Part 1. Solenn Heussaff says socialite image is just "misconception"

Solenn Heussaff on mingling with the masses: “Ako, feeling ko, yung masses ang pinaka-down-to-earth na tao. Yung hardship, workmanship sa kanila, they know. I don’t say na yung rich, they don’t know how to work. Pero sila, may struggle every day. Yung personality nila… I don’t know how to explain it, pero ako, gusto ko yung masses. Kasi, kahit mahirap ang buhay nila, masaya rin sila.”


Sa pelikulang D’ Kilabots: Pogi Brothers… Weh?, “patay na patay” ang tisay at seksi na si Solenn Heussaff sa komedyanteng si Jose Manalo.

Mukhang na-enjoy naman ni Solenn ang role niya kunsaan siya ang humahabol kay Jose sa kanilang pelikula.

“Ayaw niya sa akin sa movie. Kasi, parang may allergy siya sa mga babae.

“So, maraming beses na napipigilan siya, yung kiss ko sa kanya,” kuwento ni Solenn nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) bago ang premiere ng kanilang pelikula sa SM Megamall, noong Martes ng gabi, November 28.

Na-enjoy rin daw ni Solenn ang mga eksena kasama ang napakaraming comedians sa pelikula.

Saad niya, “Kasi, iba ‘to kesa sa other roles ko. And I’m with professional comedians.

“Minsan, natutuwa ako kasi parang, on the set, mag-a-adlib sila. Parang, tama ba yung lines ko? Hindi ko alam.

“Kasi sa sobrang adlib, sobrang funny silang lahat.

“Hindi na nila kailangan ng script para maging funny. Ako, kailangan pa rin.”

May pagkakataon na ba sa totoong buhay na tinanggihan din siya ng lalaki?

“Meron. I think, may isang beses na gusto kong makipag-date sa isang lalaki, pero ayaw niya sa akin.

“Pero never siyang nag-push back o ayaw niya or ganun ka in your face!” natatawa niyang sabi.

GIRL FROM FORBES. Natutuwa naman ang mga kasamahan ni Solenn sa pelikula na kahit isa siyang Forbes girl—bilang nakatira ang pamilya niya sa exclusive subdivision na ito sa Makati—ay wala raw itong keber kahit sa Tondo, Manila pa ang location nila.

Sabi naman ni Solenn, “Oo, kasi before, yung mom ko, we always go out of town.

“At saka dati, designer ako, three times a week nasa Divisoria ako.

“Alam ko naman ang mga lugar na ‘yan at sanay na ako.

“Pero yung Bangkusay at Pritil, mabait ang lahat ng mga tao at nagulat ako, alam nila ang family name ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, yun… nakakatuwa naman.”

Ano ang pakiramdam na nakakahalubilo niya ang mga masa?

Sabi ng Filipino-French actress-singer, “Ako, feeling ko, yung masses ang pinaka-down-to-earth na tao.

“Yung hardship, workmanship sa kanila, they know.

“I don’t say na yung rich, they don’t know how to work. Pero sila, may struggle every day.

“Yung personality nila… I don’t know how to explain it, pero ako, gusto ko yung masses.

“Kasi, kahit mahirap ang buhay nila, masaya rin sila.”

NOT A SOCIALITE. Pero si Solenn ay kilala bilang “sosyal,” di ba?

Sagot niya, “I don’t know what they mean by being sosyal.

“Kagaya noong nasa Survivor ako, kailangan nilang maglagay ng name bawat survivor, so sinabihan akong ‘socialite.’

“Pero, hindi ako socialite talaga.

“If you’ll ask my friends or yung family ko, kahit sa mga events, ayoko sa mga events.

“Hate ko na mag-party. Minsan lang, it’s fun.

“Pero sobrang laid-back ako.

“Kapag nasa out of the country ako, gusto ko. Like one time, nagpunta ako sa bar, isang beses lang.”

Misconception lang ba ang pagiging sosyal niya?

“Misconception dahil sa… sorry ha, dahil sa nilabas sa press na socialite ako!” natatawa niyang sabi.

Bilang isang “Forbes girl,” hindi kagaya ng iba si Solenn na maarte o pasosyal. Bakit?

Saad niya, “Yung Forbes house naman, thirty years ago pa yun binili ng dad ko. Hindi naman pareho ng presyo ngayon.

“Umakyat ang dad ko from Parañaque to Bel-Air to Dasma to Forbes, trabaho nang trabaho.”



PARIS TRIP. Recently ay nagpunta ng Paris, France si Solenn kasama ang mga kaibigan niyang sina Bianca King, Michelle Madrigal, at Ehra Madrigal. Puro pasyal lang daw ang ginawa nila doon.

Kuwento ni Solenn, “We went to museum… parang tumatanda na kami.

“I want to show them the night life in Paris din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero noong nandoon kami, buong araw, naglakad-lakad kami para lang iikot ang buong Paris.

“Pagdating ng 6 p.m., sobrang pagod na kami.

“Halloween night, nanood kami ng scary movie.

“Tapos, natulog kaming lahat sa living room, walang costume, walang party.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN