buwan din niyang pag-a-audition, bumalik siya ng bansa at ngayon ay parte ng isang sisimulan pa lang na serye sa Kapamilya network, ang Against All Odds.

Kasama niya rito sina Jericho Rosales, KC Concepcion, at Judy Ann Santos.

Kaya lang, nagpasabi na si Juday na sa susunod na taon pa mapapanood ang nasabing serye dahil na rin ang focus niya ngayon ay ang show niyang MasterChef Pinoy Edition at hindi niya kayang magsabay ng dalawang shows.

Agad namang tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sam kung hindi ba siya nanghihinayang na hindi na mabibitin ang dapat sana’y comeback drama series niya.

“Hindi naman. I mean it’s not na-shelve. Iba yung na-shelve sa just put on hold from the meantime,” sagot ni Sam.

“From my understanding, siyempre, bising-busy talaga si Juday.

“Mahirap talaga ang schedule niya.

“I’m still so excited,” nasabi pa ng Fil-American hunk.

INTIMIDATED WITH JUDAY? Sa isang panayam kay Judy Ann, nabanggit nito na tila nai-intimidate sa kanya si Sam sa tuwing magkaeksena sila.

Obserbasyon tuloy ng mga nakakapanood kina Juday at Sam, ito raw siguro ang dahilan kaya minsan ay nagkakabulul-bulol ang Kapamilya actor sa kanyang pagta-Tagaog pag magkaeksena na sila.

“Hindi naman. I mean naging mas kumportable na ako ngayon.

“May mga eksena talaga na nabubulol ako kaya paulit-ulit ang mga eksena,” pag-amin ni Sam.

“She’s very supportive though, sobrang thankful ako sa kanya.

“Like yung sa mga ganyang moments, supportive siya, patient siya sa akin.

“Tinutulungan niya ako, kaya I’m very thankful to her.”

PRACTICING HIS TAGALOG. Tinanong namin si Sam kung may mga ginagawa ba siya ngayon para mag-improve pa lalo ang kanyang pagta-Tagalog, lalo’t ito na lang naman ang problema sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Early this year, even last year, nagbabasa ako ng Precious Hearts Romances na booklets para masanay yung dila ko, and then nakakatulong din ang best friend ko na si Pratty na Tagalog din magsalita.”

Ang Precious Hearts Romances ay brand ng mga romance books na nakalathala sa wikang Filipino, at siyang pinagkukuhanan ng mga istorya ng programang Precious Hearts Romances presents… ng ABS-CBN.

Habang ang tinutukoy naman na “Pratty” ni Sam ay ang aktor na si John Prats.

“Mahirap kasi ngayon, kasi kasama ko ang ate ko sa bahay at pamangkin ko. So, nag-i-English kami sa bahay,” banggit pa niya sa kanyang Ate Ada at pamangkin na si Lona.

NOT GIVING UP. Tungkol naman sa pangarap ni Sam na maka-penetrate sa Hollywood, sinabi niyang hindi pa siya susuko at muling babalik sa Hollywood para muling mag-audition.

“Ipu-pursue ko pa dapat. Babalik ako sa February.

“Kaya lang, di ko alam kung magiging okey ang schedule ko. Kasi baka busy ako dito.

“So baka next year, di ko alam…

“But I think puwede kong i-video ang sarili ko at puwede kong i-send dun.

“Di ko alam kasi kung malalaman ng mga producers and directors na nandito ako.

“Baka iba ang maging dating. So, it’s harder,” pagtatapos ni Sam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN