Vic Sotto on relationship with Pauleen Luna: “Wala naman kaming itinatago, e. Just don’t talk about it, kasi para tahimik.”

Sabay na naglakad sa red carpet sina Pauleen Luna at Vic Sotto sa premiere ng pelikulang D Kilabot Pogi Brothers, Weh!, na ginanap sa Cinema 9 ng SM Megamall kagabi, November 27. Hudyat na nga kaya ito na open na ang dalawa sa kanilang relasyon?


Sabay na naglakad sa red carpet sina Vic Sotto at Pauleen Luna sa premiere ng D Kilabot Pogi Brothers, Weh!, na ginanap sa Cinema 9 ng SM Megamall kagabi, November 27.

Kuwento ng reliable source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), hindi naman daw magkasama ang dalawa na pumunta ng SM Megamall.

Maaaring nagtawagan daw ang dalawa, pero nagkita lang sila sa parking lot at nagsabay nang pumasok sa mall at dumaan sa red carpet.

Sinundan ng PEP ang dalawa hanggang sa loob ng sinehan kaya sandaling nakausap namin si Vic.

Biglang tumayo si Pauleen at nakipag-usap sa ilang kakilala nang nagpa-interview sandali ang comedian/TV host.

Sabi ni Vic, nandun daw sila bilang suporta sa bida ng naturang pelikula na sina Jose Manalo at Wally Bayola.

“Hindi naman nila first time ito, e, kaya siguro mas nakakakaba,” sambit ni Vic.

“Pero ako’y tiwala sa dalawa. Alam kong marami silang dabarkads, mga tagahanga na gusto sila makita sa pelikula.

"Kasi ibang Jose at Wally ang makikita nila sa pelikula kesa yung nakikita nila sa telebisyon.

“I’m sure lahat ng tagahanga nila, tagahanga ng Eat Bulaga!, nasisiguro kong susuportahan nila.”

NOW OPEN? Diniretso na ng PEP ng tanong ang komedyante tungkol sa kanilang dalawa ni Pauleen.

Magkasama naman silang dumating sa naturang premiere night, ibig sabihin, open na sila sa kanilang relasyon?

“Wala naman kaming itinatago, e. Just don’t talk about it, kasi para tahimik,” matipid na sagot ni Vic.

Nakausap din kasi ng PEP ang panganay na anak ni Vic na si Danica Sotto-Pingris at sinabi nitong suportado naman nila ang kanilang ama kung saan ito masaya.

Kung sino ang nagpapaligaya sa ama, nandun lang daw ang suporta nilang mga anak.

Pero hindi naman daw nila itong pinag-uusapang mag-ama, sabi ni Danica.

Tanong ng PEP kay Vic: "So maligaya ka nga ba ngayon?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Vic: “Oo, siyempre!”

Sinundan namin ng tanong: “Kasama mo yung nagpapaligaya sa ’yo?”

Sagot ni Vic: “Sabi mo, e! Sabi mo, e! Gusto mo ’yan, e!”

Matipid ang mga sagot ni Bossing Vic, pero tila inamin na nito kung ano ang namamagitan sa kanila ni Pauleen.

Mas gusto lang daw nila ng tahimik, at hindi na kailangang gawing malaking isyu.

“Nothing really to talk about. No biggie, ’ika nga. Kung ano kami, yun na yun!” pahayag pa ng main host ng Eat Bulaga!.

Bago ang premiere night, nakausap din ng PEP si Pauleen sa set ng GMA-7 afternoon soap na Magdalena.

Matipid din ang mga sagot nito kapag si Vic na ang subject.

“Mas tahimik kasi, mas masaya,” sabi nito.

Hindi naman niya itinatanggi na minsan ay dumalaw siya sa shooting ng Si Agimat, Si Enteng Kabisote at si Ako, kung saan nandun nga si Vic.

“Naglambing kasi sina Jose, si Ruby [Rodriguez]. Tapos, I was on my way home, dumaan lang naman ako dun nang sandaling-sandali,” paliwanag ng aktres.

Kinulit namin kung sina Jose at Ruby lang nga ba ang nagpapunta sa kanya doon.

Tumawa lang si Pauleen at hindi na kami sinagot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN