MMFF SPECIAL COVERAGE Bong Revilla on entry with Vic Sotto and Judy Ann Santos: "Pang-number one ang pelikula."

Sa pelikula nilang Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako: “Punung-puno, hitik na hitik sa saya, sa drama, sa aksyon, sa special effects. So nandun lahat."


Ayaw raw magpa-pressure ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. kung tatanghalin nga bang highest-grossing film o number one sa takilya sa nalalapit na Metro Manila Film Festival (MMFF) 2012 ang pelikulang ang Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako.

Pinagbibidahan ito ni Bong at nina Vic Sotto at Judy Ann Santos.

Pero confident daw siya sa kalidad ng nabuo nilang pelikula.

Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako ang entry ng limang film companies—Imus Productions, OctoArts Films, M-Zet TV, APT Entertainment at GMA Films—sa MMFF, na magbubukas sa Disyembre 25.

“Well, about number one, ang sa akin diyan, basta ginawa namin ang lahat para mapaganda yung pelikula.

"Nasa tao na iyon para husgahan ang pelikula. Pero ang masasabi ko, pang-number one ang pelikula.

“Punung-puno, hitik na hitik sa saya, sa drama, sa aksyon, sa special effects. So nandun lahat.

"Kung ano yung hahanapin mo, nandiyan.

"Siyempre, sa comedy si Vic, di ba? Kita n’yo naman kung gaano kagaling magpatawa.

"E, nahahawa pa ako sa pagpapatawa na iyon. Dati rin naman akong komedyante sa Idol Ko Si Kap," pagtukoy niya sa defunct GMA-7 sitcom.

“Si Judy Ann may timing din siya [sa comedy]. Tapos, may aral pa kayong mapupulot dito about the environment, pangangalaga sa kalikasan,” paliwanag ni Bong.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Bong sa pocket presscon ng Si Agimat, Si Enteng at Si Ako para sa kanya, kasama sina Sam Pinto at Jillian Ward.

Ginanap ito kaninang tanghali, Nobyembre 29, sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

CLICK HERE to read full story.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN