Jason Abalos on report that Jewel Mische is back to dating after their breakup: "Pag naman may maganda talagang closure, hindi ka na makikialam sa kung ano ang buhay ninyo ngayon."

Sa kabila ng balitang nakikipag-date na raw muli ang ex-girlfriend niyang si Jewel Mische, nananatili naman daw single ang young actor na si Jason Abalos. Saad niya, “Sa ngayon, wala, wala akong dine-date. Ang importante, masaya tayong lahat. Sa pagiging single, masaya ako. Nagkakaroon ako ng oras sa pamilya ko, sa sarili ko. Saka hindi hinahanap yun, kusang dumarating yun.”


Ayon kay Jason Abalos, maayos ang naging paghihiwalay nila ng ex-girlfriend niyang si Jewel Mische.

Saad niya, “Oo, maayos naman, parehas naming desisyon yun.

“Sa amin, nagkataon lang na may kanya-kanya kaming priorities na hindi nagsasakto.

“Wala namang samaan ng loob.

"Nakakapag-usap pa nga kami, text paminsan-minsan… magkaibigan kami.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jason sa SunPIOLOgy Run at Star Magic Gives Back concert noong Linggo, November 25.

Bukas ba siya sa posibilidad na magkabalikan silang dalawa?

Sagot ng Kapamilya young actor, “Mahirap sabihin sa ngayon. Ngayon, hindi ko pa iniisip yung mga ganyan.

“Yung nakaraan sa amin kasi, parang ang hirap isipin. Basta i-enjoy ko yung buhay ko ngayon.

“Hindi mo masasabi kasi kung ano ang mangyayari in the future…

“Kung ano ang ibibigay sa iyo, iyon na yun, e.

"Sa ngayon, hindi ko talaga masasabi, e.”



MOVING ON. Parehong nasa Kapamilya network sina Jason at Jewel. Okay lang ba na magkasama sila sa isang proyekto?

Sagot ni Jason, “Oo naman. Pag trabaho naman tayo, trabaho naman tayo. Paminsan-minsan na lang… text.”

Nababalitang nakikipag-date na ngayon si Jewel sa iba. Wala bang sama ng loob si Jason na tila naka-move on na ang dating girlfriend?

“Hindi ko alam [kung nagdi-date na siya]. Pag naman may maganda talagang closure, hindi ka na makikialam sa kung ano ang buhay ninyo ngayon.”

Siya ba ay nakikipag-date na rin sa iba?

“Sa ngayon, wala, wala akong dine-date.

“Ang importante, masaya tayong lahat.

“Sa pagiging single, masaya ako. Nagkakaroon ako ng oras sa pamilya ko, sa sarili ko.

“Saka hindi hinahanap yun, kusang dumarating yun,” pahayag ni Jason.



INDIE MOVIES. Kahit hindi visible ngayon si Jason sa telebisyon, nakagawa siya ng dalawang indie films na pareho niyang ipinagmamalaki.

“Naka-dalawang indie films agad ako magmula nang wala akong ginagawa sa TV.

“Yung isa, Death March. Kasama ko sila Sam [Milby], sila Carlo [Aquino], Zanjoe [Marudo].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung Mater Dolorosa, sa Cinema One Originals under Direk Adolf Alix.

“Nung nabasa ko yung script, sobrang natuwa ako kasi ang gagaling ng mga kasama ko, ang ganda ng istorya… Ako yung kontrabida.”

Sabi ni Jason, malapit talaga ang loob niya sa indie films.

Paliwanag niya, “Diyan ako nabigyan ng pagkakataon.

“Nung una ko sa TV, medyo sablay ang acting ko.

“Noong nag-indie films ako, nabigyan ako ng pagkakataon—ito ang nagturo sa akin nang tama.

“Sa indie films kasi, tulong-tulong. Tapos napaghahandaan ninyo ang bawat eksena.

“Sa TV kasi, ang bilis, ayan na agad ang susunod na eksena.

“Dito, may sapat na oras ka.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN