Part 2. Solenn Heussaff on Argentinean boyfriend Nico Bolzico: "Siya ang first boyfriend na he can read me. I don’t need to tell him who I am."

Bagamat naiintindihan daw ng Argentinean boyfriend ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico ang trabaho niya bilang artista, "Pero kapag may kissing scene, ayaw niyang nanonood. Kaya I never invited him sa mga premieres ko. Ayoko siyang masama sa mundong ito."


Dito lang daw sa Pilipinas magse-celebrate ng Pasko si Solenn Heussaff.

Tila tradisyon na raw kasi sa pamilya nila na magkakasama tuwing Pasko.

Sabi ni Solenn sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “This Christmas, actually, palaging ganoon sa bahay ko.

"Twenty-fourth, sa gabi, dinner with parents, brother, and sister.

“Si Erwan [Heussaff, her brother] ang nagluluto.

“Tapos sa 25, buong family ng mom ko, cousin, second cousin… sa bahay rin.

“Pero potluck, everyone brings food.”

Pero sa December 26 ay lilipad na patungong Argentina si Solenn kasama ang kanyang boyfriend.

Ang boyfriend ni Solenn ay si Nico Bolzico, isang Argentinean.

Pangalawang beses na raw ni Solenn na pupunta ng Argentina. Pero ang mga magulang daw ni Nico ay dalawang beses na ring nakarating ng Pilipinas.

Sa Uruguay naman daw sila magse-celebrate ng Bagong Taon.

Sa January 12 pa raw ang balik niya sa Pilipinas.

SOLENN’S BOYFRIEND. Mukhang masaya ang relasyon nila?

Sagot ni Solenn, “Sobrang happy kasi respectful siya sa akin.

“Siya ang first boyfriend na he can read me. I don’t need to tell him who I am.

“Walang follow-up, walang selos.”

Naiintindihan ng boyfriend niya ang kanyang trabaho?

“Oo, pero kapag may kissing scene, ayaw niyang nanonood.

“Kaya I never invited him sa mga premieres ko. Ayoko siyang masama sa mundong ito.”

Pero alam naman daw ng boyfriend niya kapag may ginagawa siyang kissing scene.

Kuwento ni Solenn, “Ako nagsasabi sa kanya na, ‘Babes, may kissing scene ako.’

“Kasi, di ba, minsan sa set, may behind-the-scene pictures, may ganun?

“Baka kapag lumabas sa Internet, hindi niya alam, sabihin niya, ‘Ano ba ‘yan?’ Kaya gusto kong malaman niya.

“Pero sabi niya, ‘Your work is your work. I don’t want to know.’”

May mga pagkakataon ba nagseselos sila sa isa’t isa?

“Hindi ako seloso, e. Parang ako, yung trust kasi nandoon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit na makakita siya ng isang babaeng maganda, sasabihin niya na, ‘Ang ganda niya talaga,’ okay.”

NO MARRIAGE PLANS YET. Mahigit dalawang taon na rin daw ang relasyon nila ng kanyang boyfriend, na dalawang taon ang tanda sa kanya.

Isa raw agriculturist si Nico at hobby lang daw nito ang football.

Dati rin daw itong economic analyst ng Bloomberg dito sa Pilipinas.

“Yung Bloomberg, for five years, parang three months-three months, ganun sila sa mga country.

“Dapat nandito siya for three months. Tapos, na-in love siya sa akin… ang haba ng hair ko!” biro ni Solenn.

Totoo bang nagtayo ng negosyo si Nico sa Pilipinas dahil sa kanya at upang permanente na silang magkasama?

Sabi ni Solenn, “May plano naman siya. Kasi, gusto niya ang Philippines.

“So, hindi ako ang one hundred percent kung bakit siya nagtayo ng business rito.”

Wala pa ba silang planong pakasal?

“Hindi naman, I’m going as we go. We’ll see what will happens.”

Nag-propose na ba ito sa kanya?

“Hindi, two years [pa] lang, e.”

Kumusta naman sila ng mga magulang ni Nico?

“Sobrang bait nila, pero medyo mahirap lang kasi, Spanish. I’m learning Spanish.

“Yung boyfriend ko, alam niya [English] kasi nag-study siya sa States. Pero ang parents niya, farmers talaga.”

Kapag nasa Argentina, nasa farm daw sila ng boyfriend at nagho-horseback riding daw sila.

Ayon pa kay Solenn, gustung-gusto rin ng mga magulang niya ang kanyang boyfriend.

Masasabi ba ni Solenn na ang relasyon niya ngayon kay Nico ang best relationship niya?

“Oh, yes, by far,” nakangiti niyang sagot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN