Willie Revillame hints at possible title of new show next year: “Sabihin niyo nga, ‘Wow na wow, Willie!”

Sinigurado ni Willie Revillame na mas magiging masaya ang kanyang mga tagasunod sa bago niyang show sa Enero. Nagbiro pa si Willie na, “Maaring pagka-[January] 26 maaring magkasama-sama tayo, pero magpapahinga po muna ako dahil ooperahan po ako… Ooperahan po ako sa kuko!”


Energetic at masiglang-masigla si Willie Revillame nang nag-opening number siya sa Wil Time Bigtime kanina, November 24.

Matapos kumanta, binigyan niya ang halos lahat ng audience members na naka-uniform ng tigsa-sampung libo.

Pagkatapos ay muling nagsalita si Willie tungkol sa iba pang detalye ng inanunsiyo niyang pagtatapos ng kanyang show sa Enero, at ang pagkakaroon naman ng bagong show.

Pahayag ni Willie, “Magtatapos na po ang Wil Time Bigtime ng January 5.

"Kaya ibinibigay ko na sa inyo lahat ng aming pondo. Huwag kayo umiyak, kayo, lola.

“Yung mga nasa bahay, huwag ho kayong mag-aalala, dahil… Huwag kayo mag-alala, may mas malaki, may mas bigating papremyo at bigatin na pagmamahal.”

Palakpakan naman ang mga tao sa loob ng studio.

Patuloy pa ni Willie, “Lilipat na po ako, kami ng staff, kaming lahat at tayong lahat.

“Mas malaking studio, mas kumportable kayo. Itong nakikita niyo dito, wala ito, doble po ang laki ng studio para ma-accommodate lahat ang ating mga kababayan.

“Yung mga bumibiyahe mula sa malalayong lugar, alam namin po na madaling araw pa lang umaalis na kayo sa inyong mga probinsiya.

“Huwag kayo mag-aalala, naglagay kami doon ng isang lugar na talagang makakapagpapahinga kayo, makakain kayo nang maayos.

“Ang iniisip po ng TV5 ay ang kapakanan at ang kumportableng pagpunta niyo sa studio na pupuntahan namin. Malapit na po ‘yan, lilipat na po ang Wil Time Bigtime.”

Dugtong pa niya, “Sasabihin ko sa inyo kung anong oras. Sasabihin ko sa sa inyo kung saan at anong channel.

“Alam niyo naman ako, laging lipat-bahay, palipat-lipat.

“Maaaring January 5 might be the last day of Wil Time Bigtime.

“Huwag kayo mag-aalala, sandaling panahon lang kami magpapahinga.

"Merong magbubukas, magliliwanag na muli ng inyong buhay. Magliliwanag na muli, sa araw araw. Huwag kayo mag-alala.

“Kaya sinasabi ko ito, para wala nang sinasabing ispekulasyon, na nagpapadama ako sa ibang channel, hindi po. Lilipat po ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NEW SHOW TO START ON JANUARY 26? Paglilinaw pa ni Willie, “Sa takdang panahon, malalaman ninyo kung saan kami lilipat. Sasabihin namin sa inyo, inaayos lang po lahat.

“Maniwala kayo sa hindi, yung paglilipatan natin ay para kayong nasa bahay, feel at home na kayo sa studio na yun.”

Tanong pa niya sa audience, “Okey ba?”

Palakpakan at hiyawan ng pagsang-ayon naman ang isinagot ng audience.

Dagdag pa niya, “At yung paglipat ko po, sa kaarawan ko, okey? I think [January] 26 is Saturday. January 27 po birthday ko.

“Maaring pagka-26 maaring magkasama-sama tayo, pero magpapahinga po muna ako dahil ooperahan po ako.”

Dito biglang natahimik ang buong studio.

Pero bawi ni Willie, “Ooperahan po ako sa kuko.

“So, pag naopera yung kuko, okey na ulit ako. Okey ba?”

Tawanan tuloy ang lahat.

WOW NA WOW, WILLIE? Bago natapos ang pagpapaliwanag muli ni Willie, nagsabi siya ng mga katagang maaaring magiging titulo ng show.

Wika niya, “Hanggang nandito kayo at nandito kami, para po sa inyo ito. tandaan niyo, ‘Wow na wow, Willing Willie.”

Matatandaang ang naging huling show ni Willie sa ABS-CBN ay Wowowee. Ang una namang naging show niya sa TV5 ay Willing Willie.

Dagdag pa niyang sabi sa audience, “Sabihin niyo nga, ‘Wow na wow, Willie, malapit na.’

“Okey ba? Basta para magiging masaya kayo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN