Ogie Alcasid says wife Regine Velasquez’s Silver concert was a lesson on "faith and trust"

“I was just very proud—very proud of my wife. Naiiyak ako sa reaksiyon ng tao, yung pagmamahal na ibinibigay nila sa tao [Regine]… iba yun. So, ang tindi! You know, there are concerts and there are concerts. And this concert is different. At kayo mismong nanood ang makakapagsabi kung bakit,” pahayag ni Ogie Alcasid sa ipinakitang suporta ng mga taong nanood ng Silver concert ng misis niyang si Regine Velasquez.


Guest si Ogie Alcasid kahapon, November 25, sa magazine-talk show ng GMA-7 na H.O.T. TV, kunsaan isa sa mga co-host ang misis niyang si Regine Velasquez.

Nag-promote ng kanyang bagong labas na album si Ogie, ang Ogie Alcasid, The Songwriter and the Hitmakers, kung saan nakapaloob ang duets niya sa ilan sa top singers ng bansa.

Bago pa sumalang sa harap ng camera si Ogie ay kinausap na siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Inalam namin ang mga naging kaganapan sa kanila ni Regine pagkatapos ng 25th anniversary concert ng Asia’s Songbird.

Matatandaang noong November 16, hindi naging successful si Regine na ibigay ang kanyang best sa Silver concert niya dahil sa viral infection na umatake sa kanyang lalamunan.

(CLICK HERE to read related story.)

Bagamat nakikitaan na ng malaking improvement sa kanyang boses si Regine, kinumusta pa rin namin kay Ogie ang kundisyon ng kanyang asawa—at pati na rin siya.

“Very good... very, very good,” mabilis na sagot ng nangingiting si Ogie.

“Okey kami. Nakapagpahinga naman siya nang bahagya.

“Hindi na muna siya nag-taping ng Sarap Diva. So, medyo nakaka-reover naman siya ng kaunti.”

REGINE’S VOICE. Kumusta naman na ang boses ng misis niya?

“Hindi pa nakaka-recover ng hundred percent. Pero gumagaling-galing na rin,” sagot ni Ogie.

Ano ba talaga ang nangyari at parang matindi ang tumamang virus kay Regine at nawalan ito ng boses?

“Hindi, ganun talaga yun, e. Kung may infection kang ganun, may ubo at sipon ka, boses talaga ang mawawala.”

Nakaranas na raw ng ganitong karamdaman si Ogie.

“Lahat naman ng singer, nagkakaganyan.

“Kaya sa singer talaga, ‘yan ang risk. Kaya ang health talaga namin ang pangalagaan palagi.

“E, siyempre, kagaya ngayon, ang daming may sakit, ang daming may virus, nagkakahawaan.”

Pero nangyari na ba sa kanya na nawalan siya ng boses sa mismong araw ng live show o concert niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung sa major, hindi naman. Nangyayari ‘yan... actually, nangyari ‘yan sa concert niya [Regine], guest ako, sa New York. May lagnat ako.

“Usually, ‘yang infection na ‘yan, it’s a form of a flu.

“Di ba, kapag may flu tayo, may sipon at ubo tayo?

“Because of the coughing, yung voice mo, may phlegm. Then yung boses mo, namamaga. Kaya nagiging ganun ang boses.

“Hindi yun natural na nawawala, kailangan talagang gamutin—at pahinga.”



FAITH. Ano ang na-realize ni Ogie sa naging kaganapan sa concert ni Regine? Kung saan hindi ito iniwan ng kanyang audience at sinuportahan pa ito para lang ma-uplift ang morale nito sa nararanasang kabiguan sa kanyang performance?

Saad ni Ogie, “Ako naman, even… well, before the concert, dasal na kami nang dasal the whole day.

“So, bago siya tumuntong sa entablado, palabas na siyang ganun, wala pa talaga siyang boses.

“Pero tiningnan pa niya ako na, ‘Hon, I’ll be fine.’

“Kumbaga, sabi niya, ‘God will be my voice.’ So, alam ko na she will be fine.

“But what was very special for me was the reaction of the people.

“Kasi makikita mo yung humility ng tao [Regine]. Makikita mo yung perseverance nung tao sa stage at pati yung dedication niya na pasayahin ang mga tao.

“But ultimately, ang nanaig sa kanya is, ‘This is not about me. This is not about… it’s about my faith in God.’

“Kay ganun ang naging reaksiyon… I really believe that.

“So, before pa siya tumuntong, sabi ko, ‘Alam ko na we’ll gonna witness a miracle.’

“So, it’s God’s faithfulness to us na lagi namang ganun.

“So, anuman yung natutunan ko, talagang grabe si Lord.

“Ako, hindi na yung show, e. Hindi na yun ang mahalaga sa akin, e.

“Medyo mas malaki yung… ang lesson is about faith, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun yung mas mahalagang nangyari sa aming dalawa, na nai-share rin namin… kasi every week rin kaming nagba-Bible study.

"Ganun din yung… kumbaga, mai-apply mo sa araw-araw mo, di ba? Na nangyayari sa iyo.

“Pag nawalan ka ng trust, mawiwindang ka talaga, may mangyayaring hindi maganda.”

EMOTIONAL OGIE. Isa kami sa mga nanood ng concert at nakita namin mula sa gilid ng stage, kung saan kami nakapuwesto, habang inaangat si Ogie sa hydraulic stage para sa duet nila ni Regine ay umiiyak ang singer-songwriter.

Kinumpirma naman ni Ogie ang pagiging emosyunal niya noong gabing iyon.

“Lagi naman akong umiiyak, e,” sabay ngiti niya. “Iyakin naman talaga ako, e.

“I was just very proud—very proud of my wife.

“Naiiyak ako sa reaksiyon ng tao, yung pagmamahal na ibinibigay nila sa tao [Regine]… iba yun. So, ang tindi!

“You know, there are concerts and there are concerts. And this concert is different.

“At kayo mismong nanood ang makakapagsabi kung bakit.”

Kumbinsido si Ogie sa komento ng mga nakapanood na marami ang na-touch sa kinalabasan ng concert ni Regine.

Sabi niya, “Hindi na mauulit yun. Hindi na.

“Ako, I really felt God’s hand in control of the whole concert.”

Sumang-ayon din si Ogie sa reaksiyon ng iba na may malaking rason kung bakit itinaon sa concert ng misis niya ang kawalan nito ng boses—para raw malaman ni Regine kung gaano siya kamahal ng kanyang mga fans.

“At siyempre, ng Panginoon,” dugtong pa ni Ogie.



TAKE TWO. Samantala, wala pang maibigay na detalye si Ogie sa repeat o “take two” ng concert ng misis niya.

“Hindi ko alam, e. Ang alam ko, tuloy ang repeat, pero hindi ko alam kung kailan."

Pero tiniyak ni Ogie na hindi magaganap ang repeat sa December dahil hindi pa raw kumpleto ang pahinga ni Regine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi pa rin, e. Meron pa ring konti sa boses niya. Hindi pa hundred percent recovered.”

Ibinalita naman ni Ogie sa PEP na tuloy pa rin ang nai-set na nilang plano ni Regine, kasama ang anak nilang si Nate, na pagpunta sa Australia para doon magdaos ng Christmas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN