Divine Lee’s message to fugitive dad Delfin Lee: “Tatagan mo lang ’yan, alam mo yun, it will all pass..."

"I would rather na gawin siyang positive... parang ayoko nang tutukan ng pansin yung mga masasama. Kasi for me, there are things to be happy about," pahayag ni Divine Lee kaugnay ng kasalukuyang bagyo sa kanilang pamilya.


Masaya man si Divine Lee dahil sa pagkapanalo niya ng Best New Female TV Personality trophy sa 26th Star Awards For TV noong November 18, hindi nito magipigilang maging emosyunal nang napag-usapan na ang kanyang pamilya.

Bibihirang magsalita si Divine tungkol sa mga magulang niya dahil, para sa kanya, isa raw itong "private matter."

Kahapon, November 24, sa live interview sa kanya ng mga co-host niya sa Ang Latest: Updated ng TV5, nagpakita ng katatagan si Divine kahit umiiyak na ito.

Itinawid niya ang saloobin sa mga “bagyo ng problema” na kinakaharap ng kanyang pamilya.

Ang ama ni Divine na si Delfin Lee, isang real estate developer, ay pinaghahanap pa rin sa ngayon ng mga awtoridad dahil sa kasong estafa, kaugnay ng sigalot sa Globe Asiatique Realty Holdings Corp.

Kuwento ni Divine, “I think kasi, sa dami ng pinagdaanan ko, nag-crack na yung boses ko…

"Iyong puwede mo lang ma-control, the way you react.

“So parang, I would rather na gawin siyang positive, kaysa gawin na parang…

“So parang ayoko nang tutukan nang pansin yung mga masasama.

"Kasi for me, there are things to be happy about.”

Pagpapatuloy pa niya, sa gitna ng pagluha, “Parang yung Diyos, lagi kang binibigyan ng things to laugh about, to smile, di ba?

“Yun, so dun na lang ako nagpo-focus.

“Tapos, halimbawa, kung malungkot ako, tatayo ka, at sasabihin kong, ‘At least, may kama pa akong tinutulugan. O, di ba, nakatulog pa ako na may kama.’ Parang ganun.

“So dun na lang ang focus.

“So, alam ko, kapag naging negative ako, wala akong matututunan.

“Mas maganda yung i-focus ko, pati tweets ko… sa bagyo, di ba?

“Kumbaga, dun ko na lang binabawi.”’

Ang tinutukoy ni Divine ay ang ginagawa niyang relief operations tuwing may kalamidad sa bansa.



MESSAGE TO HER PARENTS. Hindi man masydaong malinaw, maluha-luha pa rin ang model-TV host nang magpaabot ng mensahe para sa ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Divine, “May time pa, hangga’t buhay pa, may time pa... alam mo ‘yon?

“Lahat naman may chance, lahat naman kami mahal na mahal siya.

“Hindi yun natatapos, kahit na ano yun. We don’t… I don’t think that we should be defined by our past. It should be about our future.”

Nakapag-usap pa ba sila ng tatay niya?

Pag-amin ni Divine, “Hindi po, kasi I think yun naman po ang gusto niya… nung nagkagulo, talagang hindi na po.

“Ang una niya pong sinabi, ’Yung mga bata, huwag nang isama.’

“So parang ako, bilang yung pinakamakulit na anak, parang hindi na rin po ako nagpu-push na parang hanapin or kausapin.

“Kasi, for me, hindi na po dapat, kasi I think mas magugulo lang po yung isip niya.

“Kasi kung iisipin niya pa pati mga anak niya… At least nakikita niya po ako sa TV na masaya.

“Umiiyak ako pero masaya pa rin ako… na nakita na may trabaho ako.

“So, hindi siya kailangan mag-worry.”

Mensahe pa niya sa ama, “Tatagan mo lang ‘yan, alam mo yun, it will all pass... alam mo yun.

“Parang gabi-gabi naman, nagro-rosaryo ako, hindi naman tayo pababayaan ng Diyos.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN