Xian Lim builds "special trust" with loveteam partner Kim Chiu

“I found out a lot of things na doon pa rin bumabagsak, sa trust. We trust each other, na yung comfortability namin—simula sa first soap ko, di ba, hanggang sa ongoing soap—siya pa rin yung [kasama ko],” says Xian Lim about getting comfortable with Kim Chiu.


Hindi raw nababahala si Xian Lim sa pagbabalik ng tambalang Kim Chiu at Gerald Anderson.

Sa 20th anniversary movie offering ng Star Magic na 24/7 In Love, isa sa mga inabangan ng mga manonood ang muling pagsasama nina Kim at Gerald.

Sa katunayan, sinabi pa ni Kim tungkol sa kanilang fans, na kilala bilang Kimeralds: “Nabuhay sila! Nabuhayan yung dugo nila!”

(CLICK HERE to read related article.)

Bagamat may posibilidad na bumalik ang pagiging magkapareha nina Kim at Gerald, hindi naman ito inaalala ni Xian, na kasalukuyang kapareha ng young actress sa teleseryeng Ina Kapatid Anak.

Sabi ni Xian, “Lagi ko namang sinasabi na [yung movie], it’s a big event for Star Magic.

“I’m happy for them, I’m happy for Star Magic.

“Di ba, it’s really big, lahat nagsama for this, and it’s very successful?”

Bukod dito, natutuwa rin daw ang 23-year-old Kapamilya talent dahil muling napasaya nina Kim at Gerald ang Kimeralds.

“Congratulations sa kanila. Congratulations na happy sila.

“Ang ano lang naman namin, all we want is for people to be happy.

“Pero I’m happy for them. I’m happy for their fans. ‘Yon naman talaga, e,” ani Xian.



THANKFUL TO KIMXI FANS. Katulad ng pagkatuwa niya sa mga sumuporta sa tambalang Kim at Gerald, naa-appreciate din ni Xian ang mga taong sumusuporta sa tambalan nila ni Kim, lalo na sa kanilang teleserye.

“Thank you sa lahat, thank you sa tweets, sa mga status,” sabi ni Xian.

“Nakikita ko talaga na tuwang-tuwa sila just to see us or just to see the story unfold.

“So, it’s something na talagang tutok sila.”

Matapos ang My Binondo Girl, ang teleserye kung saan nakilala ang loveteam nila ni Kim, hindi raw inasahan ni Xian na patuloy pa rin silang susuportahan ng kanilang fans.

“I never expected that. Nagsimula nga ‘yan sa JanDy, hanggang sa nag-evolve.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Now, marami nang evolutions, marami nang groups, so I’m thankful," pahayag ni Xian.

Sa ngayon, mas nagiging maganda raw ang samahan nila ni Kim dahil, bukod sa trabaho, minsa’y nagkakasama sila sa ibang pang gawain, tulad ng sports activities at workshops.

Dahil dito, mas lalo raw silang nagkakaroon ng tiwala sa isa’t isa, na nakakatulong para mas maging maganda ang maipakita nila sa publiko bilang magkapareha.

Sabi ni Xian, “I found out a lot of things na doon pa rin bumabagsak, sa trust.

“We trust each other na yung comfortability namin—simula sa first soap ko, di ba, hanggang sa ongoing soap—siya pa rin yung [kasama ko].

“Meron nang special trust. At kapag magkaeksena kami, hindi niya ako pinababayaan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN