Baron Geisler’s non-showbiz girlfriend requests anonymity: "I can’t be associated with negative issues."

Sa isang pagtitipon ay isinama ng aktor na si Baron Geisler ang kanyang non-showbiz girlfriend. Bagamat magiliw namang nakiusap ang kasintahan ng aktor sa press, nakiusap itong huwag na lang banggitin ang kanyang pangalan.


Muling nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kontrobersiyal na aktor na si Baron Geisler, matapos ang pinakahuling insidente ng pakikipag-away na kanyang kinasangkutan.

Dumalo si Baron sa birthday party ni Larry Castillo noong November 17, na ginanap sa Chantilly Villas Garden-residence ng multi-awarded director na si Brillante Mendoza.

Si Larry ay tumatayong line producer ng mga bagong indie films ni Direk Brillante—ang Thy Womb at Sapi.

Kabilang si Baron sa major cast ng Sapi, kaya malapit siya sa grupo nina Direk Brillante at Larry.

That night, kasama ni Baron ang isang non-showbiz girl na ipinakilala niya sa PEP bilang "my girlfriend.”

Maganda at simple lang ang girl.

Sa sandaling pakikipag-usap sa dalaga, agad mapapalagay ang loob ng sinumang taga-media, kaya lang ay agad siyang nagpauna sa kausap na taga-press.

"I hope you don’t mind, but ’wag na po sana mababanggit ang identity ko," sabi ng girlfriend ni Baron.

"I can’t be associated with negative issues."

Ganito rin ang pakiusap ni Baron sa PEP. Lalo’t hindi pa nagtatagal at nasa isipan pa ng publiko ang nangyaring sigalot sa pagitan ng aktor at ng kapitbahay niyang si Raymond dela Rosa.

(CLICK HERE to read related story.)

Hindi tuloy katakataka na sa napaulat ay walang pagbanggit sa identity ng girlfriend ni Baron, bilang pagrespeto rin ng media sa kanila.

Ang nasasabi lang ay isa itong kamag-anak, at taglay ang pangalan, ng isang kilalang aktor sa network na kinabibilangan ni Baron.

"Everything is fine. God is so good. I’m very blessed and I’m just moving on," sabi ni Baron sa PEP.

Ayon din sa aktor, ang mga pinakahuling pangyayaring kinasangkutan niya ay hindi niya kagustuhan.

"Ah, hindi naman... blown out of proportion. But, you know, I’m very thankful," sabi niya.

Tulad ng dati, "reformed" na raw uli si Baron—hindi na niya kailangan pa ang bagong rehabilitasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yes, I’m trying to keep on… keeping on. It’s a bit ano... but things are great! Thank God!

"Everything is good. Okay.

“Nagkaayos na... everything is good!" pagtukoy niya sa kapitbahay na nakabangga.



BUSY WITH PROJECTS. "God willing, tuluy-tuloy lang po ang trabaho," positibong banggit din ni Baron nang kumustahin namin ang mga pinagkakaabalahan niya sa kasalukuyan.

Katatapos lang daw niyang gawin ang El Presidente at Sapi.

Sa El Presidente, na entry sa 2012 Metro Manila Film Festival, papel ng isang Spanish lieutenant ang ibinigay kay Baron.

"Ano lang ako, support lang ako... hindi po hero. I’m a Spaniard.

"I’m very blessed na nakasama ko yung mga bigating artista, at isinama ako ni Governor [ER Ejercito].

“Directed by Mark Meily, isa sa magagaling na direktor dito sa industriya."

Kasali rin daw si Baron sa action fantaserye ng TV5, ang Kidlat, kunsaan bida si Derek Ramsay.

"Ano naman ako dito, the kontrabida. Yes, regular role!

“Nagte-taping na ako," banggit pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN