Rhian Ramos on current relationship with KC Montero: “I’m just in a so much better place now!”

Ayon kay Rhian Ramos, sa kanyang relasyon kay KC Montero ay napagtanto niyang puwede naman palang hindi magkaroon ng away ang magkarelasyon. Pahayag niya, “Hindi pa kami nag-aaway. Naisip ko, puwede naman pala. Puwede naman palang ganoon. Puwede naman palang hindi mag-away… possible!”


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rhian Ramos sa fashion event ng designer na si Mark Bumgarner na ginanap sa Prive Luxury Club, sa The Fort, noong Lunes, November 26.

Ibinalita ni Rhian na nagsimula na siyang mag-taping ng Indio, ang bago niyang project sa GMA-7 na pagbibidahan ni Senator Bong Revilla.

“Masaya, saka mahirap,” deskripsyon ni Rhian tungkol sa taping.

Paanong naging "masaya at mahirap"?

Paliwanag niya, “Masaya kasi I’m getting to work with so many people again for the first time.

“Tapos mahirap, kasi siyempre, hindi natin panahon. Hindi kasi natin panahon yung Indio.

“Medyo panahon siya ni Amaya… yung pumapasok na yung Spanish.

“Kaya naman siya mahirap, kasi wala akong sapatos, yung malaking costume.

“Kasi ang role ko, diwata. Malaki yung costume at maraming sabit-sabit sa headdress.”

Tuloy pa niyang kuwento, “Medyo nasasaktan rin yung paa ko pag merong mababatong area.

“Saka yung ibang area na may mga linta, yun lang. Buti naman at hindi pa ako nabibiktima ng linta.

“Talagang ina-avoid ko yun na tumapak sa tubig pag alam kong merong linta.”



BONG REVILLA. May mga eksena na ba silang nakunan ni Senator Bong?

Sabi ni Rhian, “Nagkaroon na kami ng eksena, our very first scene together. Crying scene niya.

"Nanood si Kuya Ipe [Phillip Salvador]. He was on the side. Medyo may coaching.

“Tapos, sabi niya maganda. So, happy naman ako.”

Hindi na raw nahirapan si Rhian na makipagtrabaho kay Sen. Bong dahil ilang pelikula na rin ang pinagsamahan nila.

Sabi pa ng Kapuso actress, “Parang I’m just comfortable.

"At saka ‘eto, since mas mahaba ang show, I just feel like it’s gonna get better—yung acting chemisrty.

“Alam ko kung paano siya tulungang tumawa, umiyak.”



SHOOTING SCHEDULES. Maliban sa Indio, kasama rin si Rhian sa pelikulang Sossy Problems, ang entry ng GMA Films sa 2012 Metro Manila Film Festival.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba siya nahihirapan sa kanyang schedule?

Sabi ni Rhian, “Monday, Wednesday, Friday, I’m taping for Indio. Tapos, Tuesday, Thursday, Saturday, Sossy Problems.

“Actually, matagal ko nang hindi pinagsabay ang soap and movie, ngayon ko lang nangyari uli.

“The first time na ginawa ko, talagang drained ako.

“Pero ngayon parang hinahanap-hanap ko yung drained na feeling—it’s fun!”



VERY ACTIVE. Ano ang nararamdaman niya na in demand pa rin siya sa TV man o pelikula?

Sagot ni Rhian, “I don’t know about in demand, pero active ako uli. So, I’m just thankful.

“Parang ang feeling ko, nag-start ako ulit. Parang feeling ko Captain Barbell uli, fifteen years old uli ako, ha?

“Oy, pero serious talaga. Parang yung nangyayari na nga sa akin, parang hindi na nga ako masyadong natutulog sa taping or sa shooting.

“Kasi pag bago ka... na-experience ko na yung cycle.

“Pag bago ka kasi, sa una, ikaw lang yung tao sa tent na hindi nakakatulog.

“Kasi gusto mong panoorin yung eksena, lahat nakikialam ka.

“Tapos, kinakausap mo yung mga co-actors mo.

“Pero pag medyo tumatagal na, hindi ka na namamansin—dinner break, lunch break—tulog ka lang.

“Or after ng mga eskena mo, tulog ka lang the whole time.

“So, nae-experience ko uli na sobrang excited ako sa work… so much fun!" natatawang sabi niya.

Sabi pa niya, “Kasi I went to a super break, hiatus-super break!

“So, I was just really at the beach, inom ng milkshake, at home… just spending time with my family.

“So now, parang na-miss ko talaga yung ma-drain.”



COMPARISON. Ang karelasyon ngayon ni Rhian si KC Montero matapos ang kontrobersiyal na breakup nila ni DJ Mo Twister.

Base sa takbo ng career at masayang personal life niya, matuturing ba niyang suwerte sa kanya ang kasintahang si KC Montero mula nang maging sila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Rhian, “Hindi kasi ako masyadong naniniwala sa luck... or, I don’t know.

“Medyo luck exists, pero hindi ko lang napapansin. Or hindi ko pina-follow yung rules na unlucky ito or lucky ito.

“Pero I think, definitely, nakakatulong yung sobrang supportive… nakikita mo naman, nandito siya.”

Namataan namin si KC sa audience ng fashion show habang sumasagot si Rhian sa aming mga tanong.

Wala ba silang masyadong problema sa kanilang relasyon?

“Wala… I’m so thankful.

"Parang… kung sobrang gumanito, sobrang gumanyan naman,” sagot niya habang nakamuwestra ng magkaibang height ang mga kamay.

Wala silang pinag-aawayan o lovers’ quarrel?

“No, wala. Hindi pa kami nag-aaway,” mabilis niyang tugon.

“Naisip ko, puwede naman pala. Puwede naman palang ganoon.

“Puwede naman palang hindi mag-away… possible!

"So, parang… hindi ko alam kung bakit ko pa yun pinagdaanan. E, puwede naman pala na hindi mag-away,” parang pagkukumpara niya sa naunang relasyon.

Dagdag niya, “So, I’m just in a so much better place now!”

Alam ba ni KC na nagpapasalamat siya sa ayos ng takbo ng relationship nila ngayon?

“Alam na niya ‘yan. Binabasa nga niya!" natatawang sabi ni Rhian.

“Every time na merong… binabasa niya ‘yan, kasi sinasabi niya sa akin.

“At saka every time na… I’m thankful.

"Pag napapansin kong he does nice things, I really say.

“Expressive ako, I’m so see-through. You know what I mean?

“I’m so expressive… na every time I’m happy, halata sa face ko…

"Every time there’s something wrong, halata sa face ko.”

Masasabi bang si KC na ang gusto niyang maging matagal na karelasyon o boyfriend?

Sagot ni Rhian, “It’s just so hard to predict. It’s so hard to predict.

“I mean, kung tinanong mo ako last year, I mean... or three years ago, every time naman, I’m gonna say yes, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero, I mean, I don’t even have one problem, so there’s no reason para maghanap ng iba.”

May mga interviews si Rhian na nasabi niyang nag-e-effort si KC na mapalapit sa family and friends niya.

Anong difference ng pakikisama ni KC sa parents ni Rhian kumpara sa pakikisama ni DJ Mo noon sa family niya?

“You know the saying, that there’s a world of difference?

“Here, there is a universe of difference, parang ganoon…

"It’s not even the same animal. It’s not even the same species… it’s like that.

"It’s like the difference from… like… how do I say?

“I don’t know. I can’t explain how different. Basta, I’m happy,” sabay ngiti ni Rhian.

CHRISTMAS PLANS. Ano naman ang plano nila ngayong Pasko?

“He’s gonna go home to his family and I’m gonna stay with my family also.

“But I’m sure I’ll see him naman, but not for Christmas.

“I don’t know how long he’ll be away. Pero alam ko, he’s gonna be abroad for the holidays.”

Wala bang posibilidad na sundan niya si KC sa ibang bansa?

“No,” mabilis niyang sagot.

E, di mami-miss niya si KC?

“May cell phone naman kami!” sabay tawa niya nang malakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN