Maja Salvador says meeting Jennifer Lopez in person is "happiest day" of her life

Ikinuwento ni Maja Salvador sa press ang kanyang close encounter sa idolo niyang si Jennifer Lopez: "Kinausap ko siya, sabi ko ‘J.Lo, can I have a picture with you?’ Tapos huminto siya. Tapos nagpupunas siya ng pawis niya. Sabi niya, ‘Can you just meet me downstairs cause I’m kinda messed right now?’ Sabi ko, ‘Please, please, just one picture.’ Tapos piniktyuran ko siya, kaso medyo malabo, tapos yun na.&rdqu


Excited na ikinuwento ng Kapamilya actress na si Maja Salvador ang kanyang unexpected encounter sa iniidolong si Jennifer Lopez noong November 26.

Sa meet-and-greet na ginanap noong November 27, sa SM Manila, para sa kanyang bagong gadget endorsement na Coby Kryros, ikinuwento ni Maja sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media ang kanyang face-to-face meet-up kay J.Lo.

“It was an amazing experience talaga. Yun, happiest day of my life, yesterday!” bulalas niya.

Hindi raw naiwasang maging emosyunal ni Maja nang makita niya ang kanyang idolo sa isang hotel sa Makati bago ang kanyang concert.

“Sobrang iba, yung parang siyempre napapanood mo lang yung mga music videos niya, sobrang fan ka ng mga songs niya, sinasayaw mo yung mga kanta niya, di ba?

“Pine-perform namin yung mga kanta niya, tapos biglang si J.Lo, nakausap mo, nakaharap mo, yung sobrang idol mo, nandun.

"Talagang pagdating ko sa room, wala, talagang nagwawala ako!”

Idinetalye na rin ni Maja kung paano niya nakita at nakausap si Jennifer Lopez.

“Sobrang-sobrang fan ako ni J.Lo. Number one fan talaga niya ako.

"So, meron na ang nangyari... meron akong event nung isang araw, so kailangan kong mag-stay sa isang hotel.

"Tapos kasi, nag-overnight, tapos nag-decide akong mag-stay ulit kasi alam kong the following day, concert ni J.Lo.

"Pero hindi ko ine-expect na same hotel kami na mapupuntahan.

“Pero ang nangyari, nag-gym ako, parang nag-text yung kaibigan ko na parang ka-gym ko yung mga dancers ni J.Lo, ‘So dito naka-check-in si J.Lo.’

"Tapos, e, lagi akong nagdyi-gym dun sa hotel na ‘yon.

"Tapos, e, di, nag-gym ako, tapos wala na yung dancers, so okay lang.

"Tapos, after ko mag-treadmill, nag-swimming ako.

“So, sobrang suwerte kasi kaka-swimming naman yung mga anak niya, tapos siguro, yung iba, dancers, ganyan.

"Pero may mga securities na nandun, so hindi kami puwede magpa-picture so kanya-kanya lang, swimming lang, ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And then, pagkatapos naming mag-swimming, bumalik na ako sa locker room.

“Tapos parang napaganun [napalingon] ako, tapos dumiretso na ako.

"So, parang nakita ko si J.Lo.

"Tapos tinawag ko yung pinsan ko, tapos naiiyak ako, sabi ko—ganun kasi ako pag sobrang nae-excite, pag sobrang kinakabahan.

"Sabi ko sa pinsan ko, ‘Si J.Lo, nandun ata.’ Sabi ko, ‘Nandun ata si J.Lo.’ Tapos naiiyak na ako.

“Tapos, pinasilip ko yung pinsan ko, sabi niya, ‘Hindi ko makita.’

"Kasi yung guard... nakaharang yung bodyguard.

"So, e, di okay, e, di wala na.

"Tapos, biglang palabas na ako, tapos biglang nandun na siya, nagte-treadmill na siya.

"Sabi ko, ‘Oh, my god, nagte-treadmill si J.Lo!’

“Ang gusto kong gawin, magpalit ako ng pang-gym outfit. Pero hindi puwede kasi basang-basa ako, kasi kakatapos ko lang mag-swimming.

“So, ang ginawa ko, parang tinitigan ko muna.

"Tapos ang ginawa ko, umakyat na ako sa room, tapos nagbihis ako kasi gusto kong magpa-picture, kasi gusto kong maayos ako.

“So, pagkabalik ko, andun pa rin siya. Parang ang sabi, nagre-rehearse lang daw.

"E, mga ka-close ko yung nasa gym, sabi ko, ‘Puwede kaya ako magpa-picture?’

"Tapos sabi nila, ’Mag-arrange kami kung puwede.’ So, na-excite naman ako kasi gagawin nila yun.

“Tapos hanggang sa inaantay ko na siya, bigla siyang lumabas, tapos andun na.

"Kinausap ko siya, sabi ko ‘J.Lo, can I have a picture with you?’

"Tapos huminto siya. Tapos nagpupunas siya ng pawis niya.

"Sabi niya, ‘Can you just meet me downstairs cause I’m kinda messed right now?’

"Sabi ko, ‘Please, please, just one picture.’

"Tapos piniktyuran ko siya, kaso medyo malabo, tapos yun na.”



CAREER OVER LOVE LIFE. Samantala, kinumusta rin ng press kay Maja ang tambalan nila ni Enchong Dee sa Ina Kapatid Anak.

Hindi kaya tuluyan na silang magkagustuhan matapos ang proyektong ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Maja, “Wala, parang sa ’min, whatever happens, bahala na. Hindi kami yung magpaplano.

"Hindi naman kasi pinaplano, e, kung mapu-fall kami sa isa’t isa.

"Parang siyempre, feelings yun, e.

"Kung dumating yung araw na yun, wala kang magagawa kasi puso mo yung nagsabi, di ba?

“Pero this time, we’re happy na magka-loveteam kami, sobrang happy lang kami talaga.”

Sa ngayon, masaya raw si Maja sa kung ano ang namamagitan sa kanila ni Enchong.

“Nagpapasalamat ako sa mga fans din siyempre ni Enchong dahil tinanggap nila yung loveteam namin.

“Thankful din ako sa mga fans ko dahil kung sino man yung i-partner sa ’kin, tinatanggap din nila, sinusuportahan din nila.

“Grabe yung importansiyang ibinibigay sa ’min, yung talagang grabe yung pagbi-build sa loveteam namin.

"Kaya kami ni Enchong, sobrang happy kami.

"At kung ano man yung kaya naming ibigay para mapasaya at mapakilig yung fans namin, ibibigay namin.”

Nang tanungin kung career ba o lovelife ang kanyang priority ngayon, ang sagot ni Maja, “Career muna ako.

"Ako naman, kung may dumating sa ’king puso o lovelife, ganyan, depende pa ’yan, e.”

Dagdag pa niya, “Di ba nga, parang ang sabi, kung ready na ba akong magmahal ulit, anytime, dapat ready ka, di ba?

"Pero siyempre, dapat sa tamang tao mo ibigay.”



NEVER GETTING BACK TOGETHER. Binigyang-linaw na rin ni Maja ang kumakalat na isyung nililigawan raw siya ulit ng ex-boyfriend niyang si Matteo Guidicelli.

May nakakita raw kasi sa dalawa na mabilis na nagyakapan sa taping ng show ni Sarah Geronimo, ang Sarah G Live, kasama sina Matt Evans at Kim Chiu.

Kuwento ni Maja, “Ngayon kasi, happy kami ni Matteo na magkaibigan lang kami.

"And I think hanggang dun na lang ’yon kasi may mga priorities kami sa buhay.”

Dagdag pa niya, hanggang pagkakaibigan na lang ang maibibigay niya para sa dating kasintahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi namin priority na magkabalikan, parang tama na sa amin yung magkaibigan kami.

“Yun yung masaya dun, na after nung relationship namin, nagawa naming maging magkaibigan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN