Sarah Lahbati on registering in Cebu to support Annabelle Rama’s candidacy: “Ano ba? Hayaan n’yo na lang akong gawin kung ano ang gusto ko.”

Pinabulaanan ni Sarah Lahbati na palaging nakabakod sa kanya ang kasintahang si Richard Gutierrez. Sabi ng young actress, “Ano yun, poste? Bodyguard? Walang ganun! Ano ba kayo! Ano lang, nakikita lang ng mga tao na magkasama kami. Tanggapin n’yo na lang na bawat kilos ng isang taong taga-showbiz ay ginagawang big deal ng mga tao. Kumbaga, wala sa amin yun, dapat na silang masanay. Walang ganung binabakuran or ano man.”


“Masayang-masaya!”

Ito ang unang nasabi ni Sarah Lahbati nang kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kanyang lovelife, sa backstage ng Party Pilipinas noong Linggo, November 25.

Sa loob ng halos anim na buwang relasyon nila ni Richard Gutierrez, masaya raw sila at wala naman daw problema.

Pahayag ng StarStruck alumna, “Basta steady lang kami, masaya lang.

"Nakikita naman ng tao. Kung ano ang nakikita nila, yun ‘yon.

“May mga natutunan ako—and may changes.”



FIRST BOYFRIEND. Si Richard daw ang maituturing niyang first boyfriend kaya wala raw comparison, so far.

Ang na-realize lang daw ni Sarah ay masaya at inspired siya. Nakakatuwa rin daw dahil nakakapagbigay siya ng inspirasyon sa aktor.

Pero pinabulaanan ni Sarah ang balitang laging nakabakod sa kanya si Richard.

“Ano yun, poste? Bodyguard?” natawa niyang sabi sa amin.

“Walang ganun! Ano ba kayo! Ano lang, nakikita lang ng mga tao na magkasama kami.

“Tanggapin n’yo na lang na bawat kilos ng isang taong taga-showbiz ay ginagawang big deal ng mga tao.

“Kumbaga, wala sa amin yun, dapat na silang masanay.

“Walang ganung binabakuran or ano man,” diin pa ni Sarah.



SEDUCTION. Madalas lang daw silang magkasama ngayon ni Richard dahil ginagawa nila ang pelikulang Seduction ng Regal Entertainment, na idinidirek ni Peque Gallaga.

Masasabing ito na raw ang pinaka-daring na nagawa ni Sarah sa pelikula, dahil kampante naman siyang ang kasintahan niya ang kanyang kasama rito.

Kuwento ni Sarah tungkol sa pelikula, “It’s a dark love story.

“Sobrang blessed lang ako na nakasama ko siya rito at kahit si Direk Peque, he’s such a brilliant director at ang dami kong natutunan sa kanya.

“Pagdating sa sinasabing daring, abangan n’yo ‘yan—medyo magugulat kayo.

“Matindi ang mga eksena namin dahil… siguro narinig n’yo na ‘to, na first time ko ginawa rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero sa movie na ‘to, ang dami kong… kumbaga, ang dami kong hindi ko kayang gawin before na ginawa ko na dito.

“Ang ganda kasi ng story, ang characters, na kung igaganda ng movie, di ba, kaya ginawa ko.

“Si Solenn [Heussaff], ang galing niya rito, and she’s very excited.

“Si Chard, ang dami niya ring ginawa rito na hindi pa niya ginawa before.”

Napangiti na lang si Sarah nang tanungin namin kung gaano kadami ang matitinding kissing scenes nila ni Richard sa Seduction.

“Basta maraming shocking scenes na dapat ninyong abangan,” sabi niya.



REGISTERING IN CEBU. Naging seryoso naman ang mukha ni Sarah nang mapag-usapan ang pagpaparehistro niya sa Cebu para doon bumoto sa 2013 elections.

Tatakbong congresswoman sa north district ng Cebu ang ina ni Richard na si Annabelle Rama.

Marami ang nagulat sa ginawang ito ni Sarah, kaya tinanong namin siya kung residente ba siya ng Cebu kaya doon siya nagparehistro kasama ang mommy niya.

“We have a place there. May condo kami dun… a year na,” sagot nito.

Ipinagkibit-balikat na lang ni Sarah ang ibang kumukuwestiyon, dahil ang gusto lang naman daw niya ay makapagsuporta sa ina ng aktor na napakabait naman daw sa kanya.

Diin niya, “I’m supporting Tita Annabelle.

“Ano ba? Hayaan n’yo na lang akong gawin kung ano ang gusto ko.”

Hindi naman niya masasabing ganun kaseryoso ang relasyon nila ni Richard, basta masaya raw sila sa kung anong meron silang dalawa ngayon.

“Katulad ng mga sinabi ko, masayang-masaya kami.

“Hindi naman laro sa amin ‘to. Ayaw namin ng laro-laro lang, so we’re very happy,” sabi ng young actress.



ENZO & DERRICK. Samantala, may balitang magmula nang maging open sina Sarah at Richard sa kanilang relasyon, hindi na raw binabati ni Enzo Pineda ang batchmate niya sa StarStruck V.

Na-link din noon si Sarah kay Enzo, na boyfriend naman ni Louise delos Reyes ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero naging malapit silang kaibigan at nagkaroon ng intrigang hindi na raw binabati ngayon ni Enzo si Sarah.

Sabi ni Sarah tungkol dito, “Ewan ko. Ako naman, binabati ko naman lahat na kaibigan ko dito sa GMA.

“Wala naman kaming problema. Ewan ko sa kanya. Binabati ko siya.

“Walang problema, guys. Nagbabatian kaming lahat.

“Kumbaga… wala, hindi naapektuhan ang friendship.”

Okay rin daw sila ni Derrick Monasterio—na open din dati sa pagkagusto sa kanya—at nag-uusap daw sila kapag nagkikita sa Party Pilipinas.

“Magkaibigan naman kami ni Derrick, e. Nagkakuwentuhan nga kami kanina!” natatawang pahayag ni Sarah.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN