Matteo Guidicelli prioritizes work and triathlon training over lovelife

“I realized that I really want to concentrate with my work first now so I’m giving it all sa Paraiso. I really want to prove myself as an actor in a soap. I’m not really thinking about [lovelife] right now, e. I’m really thinking about work now,” says Matteo Guidicelli about keeping his focus on work and triathlon training.


Tuluy-tuloy ang pagkahilig ngayon ng dating car racer na si Matteo Guidicelli sa pagtakbo, kaya naman madali siyang nakumbinsi na lumahok sa charity event na Sunpiology Run kahapon, November 25.

“First of all, it’s very nice to spread the word of fitness.

“Second, Sunpiology has a very good cause. Alam naman natin na it’s a charity run,” sabi ni Matteo nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media pagkatapos niyang tumakbo sa 12-kilometer category ng nasabing event.

Ang Sunpiology Run at Star Magic Gives Back concert, na ginanap matapos ang fun run, ay ginanap sa McKinley Hills, Fort Bonifacio, Taguig City.

Ang lahat ng malilikom sa dalawang event ay ibabahagi sa mga charity organizations tulad ng Hebreo Foundation, Sagip Kapamilya, Reception and Study Center for Children, at Sanctuary Center.

Bukod sa pagtulong, nagsilbi ring training para kay Matteo ang pagsali sa fun run na ito.

Aniya, “I always train naman so this fun run, for me, is like a training session.

“Mahirap lang yung course ngayon kasi maraming ahon-ahon, mahirap.”

At dahil seryoso na ngayon ang Star Magic talent sa pagiging triathlete niya, siniguro niya na marami pa siyang triathlon events na sasalihan.

“Marami pang lined up races next year. Wala lang, just keeping a healthy lifestyle,” ani Matteo.



FOCUS ON WORK. Bukod sa pagiging triathlete, abala rin ngayon si Matteo sa pinagbibidahan niyang afternoon soap sa ABS-CBN, ang Precious Hearts Presents: Paraiso.

Masaya ang aktor sa mga nakukuha niyang positibong komento sa kanyang pagganap bilang Brennan sa nasabing teleserye.

Sabi ni Matteo, “I’ve been working so hard for it.

“It means so much for me na nagustuhan talaga nila kasi pinaghirapan talaga namin ito.

“The only thing that’s on my mind is Paraiso.

“I go to the set… and talagang it means a lot to me. Salamat po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong din ng PEP si Matteo tungkol sa pakikipagtrabaho niya sa kanyang leading lady na si Jessy Mendiola.

Aniya, “We’re good, we’re very good.

“We really have a very good working relationship. We see each other almost every day.

“Super nice, Jessy and I, we work very well together.

“She’s a very sweet girl. ‘Yon, I’m always very excited to see her every day at work.”

Sa mismong teleserye, naipakita na unti-unting nahuhulog ang mga karakter nila ni Jessy sa isa’t isa. Posible rin kaya itong mangyari sa totoong buhay?

Paiwas na sagot ni Matteo, “Jessy’s a really cool girl and I’m very blessed to work with her.

“Pero for now, I’m just concentrating and working hard for Paraiso.

“But ano, doors are always open. Basta the first priority is Paraiso.”

Dagdag pa niya, “Hindi natin alam, e. You know, Jessy is really a wonderful person. Anything can happen.

“Pero, for now, I’m really concentrated with my soap. ‘Yon na muna ang priority ko talaga.”

Inulit din ni Matteo na sa ngayon ay hindi pa niya naiisip na pumasok sa panibagong commitment matapos ng kanyang relasyon sa kapwa Star Magic talent na si Maja Salvador.

Diin pa ni Matteo, “I’m not really thinking about that now. Talagang yung triathlon at Paraiso ang concentration ko ngayon.”



FRIENDS WITH MAJA. Ayon kay Matteo, ang kanyang naitalagang priorities sa ngayon ang isa sa mga dahilan kung bakit napagdesisyunan nila ni Maja na maghiwalay na lamang.

Paliwanag niya, “I guess, different ang priorities namin ngayon.

“I realized that I really want to concentrate with my work first now, so I’m giving it all sa Paraiso.

“I really want to prove myself as an actor in a soap.

“I’m not really thinking about [lovelife] right now, e. I’m really thinking about work now.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sa ginanap na Star Magic Gives Back concert kagabi, napansin namin na nagkatabi sa upuan sina Matteo at Maja.

Isang patunay ito na maayos pa rin ang relasyon nila sa kabila ng paghihiwalay nila.

Ayon kay Matteo, nananatili naman ang pagiging magkaibigan nila ni Maja.

Aniya, “Maja and I, we talk, we’re good friends. We’re in a friendship relationship, ‘yon lang.

“There’s no problem about being friends again.

“I’m happy we’re friends because I don’t like making enemies.

“I’m really proud and masaya talaga ako na magkaibigan kami talaga.”



"A DREAM TO WORK WITH SARAH." Samantala, naging usap-usapan sa Twitter ang pagiging guest kamakailan ni Matteo sa Sarah G Live, ang weekly musical show ni Sarah Geronimo sa ABS-CBN.

Karamihan sa mga nagtu-tweet ay natuwang makita ang binata sa programa.

Katulad nila, masaya rin si Matteo sa kanyang naging guest appearance sa weekly entertainment show ni Sarah Geronimo.

“It’s a dream to work with Sarah. Then, I will be guesting again as a co-host [this Sunday].”

Kung sakaling magkatrabaho daw ulit sila ni Sarah, sabi niya, “Sana I can sing with her one day—that’s my dream.

“Nagkatrabaho kami before sa movie.

“It’s always nice to work with her because she’s very true, very real, ang sarap.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN