Lani Mercado to star in movie with husband Bong Revilla after almost two decades

Muling magsasama sa pelikula ang mag-asawang Lani Mercado (nasa larawan) at Bong Revilla pagkatapos ng halos dalawampung taon. Gaganap silang mag-asawa sa biopic ng founder ng Iglesia Ni Cristo na si Felix Manalo na pinamagatang Ang Sugo.


Excited si Congresswoman Lani Mercado sa bagong pelikula na nakatakda niyang gawin next year.

Bukod sa napakalaki ng proyekto ay makakasama niya rito ang kanyang asawa na si Senator Bong Revilla, matapos ang halos dalawampung taong hindi sila nagkasama sa pelikula.

Magkakasama ang mag-asawa sa Ang Sugo (The Last Messenger), na tatalakay sa buhay ng founder ng Iglesia Ni Cristo na si Felix Manalo.

Sabi ni Lani, “I’m playing the role of Ka Lyn, the wife of Ka Eduardo.

“So after [almost] two decades or more, makakasama ko na ulit si Senator Bong sa iisang pelikula.

“Can you imagine? Ang natatandaan ko, Yes Darling [1997] pa, maliit pa si Ina [Revill], yung with Rosanna Roces… matagal na talaga.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Lani sa press launch ng Ang Sugo noong Martes, November 27, sa Quezon City Sports Club.

IGLESIA NI CRISTO. Paano siya nakumbinsi na makasama sa pelikulang ito ng Iglesia Ni Cristo (INC), bukod sa makakasama niya rito si Senator Bong?

“Well, to be offered with a role of the wife of ka Eduardo, tapos movie of the century pa, so malaking karangalan talaga ito.

“Mahirap nang humanap ng ganitong klaseng proyekto tapos kasama ko pa ang asawa ko.”

Bago pa man daw sila pumunta sa venue ng presscon, nagkaroon sila ng courtesy call sa mga nakakataas sa INC.

Kuwento ni Lani, “Alam n’yo kanina, mga alas-siete ng umaga, so ibig sabihin nun, maaga kami nagising.

“Tapos tinour pa kami sa museum, makikita mo talaga how INC grew. Papa’no ito nagsimula from ka Felix Manalo.

“May personal relationship kami kay Ka Erdie [Felix Manalo], so nag-attend kami nung libing niya.

“So mararamdaman mo talaga na iba, iba yung emotional side nung mapunpunta ka dun sa museum.”

Hindi na rin naman daw bago sa kanilang mag-asawa ng dumalo sa mga pagtitipon ng INC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag ng kongresista, “Oo, dumalo na kami sa mga pagtitipon, pamamahayag, ever since na naging public servants kami.

“Kasi bibigyan ka talaga ng imbitasyon, mapa-dito sa main, mapa-doon sa distrito namin, umiikot kami, pinakikinggan namin sila.”

May posibilidad kayang magpa-convert sila sa Iglesia?

Seryosong sagot ni Lani, na isang Katoliko,, “Alam n’yo, sinabi ko nga kay Bong kanina, kasi si Snooky [Serna] is already been part of INC, si Janice (de Belen)…

“Recently, nalaman ko si Antonio Aquitania was already part of Iglesia.

“So, alam mo, walang imposible pagdating sa paniniwala sa Panginoon.

“So, sabi ko nga kay Bong, na kailangan magbabasa tayo ng Bibliya, lahat ng versions, at yung lalo na sa Pilipino.

“At makikinig ng doktrina—mapa-telebisyon man o personal.

“So kailangan talaga dahil we have to play the role, e.”



NO TALENT FEE? Nagkasayahan na sa panayam kaya naman biniro ng isang press si Lani kung hindi ba nagagalit ang manager niyang si Manay Lolit Solis sa balitang wala raw silang talent fee ni Senator Bong sa pelikula.

Tawa lang nang tawa ang kongresista sabay sabing, “Bahala na siya diyan!

“Hindi namin pinag-uusapan ni Senator Bong.

“Nung itinawag sa amin ni Direk Tikoy Aguiluz at Miss Arlyn dela Cruz yung proyekto, hindi kami nagdalawang-isip.

“Actually, hindi napag-usapan ang talent fees, walang ganun.”

Biro pa ng isang reporter kay Lani, mababantayan na daw niya lagi ang asawa sa shooting dahil sila ang magkapareha.

Natatawa ulit si Lani.

Wika niya, “Ano ba yun? Ano ba yun? Wala nang ganun, twenty-five years na, wala nang ganun!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN