Senator Bong Revilla waives talent fee for biopic of Iglesia Ni Cristo founder Felix Manalo

Sa kanyang pagganap bilang si Ka Eduardo Manalo, ang kasalukuyang namumuno sa Iglesia Ni Cristo, balitang hindi raw tatanggap ng talent fee si Senator Bong Revilla. Paliwanag naman ng actor-politician tungkol dito, “Hindi na namin pinag-uusapan iyon. Unang-una, malaki ang utang na loob ko sa INC [Iglesia Ni Cristo]. Ever since na pumasok tayo sa public service, e, hindi nila tayo pinabayaan."


May pupuntahang importanteng commitment si Senator Bong Revilla kaya hindi siya nakapag-stay nang matagal sa press launch ng Ang Sugo (The Last Messenger) noong Martes, November 27, sa Quezon City Sports Club.

Sa kabila nito, nagkaroon pa rin ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makapanayam ang actor-politician hinggil sa gagawing life story ni Ka Felix Manalo, ang founder ng Iglesia Ni Cristo.

Aniya, “Role ni Ka Eduardo Manalo iyong ipu-portray ko, iyong namumuno ngayon sa Iglesia Ni Cristo.”

Si Ka Ed ay anak ng yumaong si Ka Eraño Manalo at apo ni Ka Felix Manalo.



TALENT FEE. Totoo bang hindi siya nagpabayad ng talent fee para sa Ang Sugo?

“Hindi na namin pinag-uusapan iyon,” nangiting sagot ni Senator Bong.

“Unang-una, malaki ang utang na loob ko sa INC [Iglesia Ni Cristo].

“Ever since na pumasok tayo sa public service, e, hindi nila tayo pinabayaan.

“Sa pelikulang ito, hindi si Bong Revilla ang makikita ninyo na sumasabak sa action scenes.

“Ibang-ibang Bong Revilla talaga ang mapapanood ninyo as Ka Eduardo.”

Next year pa nakatakdang magsimula ang kanilang shooting, pero ngayon pa lang daw ay naghahanda na siya for his role.

“Kanina, nakausap natin si Ka Eduardo. Ipinasyal niya kami doon sa museum.

“Nakita natin kung saan nagsimula ang Iglesia Ni Cristo.

“Kailangan din siguro na manood ako ng mga video clips ni Ka Eduardo at makaharap pa siya more often.

"Para mapag-aralan ko kung paano siya magsalita at saka iyong mga mannerism niya."

Dagdag pa ni Bong, “Si Tikoy Aguiluz ang magdidirek nito.

"At sa napag-usapan namin, baka May ng susunod na taon ang start ng shooting namin—panahon ng bakasyon sa Senado.

“Kasama rin si Lani [Mercado, his wife] sa cast ng pelikula. She’ll play the role of Ka Lyn, iyong asawa ni Ka Eduardo.”



EPIC TELESERYE. Right now, ang taping ng pinagbibidahang fantasy series sa GMA-7, ang Indio, ang pinagkakaabalahan ni Bong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Itinataon daw ang schedule niya para rito kapag wala siyang trabaho sa Senado.

Sabi niya, “Pero marami na kaming mga eksenang nakukunan. Kaya isang magandang sorpresa ito para sa ating mga televiewers.”

Mas mahirap bang gumawa ng isang fantasy series sa telebisyon kaysa sa isang action o fantasy film gaya ng kanyang Panday movie series?

“Mas mahirap. Kasi mas mahabang trabaho, mas mahabang oras.

“At hindi rin biro ang preparasyon. Dahil ang story nitong Indio, year 1800 nagsimula, e… so iba iyong look.

“Pero parang pelikula rin siya, e. It’s an epic.

“Ito na bale ang pinakamalaking project ko for television.

“Kahit hindi biro ang hirap namin sa taping nito, nakakaengganyong magtrabaho lalo.

“At nakikita mo na maganda naman ang kinalalabasan ng bawat eksenang kinukunan ninyo,” panghuling nasabi ni Senator Bong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN