Andi Eigenmann gets emotional at birthday and dedication of daughter Ellie: “Yung mga tao, lagi nilang sinasabi nga na I’m strong, sana mamana ni Ellie yun.”

Pinagsabay na ni Andi Eigenmann ang first birthday at ang dedication ng kanyang anak na si Ellie noong Linggo, November 25. Mensahe ni Andi para sa anak: “I love you so much, as you can see I did all this for you. This is for her memories, you know, when she’s older and she looks back on this, makikita niya kung paano ang dami taong nagmamahal sa kanya from the very, very beginning.”


Ginanap noong Linggo, November 25, ang first birthday at dedication ng anak ni Andi Eigennman na si Ellie, sa Blue Leaf, McKinley Hill, Taguig City.

Matagal itong pinaghandaan ni Andi dahil, ayon sa kanya, si Ellie ang nagpapasigla ng kanyang araw at nagiging inspirasyon niya sa trabaho.



PROUD MOMMY. During the party, namataan ng iba na umiiyak si Andi. Pero ayon sa Kapamilya actress, tears of joy lamang daw ito.

Lahad niya sa Ang Latest: Uplate, “Oo nga, e… hindi, kasi siyempre, I got emotional.

“I’ve always took this parenthood thing so lightly, ngayon lang siyempre talaga nag-sink in sa akin, now she’s dedicated to the Lord.

“I actually have an Ellie, you know, that I’m gonna raise and take care of and for the rest of my life.

“She’s gonna be there, so hindi mapigilan [ang umiyak], di ba?”

Ano ang nakikita niyang traits niya na namana o gusto niyang manahin ng anak?

Pahayag ni Andi, “Yung mga tao, lagi nilang sinasabi nga na I’m strong, sana mamana ni Ellie yun.

“She’ll never look down on herself, she’s not gonna be a quitter.”

Ano ang gusto niyang ipaabot na mensahe para sa anak?

Maluha-luhang sabi ni Andi sa anak: “I love you so much, as you can see I did all this for you.

“This is for her memories, you know, when she’s older and she looks back on this, makikita niya kung paano ang dami taong nagmamahal sa kanya from the very, very beginning.”

Hindi dumalo sa pagdiriwang ang sinasabing ama ng anak ni Andi na si Albie Casino.

Ngunit hindi rin malinaw kung inimbitahan siya ni Andi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN