Kristoffer Martin turns 18 without a celebration: “Four years na akong hindi nagse-celebrate ng birthday ko."

Ano nga ba angd ahilan at ayaw i-celebrate ni Kristoffer Martin ang kanyang kaarawan? Sagot ng Kapuso young actor, “Ayoko na lang ang pag-usapan ang tungkol doon. Personal talaga kasi... very personal.”


Last November 20 nagdiwang ng kanyang 18thbirthday ni Kristoffer Martin, pero wala halos nakaramdam nito.

Pinili ng young actor na huwag na lang mag-celebrate at palipasin ito na parang isang ordinaryong araw lang.

“Hindi ako mahilig mag-celebrate, e,” katuwiran ni Kristoffer nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment portal) sa Party Pilipinas kahapon, Linggo, November 25.

Dagdag niya, “Four years na akong hindi nagse-celebrate ng birthday ko. Ayoko lang talaga na mag-celebrate.”

Bibihira ang gaya niyang ayaw magkaroon ng birthday celebration. Bakit nga ba?

“Ano lang, kasi parang every birthday ko kasi, parang ano… hindi naman malas, pero laging may nangyayaring problema kapag birthday ko.

“Kaya ayoko nang nagse-celebrate. Ayoko nang pinapansin yung birthday ko.

“Ang drama, di ba?

“Pero actually, ano… four consecutive years na akong hindi nagse-celebrate ng birthday ko.”



NO CELEBRATION. Ano ba ang mga nangyaring problema na nataon pa sa birthday niya nitong nakalipas na apat na taon?

“Personal, e... personal,” biglang lumungkot ang mukha ni Kristoffer.

“Ayoko na lang ang pag-usapan ang tungkol doon.

"Personal talaga kasi... very personal.”

Wala man lang kahit special dinner with his rumored girlfriend Joyce Ching nitong birthday niya?

“Hindi na naman kailangan, e.

“Pero sinorpresa niya ako noong birthday ko. Noong November 18 niya ginawa, sa GMA.

“May ibinigay siya sa akin na flowers tapos may teddy bear.

“Tapos may donuts na… customized donuts. May nakasulat na, ‘Happy 18thBirthday.’ Ganyan.

“Nakakatuwa... nasorpresa talaga ako. Kasi first time kong makatanggap ng ganoon, e.

“Siguro masasabi kong iyon na ang pinaka-turning point ng pagiging malas ng birthday ko—dahil sa kanya!” sabay tawa ng binata.

Ano ang feeling ng isang guy na makatanggap ng flowers at teddy bear mula sa espesyal na tao sa buhay niya?

“Hindi ko alam, e," sagot ni Kristoffer.

“Kasi sa iba, babae ang binibigyan ng bulaklak.

“E, okey lang naman sa akin iyon—galing naman sa kanya, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro… kasi sabi niya sa akin, gusto niyang maramdaman ko kung ano ba yung feeling na binibigyan ng flowers.

“Masaya naman, pero awkward... sobrang awkward.

“Inuwi ko sa bahay yung flower. Yung donuts, kinain nina Derrick [Monasterio].

“Yung teddy bear naman, inilagay ko sa gilid ng kama.”



NO ADMISSION. Matagal nang hinihinalang nagkakamabutihan sila ni Joyce, pero hindi sila umaamin. Bakit nga ba?

“Wala naman kasing aaminin, e!” sabay tawa ni Kristoffer.

Kahit obvious naman na special ang pagtingin nila sa isa’t isa?

“Hindi. Ganoon lang talaga... ganoon naman talaga. Marami namang ganoon, e.”

Marami ring showbiz couples na inililihim ang relasyon, tapos aamin kapag nag-break na.

“Hindi. Friends lang talaga kami. Bata pa kami. Career muna.”



SCHOOLING. First year na si Kristoffer sa San Beda, kunsaan kumukuha siya ng kursong entrepreneur, nang mahinto siya dahil naging busy sa kanyang showbiz career.

Sabi niya, “Gustung-gusto kong maituloy ang pag-aaral ko. Kaya lang, walang time sa ngayon, e.

“Kasi dati, noong nandoon pa ako, yung dean na mismo ang lumapit na, ‘I-drop muna para walang bagsak sa transcript mo kung sakali.’”

Di ba’t puwede na ring mag-aral and earn a college degree online? May ilang artisang naka-enroll sa ganito.

Sabi naman ni Kristoffer, “Ayoko ng ganoon… iba yung regular schooling, e.

"Kasi kapag sa Internet, aantukin ako.

"Trinay ko one time noong high school ako na mag-home school, na puro modules. Nakakantok, e. Hindi ako natututo.

"Iba yung atmosphere ng classroom.

“Actually, kung babalik ako sa studies, gusto kong mag-take ng Psychology course. Tapos nun, maglu-Law ako.

“Iyon nga sana ang first plan ko noong nag-graduate ako ng high school.

“Ang kaso, si Daddy, nai-suggest niya yung entrepreneurship. Kasi para malaman ko raw ang paraan kung paano mag-handle ng pera ko.

“Hindi kasi ako marunong mag-handle ng pera, e. Paghawak ko, labas agad!” tawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy ng young actor, “Magastos ako sa sasakyan. Mahilig akong magbibili ng accessories para sa sasakyan ko.

“Yung sasakyan ko pa lang ang naipupundar ko out of my earnings sa showbiz.”

Hindi ba siya nag-iisip na magpundar na rin ng sariling bahay o condo unit para bumukod at mamuhay nang mag-isa?

“Huwag muna! Huwag muna. Wala pa sa plans ko na humiwalay from my family,” sabi ni Kristoffer.



CHANGES. Now that he’s 18, maging ready na rin kaya siya para sa pagbabago kaugnay ng kanyang pagiging artista? Halimbawa, portraying more mature roles?

“Ready ako for that. Ready ako for that,” sagot ni Kristoffer.

Handa na rin ba siyang maging medyo daring, tulad ng magpakita ng katawan onscreen o sa mga pictorial o maging part na rin ng susunod na Cosmo Bash?

“Okey lang.

"Sinasabi nga, mag-Cosmo na raw ako next year. Pero parang hindi pa ako ready.

"Siguro pag-edad ko ng 20.”

Pero gumaganda ang built ng katawan niya ngayon. Nagwu-workout ba siya?

“Swimming lang. I’m into swimming kahit nung high school. Varsity ako sa school dati," banggit ni Kristoffer.



PAHIRAM NG SANDALI. Bukod sa Party Pilipinas, abala rin si Kristoffer sa taping ng bagong primetime series ng GMA-7 na Pahiram Ng Sandali. Ginagampanan niya rito ang papel ng half-brother ni Dingdong Dantes.

Paglalarawan niya sa kanyang role, “Kapatid niya ako sa ina. Magkaiba kami ng ama.

"So, ako rito yung parang bobo-bobohan o tanga-tangahan.

“Wala akong love interest. Hindi sila naglagay."

Bukod kay Dingdong, kasama rin ni Kristoffer sa cast ng Pahiram Ng Sandali ang mga beteranong artista gaya nina Lorna Tolentino, Sandy Andolong, Mark Gil, at Christopher de Leon.

“Pressured! Pero lalo akong naeengganyong umarte," sabi ng young actor.

Paano niya hina-handle yung kaba at pressure kapag ang mga ito na ang kasama niya sa eksena?

“Hinga lang nang malalim. At saka kailangan aral na aral at kabisado ko na yung script…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mahirap na. Baka mamaya, mag-buckle pa ako, mapagalitan ako. Nakakahiya sa kanila!” tawa ulit ni Kristoffer.

Dagdag niya, “Mahirap yung mga eksena. Puro iyakan ako dito, e.

“Tapos, yung mga sagutan namin ni Kuya Dong. Kasi sa istorya, hindi kami magkabati ni Kuya Dong.

“Kami yung magkapatid na ang relasyon, parang aso’t pusa... ganoon. So lagi kaming may eksenang nagsasagutan.

“Tapos may isang scene na during our confrontation, e, umiiyak ako.

“And masaya ako kapag after ng take, sinasabi sa akin ni Kuya Dong na, ‘Maganda yung ginawa mo.’

“Yun... ganoon lang, sobrang laking bagay na para sa akin.”

Si Kristoffer noon ang gumanap bilang batang Dingdong Dantes sa primetime series na Endless Love.

Kasama rin si Kristoffer sa cast ng Sossy Problems, entry sa Metro Manila Film Festival.

“Love interest ako ni Barbie Forteza doon sa movie," sabi niya.

May natapos ding indie film si Kristoffer, ang The Basement, na baka sa susunod na taon na raw ipalabas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN