Enrique Gil to Kathryn Bernardo-Daniel Padilla fans watching Princess And I: “Story lang ‘to, teleserye lang ‘to, so relax lang ho.”

“Sa Twitter siguro, mayroong iba, pero hindi naman ako mahilig sa Twitter. Wala naman akong nababasang bashers. Buti na lang wala akong nababasa,” says Enrique Gil, when asked if he gets negative comments from fans of the Kathryn Bernardo-Daniel Padilla loveteam.


“Story lang ‘to, teleserye lang ‘to, so relax lang ho.”

Ito ang naging paalala ni Enrique Gil sa fans ng tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Sa ngayon kasi ay mas naka-focus ang istorya ng ABS-CBN primetime series na Princess And I kina Jao (Enrique) at Mikay (Kathryn).

Bago ito, naging malakas ang dating sa mga manonood ng teamup nina Kathryn at Daniel, na nakabuo ng fanbase na mas kilala sa tawag na "KathNiel."

Natutuwa naman si Enrique na bagamat mas focused sa kanila ngayon ni Kathryn ang istorya ng Princess And I, wala naman siyang masyadong negatibong komentong nakukuha mula sa KathNiel fans.

“Yung story, medyo nagiging exciting na para sa amin. Masaya naman siya.

“Siyempre, sa mga Jao-Mikay fans, masaya rin sila, sobra!

"Sa mga Gino [ni Daniel] fans naman, basta follow the story, magiging okay din sila,” paniniguro ni Enrique nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media.

Naganap ang panayam sa Star Magic Gives Back concert na ginanap sa McKinley Hills, Fort Bonifacio, Taguig, noong Sabado, November 24.

Dagdag pa ng Kapamilya young actor, “Basta sa story na ito, fair naman sila sa mga characters.

“May moments sina Mikay and Gino, may moment din sina Mikay and Jao.

“Bounce-bounce lang yung effect, pabalik-balik lang ‘yon.”

Nabanggit din ni Enrique na mas lalo pang tumitindi ang mga eksena sa kanilang teleserye.

Kuwento niya, “Sa mga eksena namin, nagle-level up ang emotions kasi.

“Pataas nang pataas ang emotions namin ngayon, e, so medyo mainit kami ngayon—sina Mikay, Jao, and Gino.

“Yung emotion namin, sobrang higher.”



CAREER GETTING BETTER. Katulad ng mainit na pagtanggap ng mga manonood sa kanilang teleserye, hindi rin inaasahan ni Enrique na magiging maganda ang takbo ng kanyang showbiz career sa loob lamang ng halos apat na taon.

Bukod sa Princess And I, abala rin si Enrique sa shooting ng 2012 Metro Manila Film Festival entry na The Strangers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Madalas rin siyang nakikita sa ilang TV commercials at print ads—mga bagay na hindi inakala noon ni Enrique na mangyayari sa kanya.

Pag-alala ng 20-year-old Star Magic talent, “Kasi, kapag sinasabi sa akin ‘O, may show ka.’ ‘O, sige, gagawin ko yung show.’ Ganun lang ako, e.

“Parang hindi ko iniisip na kailangan kong galingan ito para makilala, wala naman, e.

“Kung ano ang iniisip mo sa eksena, yun ang ibibigay mo.”

Inamin ni Enrique na umaasa siya na matagal pa siyang mananatili sa showbiz. Pero aminado rin siya na hindi permanente ang kasikatan.

Kaya kung sakali, sabi niya, “Kapag nakapag-ipon na, medyo relax muna ako at saka family business muna para may time ako sa family.”



FAMILY OVER LOVELIFE. Marahil, kung may mahihiling si Enrique ngayon, ito ay ang magkaroon ng sapat na oras para sa kanyang pamilya.

Ito raw ang dahilan kaya hindi rin siya naghahanap ng lovelife sa ngayon.

Ani Enrique, “Sabi nga ni Mama, ‘Mabuti ngang wala kang lovelife kasi wala ka ngang time para sa amin, sa iba pa kaya.’

“So, parang, oo nga naman, iniisip ko, parang kawawa rin naman yung family ko.”

Talagang mas gusto raw munang maging single ni Enrique ngayon dahil naisip niyang mahirap din ang walang oras para sa isang karelasyon.

Saad niya, “Kung boyfriend ka ng isang babae, siyempre, gusto mo rin naman na may oras ka para sa babae. Unfair sa babae kapag wala.

“Boyfriend ka niya, so dapat nandun ka para sa kanya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN