Dr. Vicki Belo relates how then 5-year-old daughter Cristalle wanted to grow up poor: “Sabi ko, ‘No, no, don’t say that. Baka marinig ni God, gagawin Niya sa atin, kasama ako doon!’”

“I asked her teacher, ‘Why does she always say she wants to be poor?’ Then I learned that it’s always her mission to have a simple life,” sabi ni Dra. Vicki Belo tungkol sa kanyang anak na si Cristalle Henares.


Hindi na nagugulat ang celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo kung lumaking mapagbigay, maawain, at mapagkumbaba ang kanyang anak na si Cristalle Henares.

Maliit pa lang daw ito ay kinakitaan na niya ito ng mga naturang kagandahang-asal.

Ibinahagi ni Vicki ang kanyang damdamin para sa anak sa harap ng press people, kasama ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), na dumalo sa Thanksgiving Party for the Press ng Belo Medical Group.

Ginanap ito nung Huwebes, Nobyembre 29, sa Annabel’s Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Nagsalita si Vicki matapos ng short presentation ni Cristalle tungkol sa naging karanasan ng anak sa guest appearance nito sa 10th Anniversary Special ng Wish Ko Lang, na mapapanood mamayang hapon, Disyembre 1, sa GMA-7.

Si Cristalle ang kinuha ng programa para maghatid ng tulong sa isang isla sa Palawan na walang kuryente at totoong mahirap ang buhay ng mga tao.

Naranasan mismo ni Cristalle ang kahirapan sa isla sa pagtira nito kasama ng isang pamilya roon.

Binigyan nila ang mga taga-isla ng solar panels at generators, mga gamot, at gamit ng mga bata para sa kanilang pag-aaral.

Hindi napigilang maiyak ni Cristalle matapos ng kanyang presentation. Maging si Dra. Belo ay napaiyak na rin.

“Kasi ang feeling mo, parang it’s depression and happiness, at the same time I have such a wonderful daughter.

“Depression, because I feel so…parang wala akong magawa, gusto kong tumulong.

“The story of this fisherman who catches one fish because these fishing vessels come in, these big, big vessels and they get all the fish!

“Very wealthy people and they don’t need anything,” sabi ni Vicki.

Ang tinutukoy ni Vicki ay galing sa kuwento ni Cristalle tungkol sa pagsama nito sa pagpalaot ng mga mangingisda. Pero isang isda lang ang nahuli nila at nagtiyaga na lang sa sea urchins bilang pagkain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nauubos na raw ang mga isda ng malalaking commercial fishing boats na dumarayo sa lugar.

PROUD MOTHER. Very proud naman si Vicki sa ginawa ni Cristalle.

Bata pa lang daw ang anak ay mabuti na ang kalooban nito. At sa tingin niya ay namana rin ito ng anak sa kanya.

“Ever since she was five, ganyan na talaga si Cristalle, always wants to help.

“Well, since I was younger, my father always makes me play with the farm kids, and he always tells me, ‘You always have to share.’"

Sabi pa raw ng kanyang ama, gawin daw niya lagi ang pagse-share para patuloy raw na pagpalain siya ng Panginoon.

“And I was really masuwerte, I was born to a family na may pera. So, whatever I have, I want to share.

“My Christmas was always wrapping gifts for the farm kids, giving my toys and having them wrapped for everyone.

“Even here in Manila, my car will always be full with toys. I would wrap para when I go around I can give the kids toys. It wasn’t about me getting toys.”

Noong lumalaki na raw si Cristalle ay nakita agad ni Vicki ang magandang asal ng anak.

“When Cristalle was born, since she was a kid, ganun na siya.

“When she was five, I asked her, ‘What do you want to be when you grow up?’

“Sabi niya, ‘I want to be poor.’

Sabi ko, ‘No, no, don’t say that. Baka marinig ni God, gagawin Niya sa atin, kasama ako doon!’” natatawang kuwento ni Vicki.

Ipinaliwanag naman niya kung bakit ganun ang sinabi ng anak.

“Then I asked her teacher, ‘Why does she always say she wants to be poor?’

“Then I learned that it’s always her mission to have a simple life. And she grew up like a tomboy, she’s always in jeans and rubber shoes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Do you want me to buy you anything?’ Sabi niya, ‘Nothing.’

“Sabi ko nga, ‘Anak ko ba ito?’

“I remember I want to make her shop, ayaw niyang mag-shop, ayaw niyang mamili ng kahit ano.

“Even lately, may bagong MacBook, ‘Do you want me to buy you the new MacBook?’

Sagot niya, ‘No, Mommy. My MacBook is still okay.’

“Nag-crash na yung computer niya. ‘O, ayan, do you want me to buy you a new MacBook?’

“‘No, Mommy. I’ll have it fixed.’

“Pag nag-crash na yung computer nila at nawala na yung files nila, at saka lang sila bibili ng bago.

“Paano ba lumaki itong kids na ito, na you can afford to buy them something and they chose not to, and they always want to share?”

Bukod kay Cristalle, ang isa pang anak ni Vicki sa ex-husband niyang si Atom Henares ay ang film director na si Quark Henares.

INDEPENDENT. May isa pang kuwento si Vicki noong high school pa lang si Cristalle at kailangan nitong pumunta sa Benguet.

Dito nga niya unang nakita ang pagiging independent ng anak dahil first time daw ito na hindi sila magkasama ng anak sa loob ng isang linggo.

“When she was in high school, part of the immersion, she has to stay in Baguio na kay layu-layo… not in Baguio, Benguet pala.

“Siyempre, I was worried. She’s my precious daughter, and ever since I split up with Atom, siya ang katabi ko sa kama, siya ang aking barkada, siya ang love ko.

“Ang feeling ko, she wants to worry me. ‘You want to worry me, ‘no!’

“So, she went there. She stayed with one family that has only one bedroom. She lived with them. She ate with them. She stayed there for one week.

“Then nung aalis na siya, she can never forget, sabi nung father of the family, ‘Cristalle, kasi aalis ka, to celebrate, for you we’re going to eat our dog.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And she doesn’t want to eat the dog. So, nag-pray pa siya, ‘Please Lord, huwag sana namin kainin yung dog.’ Hindi naman nila kinain yung aso.”

VOLUNTEERISM. Mahilig din daw sa volunteer work si Cristalle.

Salaysay ni Vicki, “But ang pinakamahirap na time for me is when she graduated college.

“Very proud ako na napalaki ko siya, she’s healthy, no accident happened, everything’s fine.

“When she graduated sa college, she told me, ‘Mommy, I want to volunteer. I want to go to Mindanao. I want to go to Bukidnon. I want to teach.

“’I want to volunteer. I want to be there for one year and be a pre-school teacher.’

“Sabi ko, ‘Mindanao? Ang layo naman nun.’

“Okay, and then, ‘You cannot visit me for three months.’

“Three months? And then, ‘You cannot send me money.’

“Ano? She told me may allowance sila, three thousand a month.

“Sa three thousand na yun, kailangan kasama na yung board and lodging, yung food.

“Three thousand a month? Tapos ito pa, hindi marunong maglaba?

“So, kasama na yung labandera. Ang food niya is budgeted at fifty pesos a day.

“I kept on telling her to bring money, ‘Cristalle, bring emergency money.’

“‘Mommy, I cannot. That’s the rule.’

“‘No, they won’t know.’

“‘Mommy, hindi puwede yun.’

“Sabi ko, she can just put it in the bank and then don’t make it pansin. But if something happens…

“Sabi niya, ‘No, I can’t do that. It’s against the rules.’”

Siyempre hindi raw maiwasang mag-aalala ni Vicki dahil nga sa napapabalitang gulo sa Mindanao tulad ng tribal wars at pangingidnap ng mga bandido.

Kaya naman siya na raw ang pinakamasayang ina nang matapos na ang volunteer work ni Cristalle at sunduin niya ito.

“That day, I was there to pick her up. But you know it’s really worth it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We do talk naman every day. She said nga one day, ‘Mommy, I’m so hungry.’

“‘Why aren’t you eating?’

“‘Kasi I’m dreaming of eating Chickenjoy.’

“So, later at five o’clock, she ate Chickenjoy. But you know, it’s fifty pesos…ah, forty nine! E, fifty pesos yung budget, di ba?

“So, she did not eat breakfast, she did not eat lunch. So, later she can eat Chickenjoy.

“So, I guess it made her different. It made her poor, yun ang wish niya, di ba?

“‘Tapos na yun, ha,’” natatawang sabi niya raw kay Cristalle.

Hindi man binanggit, ang one-year volunteer work ni Cristalle na binanggit ni Dra. Vicky ay sa Jesuit Volunteer Program, o JVP.

CONTINUOUS SUCCESS. Labis nga ang pagmamalaki ni Vicki ngayon kay Cristalle.

Malaking bagay raw ang lahat ng pinagdaanan at naranasan ng kanyang anak para maging mabuting tao ito ngayon at maging mahusay na businesswoman at marketing person.

Ito rin daw ang katuwang niya sa tinatamasang tagumpay ng Belo Medical Group at iba pa nilang kumpanya.

Siyempre, hindi rin nakalimutang pasalamatan ni Dra. Belo ang lahat ng press people at media na nakatulong para ma-promote ang kanilang mga serbisyo at produkto.

“I’m just here to say thank you very much for supporting us the whole year. For supporting Belo Medical Group, Sexy Solutions, Belo Essentials, Belo Men, ZO Medical Group.

“Alam mo, akala mo ang yaman mo na. Pero next year pa lahat iyan kikita. Pero ngayon kasi, you know, just putting them up.

"But without your help, parang we would not be here.”

Ipinagmalaki rin ni Vicki ang achievements ng kanilang kumpanya ngayong taon.

“Belo Medical Group has been around for twenty-two years.

“This year has been rewarding for Belo Medical Group kasi we were awarded number one in the world.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, I’m very happy. We’re number one one in the world for Thermage.”

Ang Thermage ay isang uri ng skin-tightening treatment na gumagamit ng radiofrequency energy.

(Source: Thermage: the nonablative radiofrequency for rejuvenation.)

“They came here to give us the award for having the most number of Thermage procedures in the world.

“We’re also number one in Fraxel.”

Ang Fraxel ay isang uri ng laser skin treatment.

(Source: Fraxel and You.)

Pagmamalaki pa ni Dra. Belo, “And to be number in the world is a lot, di ba?

“So, if you’re talking about experience is the best teacher, then of course, we are experienced.

“In the Philippines, we were awarded the Platinum Award for Botox. For the past ten years we’ve been number one in Botox.

“For ZO, we were awarded number one in the world for sales and for the best launch.

“You know, they said we have the best launch for ZO, best campaign for ZO, considering it’s only the first year.

"And I know it’s because of your help and unending support, you know, getting the words out that these procedures exist.

“So, we really want to say thank you from the bottom of our hearts.”

Pero higit sa pagiging number one ng Belo, mas gusto raw ipagmalaki ni Dra. Belo sa buong mundo na ito ay gawang Pinoy at ito ang galing ng Pinoy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN