Piolo Pascual on rumored romance with Shaina Magdayao: "I mean, ang hirap sa showbiz, may judgment agad, e. We’re okay."

Labis ang kasiyahan ni Piolo Pascual sa box-office success ng 20th anniversary film ng Star Magic na 24/7 In Love. Saad niya, “Big deal sa amin yun... Hindi mo naman makikita lagi na pinagsasama-sama kami dahil sa schedule namin. We were able to come up with a movie with prime artists of ABS or Star Magic na magkakasama. To find out it was supported well, maganda yung box-office result niya, siyempre nakakahinga na kami nang maluwag."


Balitang patuloy na pinipilahan sa mga sinehan ang pelikulang 24/7 In Love, ang 20th anniversary presentation ng Star Magic, na iprinodyus ng Star Cinema.

Ang Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN Network, ang siyang namamahala sa careers ng karamihan sa mga stars na lumalabas sa ABS-CBN.

Sa 24/7 In Love, pinagsama-sama ang pinakamalalaki at pinakasikat na artista ng Star Magic, sa pangunguna nina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Angelica Panganiban, Bea Alonzo, Diether Ocampo...

Kim Chiu, Gerald Anderson, Sam Milby, Pokwang, Zanjoe Marudo, Maja Salvador...

Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Xyriel Manabat, at Zaijian Jaranilla.

Ayon kay Piolo—na sa tingin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ay itinuturing na "first among equals" sa loob ng Star Magic—ay nakahinga na silang lahat nang maluwag dahil sa mainit na pagtanggap ng publiko sa kauna-unahang pelikula ng kanilang management company.

“Sobrang saya, tagal naming pinaghirapan ’yan, e. Collaboration ‘yan between Star Magic and Star Cinema.

“Big deal sa amin yun as a talent agency.

“Hindi mo naman makikita lagi na pinagsasama-sama kami dahil sa schedule namin.

“We were able to come up with a movie with prime artists of ABS or Star Magic na magkakasama.

“To find out it was supported well, maganda yung box-office result niya, siyempre nakakahinga na kami nang maluwag."

Naksausap ng PEP si Piolo sa back-to-back events na SunPIOLOgy Run at Star Magic Gives Back concert kahapon, November 24.



LOVE TRIANGLE. Marami ang nagtaka kung bakit love triangle ang tema ng istorya ng episode nina Piolo, Xyriel, at Zaijian sa 24/7 In Love. Wala kasing adult na kapareha rito ang aktor.

May usap-usapan na choice daw talaga ni Piolo na hindi siya matali sa isang leading lady at mas makilala bilang isang solong aktor.

Paliwanag ng matinee idol, “When they pitched the concept to me of a love triangle between myself, Zaijian, and Xyriel, tumawa talaga ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, ‘Rurok ito, ha, saan ka nakakita na ang ka-loveteam mo, bata?’

“Pero napamahal sa akin yung concept, napamahal sa akin yung script.

“Natakot lang talaga ako… I only have a short time to prepare for it.

“It’s not easy to be… Something difficult, something challenging na hindi mo naman ginagawa in a normal basis.

“But it was a challenge that I have to take on.

“As an artist, I think it’s important to grow, to mature, and ma-try mo yung iba’t ibang roles.

“Ma-try mo yung iba’t ibang ka-partner para at least mag-grow ka as an artist.”



REUNION. Nabuhayan naman ang marami sa mga tagahanga ng Piolo Pascual-Judy Ann Santos loveteam nang lumabas ang mga larawang magkasama ang dalawa sa nakaraang trade launch ng mga programa ng ABS-CBN.

Sa hiwalay na panayam sa aktres, sinabi nitong hindi siya nagsasara ng pinto para magkasama silang muli ni Piolo sa isang proyekto. Pero hindi raw ito agad mangyayari.

(CLICK HERE to read related story.)

Sinang-ayunan naman ni Piolo ang pahayag na ito ni Judy Ann.

Saad niya, “Oo naman, yun naman talaga ang bagay.

“If it’s gonna happen, it’s gonna happen. And, siyempre, hintay lang tayo if ever.

"I’m always vocal about, you know, wanting to work with her ever since.

“Si Juday naman is the one who has given me the biggest break in showbiz and malaki ang utang na loob ko sa taong yun.

“So babalik at babalik tayo dun.”



MOVIE WITH GERALD. Kumpirmado na ang pagsasama nina Piolo at Gerald Anderson sa isang pelikula—ang On The Job na co-produced ng Star Cinema.

Isa itong action film na ididirek ni Erik Matti.

Excited daw si Piolo na gawin ito dahil sa kakaibang tema ng pelikula.

Saad niya, “Sobrang three years in the making yun, three years bago ma-nail yung project.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang daming pinuntahang artista, ang daming pinuntahang producer—and finally pumayag si Tita Malou [Santos, Star Cinema managing director] to co-produce it with Direk Erik’s production.

“And now Gerald is on board, nag-storycon kami nung isang araw… I was excited.

“Yung three years na hinintay ko, at least it is all worth it because it is one script na masasabi ko, not a typical Star Cinema film.

“Masaya ako because magagawa namin.

“It’s action, pero hindi typical na suntukan, habulan, sapakan.

“It’s kind of dark, kind of edgy.

“Yun ang gusto natin, para mailabas mo yung artistry mo, yung craft mo.

“So, I guess pareho kami ni Ge [palayaw ni Gerald] na excited kasi iba naman ito sa mga ginagawa namin sa TV.”

Ayon pa kay Piolo, napanood niya si Gerald sa serye nitong Budoy at hinahangaan niya ang husay at propesyunalismo nito.

“Very sensitive. I saw Budoy couple of times, he made me cry a couple of times.

“And I admire the guy for his professionalism and seryoso siya sa craft niya kaya malaki ang respeto ko sa ganung mga tao.”



SHAINA MAGDAYAO. Balita na kasama rin sa On The Job si Shaina Magdayao, na gaganap bilang asawa ni Piolo sa istorya.

Nandun ang hangad ng aktor na tanggapin ito ni Shaina lalo’t naniniwala siyang makakatulong ito sa pag-unlad ng aktres sa kanyang craft.

“Actually, sana tanggapin niya kasi it will also be good for her as an artist, kasi matured yung role.

“Mag-asawa kami dito, and hindi na rin naman bata si Shai.

“Si Angelica [Panganiban], ka-loveteam ko ilang beses na rin, halos magkalapit sila ng edad.

“So, I guess, bilang artista, maganda sana kung magagawa niya.”

Naiisip din kaya ng aktor na kapag tinanggap ni Shaina ang nasabing proyekto ay lalo silang mali-link sa isa’t isa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot niya, “Nag-uusap naman kami... actually nung isang araw tinext ko siya, tinanong ko about us.

“Sabi ko, ‘Okay naman tayo, di ba?’

“Yun lang naman, e... I mean, ang hirap sa showbiz, may judgment agad, e. We’re okay.”

Nagsimula ang pagli-link kina Piolo at Shaina nang maglabasan ang mga larawan nilang tila "very sweet."

Kuha ang mga larawang ito nang magtanghal ang ASAP 2012 sa Singapore.

Dahil sa maling interpretasyon ng ilan, napagtanto ni Piolo na dapat sa susunod, bilang mga artista, ay maging maingat sila sa mga kilos nila.

“Nagsimula lang naman yun, kalokohan sa Singapore, e.

“I guess after that, we have to be more careful para hindi rin mapintasan o ma-judge, you know... wala lang.”

Pareho silang malaya ni Shaina ngayon. Bukas ba siya sa posibilidad na maaring maging sila nga ng young actress?

“You know what, ang showbiz, kung sasabihin kong oo o hindi, mahirap.

"Tingnan na lang natin. Masamang pini-preempt ang mga bagay-bagay.

“Gusto ko ring protektahan si Shaina. She deserves to get all the respect she can get from all people and from this business.

“She’s a fine lady,” sabi ni Piolo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN