Arjo Atayde brushes off superstition that Best New Male TV Personality is jinxed award

Isa sa mga tinalo ni Arjo Atayde sa kanyang award bilang Best New Male TV Personality ay si Richard Yap. Sabi ni Arjo tungkol dito, "For me naman, it’s not a sign of competition. Para sa akin, it’s people’s decision na pumili sila ng karapat-dapat sa award which, I think, malakas nga si Papa Chen. And, of course, he also deserves."


Wala pang isang taon si Arjo Atayde sa showbiz, pero marami-rami na siyang nagawang proyekto at nabigyan na rin ng rekognisyon.

Kamakailan, nanalo si Arjo ng Best New Male TV Personality sa 26th PMPC Star Awards for Television para sa pagkakaganap niya sa “Bangka” episode ng Maalaala Mo Kaya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Arjo sa TJ’s restaurant sa Quezon City, na pag-aari ng kanyang inang si Sylvia Sanchez.

Sabi ng Kapamilya young actor tungkol sa kanyang unang award, “Blessed po, overwhelming.”

Inasahan ba niyang siya ang mananalo?

Sagot ni Arjo, “Hindi po, kasi noong makausap ko si Tito Nonie Buencamino, sabi ko, ‘Tito, pupunta ka rin ba sa Star Awards?’

“Sabi niya, ‘Hindi.’

"Kasi, normally po, kapag pumupunta sa Star Awards, tinatawagan sila kung pupunta o hindi.

“So, noong sinabi niya sa akin, ’Pupunta lang ako kung tatawagan ako o hindi.’ Pero hindi po niya alam.

“So, noong sinabi niya sa akin, ’A, okay, alam ko na.’

“Tapos, dumating si Tito Nonie at si Slater Young, e…

"Yun ang both competitors ko for the two nominations, so ine-expect ko, sila na ang panalo.

“So, wala nang thought na may chance o may laban.

“Wala na, blangko na, sila na ang panalo.

"But I don’t feel bad kasi, to be nominated is an honor for me. So, hindi ko na iniisip na kailangan kong manalo.

"So, noong makita ko sila, alam ko na sila ang panalo.”

Dalawa ang nakuhang nominasyon ni Arjo para sa "Bangka" episode ng Maalaala Mo Kaya: Best New Male TV Personality (kung saan siya nanalo at nakalaban niya si Slater Young) at Best Single Performance By An Actor (kung saan nakalaban niya at nanalo si Nonie Buencamino).

TOUGHEST COMPETITOR. Aminado naman si Arjo na sa mga nakalaban niya sa kategoryang Best New Male TV Personality ay kay Richard Yap siya naging kabado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Na-nominate si Richard para sa kanyang pagganap bilang Papa Chen sa My Binondo Girl. Napapanood naman siya ngayon bilang Sir Chief sa top-rating ABS-CBN morning teleserye na Please Be Careful With My Heart.

Sabi ni Arjo, “Pero for me naman, it’s not a sign of competition.

“Para sa akin, it’s people’s decision na pumili sila ng karapat-dapat sa award which, I think, malakas nga si Papa Chen.

"And, of course, he also deserves.”

Sa kabila ng mga congratulatory messages na natatanggap ni Arjo, may kumukuwestiyon ba na natalo niya si Richard?

“Hindi naman po. Mostly, puro congratulations po.

"Yung comment lang sa online, yung mataba pa raw ako. Pero noon pa yun.

"Pero yun lang po… sa award, wala po.”

Imbes na magmalaki na nakasungkit siya ng award, itinuturing daw ni Arjo na dagdag challenge ito sa kanya.

Paliwanag niya, “Yung award kasi, hindi ko tine-take as confidence-booster. Mas tine-take ko siya as challenge.

"Na mas magawa ko nang maayos. And I have to prove na deserving ako sa award na yun.”



DOUBLE WIN. Ang mommy ni Arjo na si Sylvia Sanchez ay nanalo rin sa Star Awards sa kategoryang Best Single Performance by an Actress para sa pagganap nito sa "Aswang" episode ng Maalaala Mo Kaya.

Ano ang pakiramdam na pareho silang nanalo ng kanyang ina?

“Masaya, sobra!" bulalas ni Arjo.

"I guess, bihira naman sa showbiz na manalo ang mag-ina, di ba?

“In one night… tapos nasabay pa. So, very overwhelming siya.

“Tapos, the next day ko na naramdaman na nanalo ako.

“Kasi nga po, ine-expect ko na yung mga competitors ko na dumating, sila ang tinawagan at sila ang panalo.”



JINX? Wala namang ideya si Arjo sa mga sinasabing kapag nanalo ng “Best New Personality” ay nagiging jinx ang award sa isang artista. Ibig sabihin ay hindi na uusad ang career nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gulat niyang tugon, “Well, never, never ko naman pong narinig.

“Naniniwala pa naman ako sa mga sayings. Pero ano po, hindi naman ako natatakot sa mga ganyan.

“As far as I’m concerned, I know naman na pagdating sa set, nakaka-deliver ako.

“So, magiging jinx siya or malas ko na lang kung consistent na nangyayari sa ibang tao.

“But that doesn’t give me… hindi naman ako nadi-discourage dahil doon.

“Pero hindi naman ako naniniwala, siyempre po, nasa tao rin yun.”

WORK & LOVELIFE. May bagong show si Arjo sa ABS-CBN, ang Dugong Buhay kunsaan kasama niya si Ejay Falcon. Kumusta na nga ba ito?

“Workshops po ngayon. Actually, wala pa po ang script.

"Yun na lang po ang hinihintay at ilang preparation sa action, yun na lang.”

Pagdating sa lovelife, wala raw siyang girlfriend at wala rin siyang nililigawan ngayon.

Siya raw ang tipo ng lalaking kapag nakipagrelasyon ay seryosohan.

Hindi naman itinanggi ni Arjo na nag-date sila noon ni Akiko Solon ng Star Power. Anim o pitong buwan daw ang naging dating period nila.

Ano ang nangyari at hindi ito nauwi sa seryosohang relasyon?

“Mas focused po siya sa work at family. So, I leave it to that na lang po.

“Kung gusto niya yun, doon na lang muna siya—work and family.

“It’s something good naman na family-oriented siya.

"Pero yun nga lang po, hindi kami nagkakatugma,” aniya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN