Lovi Poe on Jake Cuenca’s feelings for her: "I’m really flattered and I’m really thankful... coming from someone like him."

Muling sinagot ni Lovi Poe ang usap-usapan na lilipat na siya sa ABS-CBN kapag nag-expire na ang kontrata niya sa GMA-7 sa susunod na taon. Sabi ng Kapuso actress, “I don’t know with Tito Leo [Dominguez, Lovi’s manager], we haven’t talked about those things. I’m happy naman so far, I love my show.”


Kung si Jake Cuenca ay very vocal sa pagpapahayag ng kanyang nararamdaman para kay Lovi Poe, tila tikom naman ang bibig ng Kapuso actress tuwing tinatanong ang tungkol sa kanila ng Kapamilya actor.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lovi sa pocket presscon para sa Shake Rattle & Roll 14 noong Lunes, November 26, ay inusisa namin siya tungkol sa mga naging pahayag ni Jake.

Sabi ni Lovi, “You know, Jake is a very sweet guy, he’s amazing as well.

“I mean, I’m really flattered and I’m really thankful... coming from someone like him.

“Like what he said naman, we’re both very busy, we have our priorities.

“But then, hearing those things from him is really wonderful. Makes me feel…

“Nagulat ako, I was really surprised.

“I was hearing Mass with my mom and then nakita ko sa Twitter, sa mga nagtu-tweet sa akin.”

Dagdag pa niya, “We’re friends, magkaibigan kami—totoo talaga ito, it’s not the usual thing na sinasabi.

“Nothing went wrong. It’s just the way how we handle things now.

“We’re both mature already.

“No, no… I don’t like people to think that way naman.

“Like what he said, he said din naman na he’s not yet ready also, and he’s very busy.”

Dahil dito, may ilang nagsasabing baka na-trauma si Lovi sa kanyang mga nakaraang relasyon kung kaya’t ingat na ingat na ito ngayon sa pagpasok sa panibagong pakikipagrelasyon.

Totoo nga ba ito?

Saad ni Lovi, “I don’t know what it is really…

“There are really some things in life na hindi mo alam, naaapektuhan ka na pala.

“But then, for me, I’m setting my priorities straight.

“I’m very happy naman…

“Don’t get me wrong, it’s something I’m really thankful for naman—yung sinabi ni Jake.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO RECONCILIATION. Muli namang pinabulaanan ni Lovi ang usap-usapan na nagkabalikan na raw sila ni Ronald Singson.

Sabi niya, “No, that’s not true.

“Once in a while, yes, nagko-communicate. Nandun pa rin naman, of course, yung friendship naming dalawa.”

Pero may posibilidad na manumbalik ang pagmamahalan nila sa isa’t isa?

“That part I cannot answer kasi Ron is busy din naman.

“Nung pagbalik niya dito, we all know na marami siyang kailangang ding asikasuhin, hindi lang yung nangyari sa amin dalawa… so it’s not true.

“I’m not closing my doors sa kahit na anong puwedeng mangyari to whoever.

“Basta ako ngayon, I wanna work lang talaga.”

ROCCO NACINO. May balitang break na raw ang leading man ni Lovi sa Yesterday’s Bride na si Rocco Nacino at ang young comedienne na si Sheena Halili.

Bagamat pinabulaanan na ito ni Rocco sa isang panayam—dahil hindi pa naman daw sila ni Sheena at walang nagbabago sa kanilang relasyon—nadadawit pa rin ang pangalan ni Lovi sa sinasabing breakup.

Sabi ni Lovi tungkol dito, “Magkatrabaho lang kami. Wala ako dung kinalaman.

“When it comes to that naman, it’s none of my business.

“Kung ano ang sa kanila, sa kanila na yun.

“Magkaibigan lang kami.”

TRANSFER RUMOR. Nilinaw rin ng PEP kay Lovi ang matagal nang bali-balita na lilipat daw siya sa ABS-CBN pagkatapos ng kontrata niya sa GMA-7.

Sabi ng aktres, “I’m happy naman with my show, Yesterday’s Bride, and with what GMA is giving me.

“I believe it’s next year…” pagtukoy niya sa expiration ng kontrata niya sa Kapuso network.

“I don’t know with Tito Leo [Dominguez, Lovi’s manager], we haven’t talked about those things.

“I’m happy naman so far, I love my show.”

GRACE POE. Nagpahayag ng katuwaan si dating MTRCB Chairman Grace Poe sa pagbibigay-suporta ni Lovi sa kanyang pagtakbo bilang senador sa 2013 elections.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman ni Lovi, isa itong bagay na gagawin niya talaga para sa kanyang half-sister.

“Of course, you know what, it’s automatic naman without her talking to me about it.

“I’ll be there to support her. I’ll definitely find time.

“I’d love to go with her sa campaigns or anything.

“It’s something I really, really want to do.

“I’m more than willing to do that,” saad niya.

Nakikita ba niya itong paraan para magkalapit silang magkapatid?

Sagot ni Lovi, “It’s something I wanted for the longest time.

“I’m just really thankful that they’ve been always good to me. I mean, particular to Ate Grace and Tita Susan [Roces], they’ve always been good to me.

“Of course, I cannot say we’re super close but they’ve always been so nice to me right from the beginning naman.

“I’m very thankful kasi I know naman what I really am. But then, tinanggap naman nila ako.”

Si Lovi ay anak ng yumaong King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr. sa dating model-actress na si Rowena Moran.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN