Jessa Zaragoza finally gets own star in Eastwood’s Walk of Fame

Ito raw ang napansing pagkakaiba ni Jessa Zaragoza sa mga kabataang artista ngayon kumpara sa kanila noon: "Dun sa batch namin, like sina Ara Mina, sina Angelu de Leon, dati, gusto namin pumasok sa show business para, of course, kumita. Pero gusto namin, mag-artista. Ngayon kasi, parang, tingin ko, mas maraming gustong pumasok ng show business kasi gustong kumita ng pera. I’m not saying that it is a bad thing, pero iba na yung mindset, yung goal nila.”


Magkakaroon na ng sarili niyang star sa Walk of Fame sa Eastwood City, Quezon City, ang actress-singer na si Jessa Zaragoza.

Ang Walk of Fame ay nagsisilbing local version ng Hollywood Walk of Fame. Sinimulan ito noong 2005 at nadadagdagan ng mga pangalan ng local artists taun-taon.

“Finally, December 1, bibigyan na rin ako ni Kuya Germs,” pagtukoy ni Jessa kay German Moreno na nagtatag ng nasabing atraksyon.

Pero sabi ni Jessa, hindi na para sa kanya ang mga karangalang tulad nito.

“Yung mga success na nakukuha ko, it’s not really for me na, e. Ito yung mga things na gusto kong iwan sa anak ko.

"Paglaki niya, ’Uy...’ Makikita niya yung star ng nanay niya dun,” pahayag ni Jessa.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Jessa sa pocket presscon nila ng mister niyang si Dingdong Avanzado noong Biyernes, November 23, sa Dayrit’s Burger and Roastbeef House sa Tomas Morato, Quezon City.



TV SHOWS. Sa ngayon ay dalawang TV shows ang ginagawa ni Jessa sa GMA-7.

Kasama siya sa weekly sitcom na Pepito Manaloto kunsaan gumaganap siya bilang si Deedee, ang bombshell na kapitbahay ng mga Manaloto.

Kasama rin siya sa weekday morning soap opera na Cielo de Angelina, starring Bea Binene and Jake Vargas. Isang pulitiko ang role niya rito.

“Ang hirap pala na sabay ang taping. Kasi Thursday, Pepito. Monday-Wednesday-Friday, Cielo naman.

"Ang hirap na pala nito. E, lalo na, tumatanda na ang lola mo!” medyo natatawang sabi ni Jessa.

Idagdag pa rito na magkaibang-magkaiba ang roles na ginagampanan niya sa dalawang shows.

Pormal at disente ang role niya sa Cielo de Angelina habang medyo magaslaw naman siya sa Pepito Manaloto.

Natawa si Jessa habang kinukuwento ang basehan ng karakter niya sa kinabibilangang weekend sitcom.

“Sophia Vergara ng Modern Family, yun ang peg.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dati, hindi ako nagpu-push-up bra. Pero sabi ni Bitoy [Michael V], ’Kaya nga ang pangalan mo e Deedee, malaki dede.’

"Kailangan laging naka-push-up bra!” natatawa niyang sabi.



WORKING WITH YOUNG STARS. Kumusta naman ang pakikipagtrabaho niya sa young stars na sina Bea Binene at Jake Vargas sa Cielo de Angelina?

Ayon kay Jessa, may napapansin siyang pagkakaiba ng mga ito sa kanilang matagal na sa showbiz.

“Alam mo, itong sina Bea, sina Jake, mababait silang mga bata. Mababait na magagalang. Yung tipong, alam nilang mag-acknowledge sa mga senior nila.

"Pero, sabi ko nga, e, medyo iba na yung kabataan ngayon, e. I think mas iba yung training sa kanila, e.

"It’s not naman a bad thing, pero makikita mo yung diperensiya talaga kung paano makitungo yung mga artista ngayon kaysa sa dati. Merong mga diperensiya."

Dagdag ni Jessa, tila mas business-minded ang mga batang artista ngayon.

“I think ganito yun, e. Dun sa batch namin, like sina Ara Mina, sina Angelu de Leon, dati, gusto namin pumasok sa show business para, of course, kumita. Pero gusto namin, mag-artista.

"Ngayon kasi, parang, tingin ko, mas maraming gustong pumasok ng show business kasi gustong kumita ng pera.

"I’m not saying that it is a bad thing, pero iba na yung mindset, yung goal nila,” sabi niya.

Nagbigay rin ng advice si Jessa para sa mga nagsisimula pa lang sa showbiz.

“I think to last in this business, it is very important that you have to be original para matatandaan ka ng tao.

"Definitely, you have to be original, para hindi ka makakalimutan.

"Malaking factor nga yung hanapin mo yung papaano ka makaka-contribute sa show business.

"Like, sa pagkanta, maghanap ka ng sariling style mo, hindi mo kailangang kumopya ng iba.

"Para magkakaroon ka ng iiwanang marka sa industriya,” pahayag ni Jessa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN