Snooky Serna is content being single: "If it’s God’s will na hindi ako makapag-asawa ulit o hindi ako magkaroon ng boyfriend, okay lang."

Snooky Serna is content being single: "If it’s God’s will na hindi ako makapag-asawa ulit o hindi ako magkaroon ng boyfriend, okay lang."" data-url="https://www.pep.ph/news/36601/snooky-serna-is-content-being-single-if-its-gods-will-na-hindi-ako-makapag-asawa-ulit-o-hindi-ako-ma" data-desc="Balik-bakuran ng Regal Films si Snooky Serna sa pelikulang Kontramundo, na ididirehe ni Tikoy Aguiluz." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/207e8f79a.jpg"> Snooky Serna is content being single: "If it’s God’s will na hindi ako makapag-asawa ulit o hindi ako magkaroon ng boyfriend, okay lang."" data-url="https://www.pep.ph/news/36601/snooky-serna-is-content-being-single-if-its-gods-will-na-hindi-ako-makapag-asawa-ulit-o-hindi-ako-ma" data-desc="Balik-bakuran ng Regal Films si Snooky Serna sa pelikulang Kontramundo, na ididirehe ni Tikoy Aguiluz." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/207e8f79a.jpg"> Snooky Serna is content being single: "If it’s God’s will na hindi ako makapag-asawa ulit o hindi ako magkaroon ng boyfriend, okay lang."" data-url="https://www.pep.ph/news/36601/snooky-serna-is-content-being-single-if-its-gods-will-na-hindi-ako-makapag-asawa-ulit-o-hindi-ako-ma" data-desc="Balik-bakuran ng Regal Films si Snooky Serna sa pelikulang Kontramundo, na ididirehe ni Tikoy Aguiluz." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/207e8f79a.jpg">

Snooky Serna is content being single: "If it’s God’s will na hindi ako makapag-asawa ulit o hindi ako magkaroon ng boyfriend, okay lang."" data-url="https://www.pep.ph/news/36601/snooky-serna-is-content-being-single-if-its-gods-will-na-hindi-ako-makapag-asawa-ulit-o-hindi-ako-ma" data-desc="Balik-bakuran ng Regal Films si Snooky Serna sa pelikulang Kontramundo, na ididirehe ni Tikoy Aguiluz." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/207e8f79a.jpg"> Snooky Serna is content being single: "If it’s God’s will na hindi ako makapag-asawa ulit o hindi ako magkaroon ng boyfriend, okay lang."" data-url="https://www.pep.ph/news/36601/snooky-serna-is-content-being-single-if-its-gods-will-na-hindi-ako-makapag-asawa-ulit-o-hindi-ako-ma" data-desc="Balik-bakuran ng Regal Films si Snooky Serna sa pelikulang Kontramundo, na ididirehe ni Tikoy Aguiluz." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/207e8f79a.jpg"> Snooky Serna is content being single: "If it’s God’s will na hindi ako makapag-asawa ulit o hindi ako magkaroon ng boyfriend, okay lang."" data-url="https://www.pep.ph/news/36601/snooky-serna-is-content-being-single-if-its-gods-will-na-hindi-ako-makapag-asawa-ulit-o-hindi-ako-ma" data-desc="Balik-bakuran ng Regal Films si Snooky Serna sa pelikulang Kontramundo, na ididirehe ni Tikoy Aguiluz." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/207e8f79a.jpg"> Snooky Serna is content being single: "If it’s God’s will na hindi ako makapag-asawa ulit o hindi ako magkaroon ng boyfriend, okay lang."" data-url="https://www.pep.ph/news/36601/snooky-serna-is-content-being-single-if-its-gods-will-na-hindi-ako-makapag-asawa-ulit-o-hindi-ako-ma" data-desc="Balik-bakuran ng Regal Films si Snooky Serna sa pelikulang Kontramundo, na ididirehe ni Tikoy Aguiluz." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/207e8f79a.jpg">

Bilang kaanib ng Iglesia Ni Cristo, excited si Snooky Serna sa gagampanang role na kabiyak ng INC Ministro Eraño "Ka Erdie" Manalo sa Ang Sugo. Pagmamalaki niya: “Honestly, speechless ako. Parang… gusto kong kurutin yung sarili ko. Lalo pa at kaanib na ako ng Iglesia. It’s such a big honor for me to be a part of this.”


Kasado na ang pagsasapelikula ng lifestory ni Felix Manalo, ang founder ng Iglesia Ni Cristo (INC).

Pinamagatang Ang Sugo, o The Last Messenger, sa panulat ni Arlene dela Cruz at sa direksiyon ni Tikoy Aguiluz.

Nakatakdang magsimula ang filming nito sa 2013, pero sa 2014 pa nakatakdang ipalabas.

Isasabay kasi ito sa ika-100 taong anibersaryo ng INC na tumatapat sa 2014.

Pangunahing tampok sa pelikula sina Richard Gomez na gaganap bilang si Felix Manalo, si Albert Martinez bilang si Eraño Manalo, at Senator Bong Revilla bilang si Eduardo Manalo.

Ang mga nabanggit na karakter ang nagsilbing tatlong henerasyon ng mga executive ministers ng Iglesia Ni Cristo.

Kasama si Snooky Serna sa project na ito, at bibigyang-buhay niya ang karakter ni Ka Cristina, asawa ni Ka Erdie Manalo (Albert Martinez).



SNOOKY IS THRILLED. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Snooky sa press launch ng Ang Sugo na ginanap kahapon, November 27, sa Quezon City Sports Complex.

Kuwento niya, “Ang feeling ko being a part of this film is indescribable.

“Honestly, speechless ako. Parang… gusto kong kurutin yung sarili ko.

“Lalo pa at kaanib na ako ng Iglesia. It’s such a big honor for me to be a part of this.

“Bilang preparation for my role, nag-request ako ng CD, so I can watch yung mga film footages ni Ka Cristina na kasama sa pagsamba o sa paghahandog.

“Para makita ko kung ano yung mga nuances. Para maramdaman ko at makita ko yung essence ni Ka Cristina—yung personality niya and how she dresses up.

“Siyempre, it’s a big responsibility on my shoulders na… kasi hindi naman fictitious ang character, e.

“As much as possible, sana ang panalangin ko, e, sa awa ng Ama ay magampanan ko nang may hustisya ang katauhan ni Ka Cristina.”



NO CHRISTMAS. Ang mga kaanib ng Iglesia ni Cristo ay hindi nagdiriwang ng Pasko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba nakakapanibago for her at sa mga anak niya na, mula nang ma-convert siya rito, wala na silang Christmas celebration?

Paliwanag ni Snooky, “Almost two years na ako sa Iglesia na kaanib. Parang hindi na ako nabigla na wala nang Christmas celebration.

“Makikita naman natin sa Bible, and I hope I don’t sound preachy…

“Hindi mo talaga masasabi kung kailan ang Christmas, e. There’s no definite date, e.

“So with that knowledge in my mind, para bang hindi na naging ganoon ka-importante yung pag-celebrate ng Christmas.

“And besides, I think, at alam kong pananaw din ito ng buong Iglesia, na ang Christmas naman, dapat araw-araw, di ba?”

Coverted na rin ba sa INC ang dalawang anak niyang sina Samantha at Sachi?

“Dinu-doktrinahan na sila. Tapos yung kapatid ko na sumunod sa akin, si Anton, sinusubok [malapit nang ma-baptismuhan] na siya.

“Tapos si Tita Eden [kapatid ng yumao niyang inang si Mila Ocampo], na-convert, at kapatid na rin siya.”



KIDS’ SCHOOLING. Mga dalaga na ang anak niya sa dating asawa na si Ricardo Cepeda. Sam is 19. Si Sachi naman is 16.

“Alam mo, nililigawan na sila!” natawang pagtatapat ni Snooky.

“Pero salamat naman, hindi pa nila gustong mag-boyfriend.

“Hindi ko naman sila hinihigpitan. Pero alam mo… I’m so relieved. Buti wala pa sa isip nila!” sabay tawa ulit niya.

“Third year college na si Sam in La Salle. She’s taking up European studies.

“Mahilig siya sa politics, e. Mahilig siya sa… actually more of public service. Also history. And a bit of literature.

“Si Sachi naman is graduating this March sa high school. Sa La Salle din niya gustong mag-college.

“At ang course na gusto naman niya… Literature."

Hindi nai-engganyong mag-artista ang mga ito?

“Hindi. And… ayokong mag-lie, ha?

“Happy ako na hindi sila nai-engganyo na mag-showbiz! Ha-ha-ha!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



SHOWBIZ INTRIGUES. Kung susundan nga naman ang career ni Snooky, masasabing masalimuot nga ang buhay-artista. Laging nasasalang sa intriga at kontrobersiya.

Hanggang ngayon, kahit nagsisikap makapamuhay nang tahimik at masaya, hindi pa rin nakakaiwas si Snooky na maintriga.

Ang tsismis nga sa kanya ngayon ay isang lesbian daw ang kayang karelasyon.

“Oo nga, e. Ewan ko ba? My gosh!

“Ang masasabi ko na lang… lahat naman ng katotohanan, lalabas. Wala namang secret na hindi eventually lumalabas.

“So… cool lang ako.

“I don’t want to expound on it kasi I don’t want to give it importance… Kumbaga, I don’t want to make a big deal out of nothing.”

Pero blooming ang beauty niya ngayon. Mukhang there’s someone special na nag-i-inspire sa kanya ngayon.

“Wala! Tatlong taon na halos akong walang lovelife,” nangiting reaksiyon ni Snooky.

“Kung sinasabi mang blooming ako ngayon, thank God. Alam ninyo, awa ng Diyos ‘yan.

“When you have peace in your heart, peace in your soul, peace in your mind, kahit wala kang lalaki sa buhay mo, hindi kawalan.

“Bahala na ang Diyos pagdating sa ganyang bagay.

“If it’s God’s will na hindi ako makapag-asawa ulit o hindi ako magkaroon ng boyfriend, okay lang.

“I don’t doubt God’s plan for my life. It will be the best for me. So kung anuman iyon, tanggap ko.

“Pero kung may dumating, I know na laan ng Diyos iyon para sa akin.

“Basta ba hindi naman ako yung talagang naghanap.”



BUSIER NOW. Unti-unting nagiging aktibo na naman si Snooky sa kanyang acting career.

At natutuwa siya na lately ay nagkakasunod-sunod ang alok na projects sa kanya.

Kasali siya sa cast ng “Pamana” episode ng Shake Rattle,& Roll 14, na entry ng Regal Films sa nalalapit na Metro Manila Film Festival.

“Hope na hope ko. Wish na wish ko talaga iyon noon pa, na makasama sa Shake Rattle & Roll movie series.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Noong Shake Rattle & Roll I pa lang, sabi ko kay Mother Lily [Monteverde], gusto ko.

“I don’t know. For some strange reason… ayaw niya.

“Biro mo, naka-Shake Rattle & Roll 14 na bago ako napasama. Kaya bongga talaga—nakakatuwa.

“I played the role as one of the ghosts sa “Pamana” episode nga… Maganda naman yung role.

“It’s a cameo, pero importante kasi siya, yung nag-reveal ng mahalagang sikreto.”

Ang role ni Snooky ay iyong piano playing ghost, na naunang inialok kay Congresswoman Lucy Torres pero tinanggihan nito.

Wika niya, “Hindi ko lang alam ang tungkol doon. Pero okey lang kung hindi man ako ang first choice.

“And it’s nice to work with Chito Roño na siyang director namin for the said episode.

“Also with my co-stars na sina Herbert Bautista, Manilyn Reynes, Janice de Belen.”



COMEBACK ROLE. May isa pa siyang pelikulang gagawin sa Regal. Ito ay ang Kontramundo, na ididirehe ni Tikoy Aguiluz.

Ayon kay Snooky, siya raw ang bida rito.

“Sabi ni Mother Lily, it’s going to be a comeback role for me," sabi ng aktress na nagsimula sa pelikula noong paslit pa lamang siya.

“And I’m thankful nga sa Ama kasi biniyayaan Niya ako na magkaroon ulit ng chance na gumawa ng isang mabigat na pelikula.

“Wala pang final details about the movie, kaya hindi ko pa masabi yung role ko o ang story.

“I’m not sure pa also about the casting.

“Pero sinasabi ni Mother na isang magandang project nga raw ito for me,” nakangiting huling nasabi ni Snooky.

Snooky Serna is content being single: "If it’s God’s will na hindi ako makapag-asawa ulit o hindi ako magkaroon ng boyfriend, okay lang."" data-url="https://www.pep.ph/news/36601/snooky-serna-is-content-being-single-if-its-gods-will-na-hindi-ako-makapag-asawa-ulit-o-hindi-ako-ma" data-desc="Balik-bakuran ng Regal Films si Snooky Serna sa pelikulang Kontramundo, na ididirehe ni Tikoy Aguiluz." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/207e8f79a.jpg"> Snooky Serna is content being single: "If it’s God’s will na hindi ako makapag-asawa ulit o hindi ako magkaroon ng boyfriend, okay lang."" data-url="https://www.pep.ph/news/36601/snooky-serna-is-content-being-single-if-its-gods-will-na-hindi-ako-makapag-asawa-ulit-o-hindi-ako-ma" data-desc="Balik-bakuran ng Regal Films si Snooky Serna sa pelikulang Kontramundo, na ididirehe ni Tikoy Aguiluz." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/207e8f79a.jpg"> Snooky Serna is content being single: "If it’s God’s will na hindi ako makapag-asawa ulit o hindi ako magkaroon ng boyfriend, okay lang."" data-url="https://www.pep.ph/news/36601/snooky-serna-is-content-being-single-if-its-gods-will-na-hindi-ako-makapag-asawa-ulit-o-hindi-ako-ma" data-desc="Balik-bakuran ng Regal Films si Snooky Serna sa pelikulang Kontramundo, na ididirehe ni Tikoy Aguiluz." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/207e8f79a.jpg">


Snooky Serna is content being single: "If it’s God’s will na hindi ako makapag-asawa ulit o hindi ako magkaroon ng boyfriend, okay lang."" data-url="https://www.pep.ph/news/36601/snooky-serna-is-content-being-single-if-its-gods-will-na-hindi-ako-makapag-asawa-ulit-o-hindi-ako-ma" data-desc="Balik-bakuran ng Regal Films si Snooky Serna sa pelikulang Kontramundo, na ididirehe ni Tikoy Aguiluz." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/207e8f79a.jpg"> Snooky Serna is content being single: "If it’s God’s will na hindi ako makapag-asawa ulit o hindi ako magkaroon ng boyfriend, okay lang."" data-url="https://www.pep.ph/news/36601/snooky-serna-is-content-being-single-if-its-gods-will-na-hindi-ako-makapag-asawa-ulit-o-hindi-ako-ma" data-desc="Balik-bakuran ng Regal Films si Snooky Serna sa pelikulang Kontramundo, na ididirehe ni Tikoy Aguiluz." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/207e8f79a.jpg"> Snooky Serna is content being single: "If it’s God’s will na hindi ako makapag-asawa ulit o hindi ako magkaroon ng boyfriend, okay lang."" data-url="https://www.pep.ph/news/36601/snooky-serna-is-content-being-single-if-its-gods-will-na-hindi-ako-makapag-asawa-ulit-o-hindi-ako-ma" data-desc="Balik-bakuran ng Regal Films si Snooky Serna sa pelikulang Kontramundo, na ididirehe ni Tikoy Aguiluz." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/207e8f79a.jpg"> Snooky Serna is content being single: "If it’s God’s will na hindi ako makapag-asawa ulit o hindi ako magkaroon ng boyfriend, okay lang."" data-url="https://www.pep.ph/news/36601/snooky-serna-is-content-being-single-if-its-gods-will-na-hindi-ako-makapag-asawa-ulit-o-hindi-ako-ma" data-desc="Balik-bakuran ng Regal Films si Snooky Serna sa pelikulang Kontramundo, na ididirehe ni Tikoy Aguiluz." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/207e8f79a.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN