Rayver Cruz on persistent rumor about breakup with Cristine Reyes: “Two years na kami pero paulit-ulit yung issue.”

Realistic ang pananaw ni Rayver Cruz sa magiging kahinatnan ng relasyon nila ng kasintahang si Cristine Reyes. Saad niya, "Hindi naman natin alam kung ano puwedeng mangyari sa future, di ba? Basta, ayun nga, sabi ko, masaya kami na magkasama. Hindi namin iniisip yung future... iniisip namin yung ngayon... Kung kami, kami... Kung hindi, wala tayong magagawa."


Hindi pa rin matapus-tapos ang usap-usapang break na sina Rayver Cruz at Cristine Reyes.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Rayver, sa SunPIOLOgy Run at Star Magic Gives Back concert na ginanap sa The Fort, McKinley Hills, noong Linggo, November 25, ay binigyang-linaw niya ang tungkol dito.

Pahayag ng young actor, “Pang-ano na ‘yan... siguro pang-tenth na issue.

“Ang masasabi ko lang tungkol sa mga ganyang issue, wala… tatawanan ko na lang.

“Palagi na lang, pag iinterbyuhin mo ako, iinterbyuhin ako ng TV Patrol, ng The Buzz, ang tanong sa akin, ‘Hiwalay na raw?’

“Siguro kasi, hindi kami nakikita sa Instagram—walang masyadong pictures.

“Para sa akin, ganun naman yun... Pag kayo, paghihiwalayin kayo… Paulit-ulit na lang.

“Two years na kami pero paulit-ulit yung issue.

“Wala, tinatawanan na lang namin.”



GOING STRONG. Tiniyak ng young actor na maayos ang itinatakbo ng kanilang relasyon ni Cristine at masaya sila sa isa’t isa.

“Oo naman, masaya kami. Hindi naman kami naapektuhan lalo na sa mga opinyon ng iba.

“Siyempre, tsine-cherish namin yung mga moments namin, lalo na ngayon na magkakatrabaho na kami uli together, magiging busy kami parehas.

“May mga trabaho rin si AA [palayaw ni Cristine], may entry siyang ginagawa for MMFF [Metro Manila Film Festival].

“Yun siguro, hindi naman puwede na magkasama kami pareho... basta alam namin na nandiyan kami para sa isa’t isa.”

Magkasama ang dalawa sa upcoming primetime series ng ABS-CBN na Bukas Na Lang Kita Mamahalin.

HAPPY ENDING? Sa nakaraang interviews kay Cristine ay nabanggit nito na masaya siya sa piling ni Rayver.

Ganunpaman, tanggap daw ng young actress na maaaring sa hinaharap ay hindi sila ang magkatuluyan.

Reaksiyon dito ni Rayver, “Oo naman, kasi hindi naman natin alam kung ano puwedeng mangyari sa future, di ba?

“Basta, ayun nga, sabi ko, masaya kami na magkasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi namin iniisip yung future... iniisip namin yung ngayon. Hindi namin iniisip ang future.

"Kung kami, kami... e, di kami.

“Kung hindi, wala tayong magagawa.

“Lagi lang naman akong nandito para kay AA, alam naman niya yun.

“Siyempre, lahat naman... basta nandito lang ako para sa kanya.”



NEW SERYE. Tungkol naman sa Bukas Na Lang Kita Mamahalin, sinabi ni Rayver na hindi pa sila nakakapagsimulang mag-taping pa rito.


Bukod kina Rayver at Cristine, kasama rin sa cast nito sina Gerald Anderson, Diana Zubiri, Dina Bonnevie, Tonton Gutierrez, at Maricel Soriano.

Ayon kay Rayver, “Hindi pa kami nag-i-start, pero excited na ako. Anytime this December, mag-i-start na kami.

“May kaba pa rin kahit papaano dahil nga sa cast, saka ang tagal din... ngayon lang ako mag-i-start uli.

“May halong excitement kasi mag-i-start na akong magtrabaho."

Ang huling teleserye ni Rayver ay ang Reputasyon na natapos noong pang January 2012.

Higit pa ang kasiyahan ni Rayver dahil sa pagsasama nila ng matalik niyang kaibigan na si Gerald dito sa Bukas Na Lang Kita Mamahalin.

“Yun ang pinaka nilu-look forward ko, kasi sobrang tagal ko nang gustong makatrabaho si Ge [palayaw ni Gerald]. Ito na yung pagkakataon.

"Happy ako na magkasama kami pero mas excited ako…

“Dahil kay Gerald, kasi ang tagal na, sobrang tagal na nung huling nagkatrabaho kami—nung nag-i-start pa lang sila ni Kim [Chiu].

"Tapos naging close kami at ngayon magkakatrabaho na kami uli.”

JOROSS GAMBOA. Sa isang interview ng PEP ay sinabi ni Joross Gamboa na sa kanya dapat ang role na napunta kay Rayver sa Bukas Na Lang Kita Mamahalin.

Ipinahiwatig pa ni Joross na may kinalaman daw si Cristine sa pagkakatanggal niya sa cast at pagkakapasok naman ni Rayver.

(CLICK HERE to read related story.)

Ano ang masasabi ni Rayver sa naging pahayag na ito ni Joross?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot niya, “Alam ko kasi, tinawagan ako sa role talaga, na sinabi sa akin.

“Yun lang naman ang sinabi sa akin, hindi ko alam kung saan nanggaling yung mga ganyang issues…

“So, bahala na kung sinuman ang nagsasabi niyan.

“Hindi na kailangang i-clarify, kasi minsan wala namang kailangang i-clarify nang issue, e, so gagawa na lang at gagawa sila ng issues.

“Pero hindi naman siguro... hindi gagawin ni AA yun. Hindi naman ganun si AA.

“Basta ang alam ko, ang role ko talaga is yung sinabi sa akin."

Dagdag pa niya, “Okay naman kami ni Joross. Pero ang alam ko, yung role talaga na napunta sa akin, nung tinawagan ako ni Tita Mariole [Alberto, Star Magic executive], yun talaga ang para sa akin.

“Hindi ko na alam yung istorya pa dahil... Basta ako, tinawagan ako for the project, and happy ako na sa akin in-offer yung role.

“Nung nakasama ko si Joross sa ASAP Singapore, hindi namin napag-usapan na may lumalabas na palang ganun.”

ON THE JOB. Kasama rin si Rayver sa cast ng pelikulang On The Job, na pinagbibidahan nina Gerald at Piolo Pascual.

Labis-labis ang pasasalamat ni Rayver na tuluy-tuloy ngayon ang pagdating sa kanya ng mga magagandang proyekto.

“Sana tuluy-tuloy na yun. Happy ako na both in these projects, kasama ko si Ge... kasama rin si Kuya PJ [Piolo] dun.

“Happy ako na makasama sa magagandang proyekto.

“Si Piolo kasi ang madalas kong kasama... NBI [agents] kami.

“Mas madalas kong makakaeksena si PJ dun kaysa kay Ge.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN