Richard Gomez to portray Iglesia Ni Cristo founder Felix Manalo in biopic; dismisses political motive in accepting the role

Sa pagtanggap ni Richard Gomez ng role bilang Felix Manalo, ang founder ng Iglesia Ni Cristo, hindi maiwasang mag-isip ang ilan na baka may kinalaman ito sa kanyang pagtakbo bilang mayor ng Ormoc City sa 2013 elections. Sagot dito ng aktor, “Yung suporta ng Iglesia, hindi namin pinag-uusapan, e. Kasi ang importante nga rito e yung movie na gagawin namin. Ako, for my career, it’s going to be important. Malaking movie ito. Maraming manonood na mga tao rito.”


Isang press launch ang ginanap sa Quezon City Sports Club kahapon, Martes, November 27, para sa gagawing pelikulang Ang Sugo (The Last Messenger).

Tatalakayin ng pelikula ang life story ng founder ng Iglesia Ni Cristo (INC) na si Ka Felix Manalo, na gagampanan ni Richard Gomez.

“I think this will be a very important movie for 2014,” ani Richard nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch.

“Considering na para sa 100th year celebration ito ng Iglesia Ni Cristo.

“Importante ito sa history ng kultura ng Pilipino kasi napakalaking relihiyon nito.

“Pero hindi nila nalalaman kung ano ba yung humble beginnings nito at yung mensahe na gusto nilang iparating sa tao.

“Maganda rin na ipapakita rito kung nasaan na ang Iglesia Ni Cristo ngayon.”

Banggit pa ni Richard, “Next year ang shooting namin for this film.

“2014 pa ang showing niya kasi itataon sa ika-100 founding anniversary nila.

“Isang epic ito, e, talagang malaking pelikula—a cast of thousands na si Tikoy Aguiluz ang magdidirek.

“This is my first time to work with Direk Tikoy, yes, kaya excited talaga ako.”

Bukod kay Richard, tampok din sa pelikula sina Albert Martinez na gaganap bilang si Eraño “Ka Erdie” Manalo at si Senator Bong Revilla naman ang gaganap bilang si Eduardo “Ka Ed” Manalo.

Si Snooky Serna ang magbibigay-buhay sa karakter ng asawa ni Ka Erdie. Ang maybahay ni Senator Bong na si Congresswoman Lani Mercado ang gaganap bilang asawa ni Ka Ed.

Sabi pa ni Richard, “It’s really a privilege to be chosen as Ka Felix Manalo. Happy ako at excited na gampanan yung role.”

RICHARD AS KA FELIX. May nabanggit kamakailan si Laguna Governor ER Ejercito na gusto nitong makagawa ng pelikula na may pagka-religious naman ang tema—na parang life story ni Ka Felix Manalo.

Pero naunahan na nga ni Richard si Governor ER sa nasabing role at proyekto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“A… talaga? Kasi napakaganda ngang project ito,” reaksiyon ni Richard nang banggitin ang tungkol dito sa kanya.

Anong preparations ang gagawin niya for his role as Ka Felix?

“I’m basing it sa mga documents at records nila, mga pictures, mga voice recordings ni Ka Felix.

“Tapos tinitingnan ko yung mga video, kung ano ba yung mga ginagawa niya, kung paano ba yung galaw niya at mannerisms.

“Kailangang may research akong gawin. Extensive research about Ka Felix.



TALENT FEE. Si Senator Bong, balitang hindi raw maniningil ng talent fee sa pagganap nito bilang Ka Ed. Ganun din ba ang gagawin ni Richard?

Sagot ng aktor, “Ang importante kasi rito yung quality at story ng movie. Yung historical content ng pelikula ito.

“Ito yung pinaka-importante sa project na ito.

“Importante na maipakita kung ano ba yung pinagdaanan ng Iglesia Ni Cristo.

“Ang nakikita lang kasi natin… kung ano na ang Iglesia Ni Cristo ngayon.

“Pero marami ang hindi nakakaalam… saan ba nanggaling ang Iglesia Ni Cristo? Paano ba sinimulan ito ni Ka Felix Manalo? Ano ba ang nag-udyok sa kanya para magdala ng mensahe ng Panginoon?

“Alam mo naman kami, kapag ganitong mga proyekto, talagang hindi na pinag-uusapan ang TF [talent fee].”

Pero for sure, hindi rin naman papayag ang production, funded by the Iglesia Ni Cristo, na walang talent fee ang mga magsisiganap na artista sa kanilang pelikula?

“Tingnan natin. Basta hindi na pinag-uusapan yung mga ganun,” sabi ni Richard.



POLITICAL TALK. Ang Iglesia Ni Cristo ay kilala sa pagiging solido o nagkakaisang pagboto tuwing eleksiyon.

Si Richard ay tatakbo bilang mayor ng Ormoc City sa 2013 mid-term elections, habang ang misis niyang si Lucy Torres ay tatakbong muli bilang representante ng fourth district ng Leyte.

Sa pagtanggap ni Richard ng role bilang Ka Felix, meron bang napag-usapan tungkol sa pulitika?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi kasi maiiwasang may mag-isip na ang kapalit ng pagtanggap niya ng role ay ang buong suporta ng INC sa kanya at kay Lucy pagdating ng eleksiyon.

Saad ni Richard, “Alam mo naman, siyempre ‘yang mga ganyang bagay, hindi natin maiaalis sa pag-iisip ng ibang tao, e.

“Pero ang importante dito is… itong project na ito, it’s going to be one of the biggest movies na ipu-produce.

“It’s very important. Kasi ito ang centennial movie ng Iglesia Ni Cristo, e.

“Yung suporta ng Iglesia, hindi namin pinag-uusapan, e. Kasi ang importante nga rito e yung movie na gagawin namin.

“Ako, for my career, it’s going to be important. Malaking movie ito. Maraming manonood na mga tao rito.”

Natanong ba niya kung bakit siya ang pinili upang gumanap bilang si Ka Felix?

“Hindi. Pero… siguro dahil sa mabait ako!” natatawang sagot ng aktor.



CHRISTMAS WISH. Malapit na ang Holiday Season. Ano ang mga plano nila ni Lucy ngayong Pasko?

“Ang plano namin is to be in Ormoc. Sa Ormoc pa rin kami.”

May masasabi pa ba siyang wish na gusto niya ngayong Kapaskuhan?

“Siyempre, ang Christmas wish namin ay madagdagan ang pamilya namin, ano?” sabay ngiti ni Richard.

“Alam mo, it’s always been my wish na madagdagan pa si Juliana.”

Twelve years old na ngayon ang unica hija nilang si Juliana.

Malapit na ang panahong may mga aaligid nang manliligaw sa kanilang anak. Hindi ba ninenerbiyos si Richard tungkol dito?

“Sila yata ang ninenerbiyos, e!” sabay tawa ni Richard, na ang tinutukoy ay ang mga magbabalak manligaw sa anak.

Protective ba siya as a father?

“Hindi naman… hindi naman.

“Except that… siyempre, bata pa si Juliana. Ang gusto namin is for her to focus sa education niya,” pahayag ni Richard.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN