Bettina Carlos on issue that she is only using Temptation of Wife co-star Marian Rivera: "Wala pong gamitang nagaganap. Hindi po gamit si Yanyan para gamitin."

Bettina Carlos on her role as a special child in Temptation of Wife: “Lagi nila akong niloloko na effortless ang paging Madel dahil on- and off-cam naman daw pareho lang ako. Very childlike kasi ako, lalo na may baby ako, so ma-baby talk din ako, sobra!”


Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Temptation of Wife cast member na si Bettina Carlos kung bakit siya nagdesisyong bumalik sa showbiz.

Pagkatapos niya kasing isilang ang kanyang anak ay nawala sa sirkulasyon ang 24-year-old actress-TV host.

Sagot niya, “Actually, I never really left.

"I choose to put it as ’going on a break.’ Maternity leave, ‘ika nga.

“All the more nga po that I should work because I have a daughter and I am single-handedly raising her.

“Siyempre, as a single mom, you want to welcome all good opportunities coming your way and not let any chance be wasted.

“Happier ako now because I get to pursue all my passions—baking and acting, and most especially, hosting and travelling.

“When I do host for GMA Regional events, I even get to travel.

“Ang sarap! One of the perks of my job!

“Ang saya ng opportunity na ito because rare are the jobs where you get to travel...

“And be exposed to cultures and all the food while working... I’m so lucky."



ROUTINE. Tuluy-tuloy ang kuwento ni Bettina sa PEP tungkol sa kanyang routine kasama ng kanyang anak.

“Weekends ang regional shows. MWF ang tapings namin for Temptation of Wife and all other days are for baking and Gummy, my daughter.

“Never ako nawawalan ng oras para sa anak ko kasi karay-karay ko iyan kahit saan.

“When I bake at home, naglalaro din iyan sa sala, which is by the kitchen.

“When I deliver, bitbit ko rin iyan. After delivery, pasyal na kami.

“Time management lang po talaga and, siyempre, malaking bagay kung ang mga ginagawa at pinagkakaabalahan mo ay gusto mo, mahal mo.

“Hindi mo iindahin ang pagod at puyat... matutulog kang nakangiti at fulfilled,” saad ng 24-year-old single mom.



SECOND CHOICE. Sa GMA-7 primetime series na Temptation of Wife ay ginagampanan ni Bettina ang papel ni Madel, isang special child.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabalitang hindi si Bettina ang original na choice na gumanap bilang Madel, kundi ang comedienne na si Candy Pangilinan.

Okey lang ba sa kanya ang maging second choice?

Sagot ni Bettina, “Naku, third choice pa nga po yata! May narinig pa nga akong may Miss Eugene [Domingo] pa.

“Pero wala po sa akin iyon.

"Kahit pa fourth o tenth choice, o last resort nila ako, ang importante, they still chose me.

“And along with that choice is the trust.

“Malaking bagay po ang malaman at maramdamang pinagkakatiwalaan ka sa isang bagay.

“And for that, I am very much grateful to GMA because they took a risk in me.”

Sabi pa ni Bettina, “Noong bago pa kami umere, may mga humuhusga na kaagad...

“Na masyado akong bata, na di ako bagay, na dapat si ganito o si ganyan, kaya ninenerbiyos po talaga ako.

“Dasal ako nang dasal noong pilot week namin. Kung makadasal, akala mo bida!” sabay tawa niya.

“Pero ganoon pala yung pressure kapag mataas ang expectations sa iyo, kasi more than the success of the Korean version itself.

“Well-loved daw kasi talaga ang character ni Madel kaya ang ipinagdadasal ko lang noon... na mabigyan ng hustisya.

“Kung hindi ko man mahigitan ay mapantayan at maibigay ko lang ang inaasahan ng mga manonood sa akin.

“Noong start, may mga nagdududa pa, pero malaki ang pasasalamat ko sa Kapuso viewers na binigyan ako ng pagkakataong maging Madel.

"Sila ang inspirasyon kong maging mas luka-luka pa!”



CHILDLIKE. Kumusta na ang taping nila for Temptation Of Wife? May adjustment pa ba si Bettina, especially sa role niya bilang special child?

Tumawa muna si Bettina bago sumagot.

Aniya, “Ang nakakatawa, lagi nila akong niloloko, na effortless ang paging Madel dahil on- and off-cam naman daw, pareho lang ako.

“Very childlike kasi ako, lalo na may baby ako, so ma-baby talk din ako, sobra!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa lahat po ng papel na ginampanan ko, ito ang pinaka ine-enjoy ko.

“Yung mga props ko na laruan, bubbles, headband, puro hiram kay Gummy.

“Minsan pati outfits from my nine-year old cousin, si Ala.

“Ang sarap maging bata kasi walang pressure maging sexy, maging mature. Ang gaan lang!

“At higit sa lahat, ito ang first role ko as comic relief.

“Parang isa yata sa secret dreams ko ay ang maging komedyante.

“Kasi feeling ko, funny ako, e. So dream come true ito!

“Kaya grabe ang pasasalamat ko sa GMA talaga for entrusting this role to me.

“And also, siyempre, to my GMA Artist Center family for taking me in again and giving me another chance—another shot at being a Kapuso talent.

“Besides, sa kanila din po ako nagsimula.

“Ang sarap na may nauwian akong muli sa kanila,” nakangiting sabi ni Bettina.

“USER.” Sa maikling panahon ng pagsasama nina Bettina at Marian Rivera sa Temptation Of Wife, masasabing close agad sila.

Pero sinasabi ng ilang detractors ni Bettina na ginagamit lang daw nito si Marian kaya niya pilit kinakaibigan ang Primetime Queen ng Kapuso network.

Ano ang reaksiyon niya rito?

“Ay, graaaaaaabe! Saan po nanggaling yon?” gulat niyang tugon.

“Alam ninyo po, ang isa sa mga rason kung bakit successful ang show namin, bukod sa magandang materyal, magaling na direktor, at dekalibreng mga aktor na kabilang dito, yung relasyon po namin off-cam.

“Masaya po kami nagte-taping. Napakagaan ng trabaho namin.

“Sa halip ng mga iyakan at sabunutang nakikita ninyo gabi-gabi, nagmamahalan kami at mahal namin lahat ang trabaho namin.

“Magkakaibigan kami at lalong nagiging mas malapit sa isa’t isa habang tumatagal.

“Dyusko! Tatlo hanggang limang beses ba naman kayo magkakasama sa isang linggo e talagang magkakadebelopan kayo... ng friendship."

Dugtong pa niya, “Kami po ni Marian naman, natural lang na nagiging malapit kasi lahat po ng eksena ni Madel, ang kasama talaga si Angeline [papel ni Marian].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At siyempre, bilang mga propesyunal na aktor, kailangan may natural rapport kami at kumportable kami sa isa’t isa.

“And how else will that be developed but through friendship?

“Kailangan genuine ang ma-develop para genuine din ang makita nilang friendship between Angeline and Madel.

“Chika lang kami nang chika—kaming tatlo nila Glaiza [de Castro].

“Kaming lahat, chika nang chika at kain nang kain.

"Wala pong gamitang nagaganap. Hindi po gamit si Yanyan para gamitin.”



SINGLE MOM. Masaya raw si Bettina being a single mother.

Sabi niya, “Naku, more than happy and peaceful po.

“Sa halos dalawang taon ko na itong ginagawa, never ko naman ininda ang pagiging mag-isa.

“Napakasaya namin kasi nae-enjoy ng nanay ko at lola ko si Gummy.

“Moral support from family and maraming-maraming dasal lang ang sikreto ng single moms!

“If you have God, you will always be safe and secured and happy!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN