Christopher Roxas credits his and wife Gladys Reyes’s faith in their religion for enduring relationship

“Siyempre, sa pagsasama namin, una naming pinanghahawakan yung values ng Iglesia. Kasi, lalo ngayon na may mga anak na kami, ang buhay naman namin, hindi na para sa amin, para sa mga bata na. So, isinasantabi na muna namin ang mga pansarili namin. So, yun siguro, malaking factor na pareho kaming Iglesia. Pareho kaming may takot sa relihiyon,” saad ni Christopher Roxas kung bakit nananatili matibay ang relasyon nila ng kanyang asawang si Gladys Reyes.


Nagpa-convert sa relihiyong Iglesia Ni Cristo o INC si Christopher Roxas nang maging girlfriend nang maraming taon ang misis niya ngayong si Gladys Reyes.

At katulad ni Gladys, kasama rin si Christopher sa pagsasa-pelikula ng buhay ng founder ng INC na si Ka Felix Manalo, ang Tikoy Aguiluz-movie na Ang Sugo (The Last Messenger).

Hindi pa nasisimulan ang pelikulang kabilang sa pagdiriwang ng INC ng ika-100 anibersaryo nito.

At kahit na wala pang ideya si Christopher kung ano ang papel na gagampanan niya sa pelikula ay wala raw problema sa kanya.

“Pero sa akin naman, alam ko naman na hindi nila ako bibigyan ng pangit na role. Masali ka lang dito, puwede na,” sabi ni Christopher nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Ang Sugo sa Quezon City Sports Club nung Martes, November 27.

“I mean, maganda ang project. Ang mga kasama mo, puro malalaking pangalan sa industriya. Magagaling ang mga director. So, yun…”

Dugtong pa niya, “Hangga’t hindi nagugunaw ang mundo, hindi mawawala ang pelikulang ito.”

Paano nga ba siya na-convert para maging miyembro ng Iglesia Ni Kristo?

“Converted ako, 1996. Noong una, pinakikisamahan ko lang ang parents niya [Gladys]. ‘Tapos, noong nakita ko ang doctrine, ako na mismo.”

Tinanong ng PEP, kung siya ba ang masusunod, anong role ang gusto niyang gawin sa Ang Sugo?

“Kung ako, gusto ko yung nang-uusig. Meron kasing time sa amin na yung hindi naniniwala sa Iglesia, na parang kinokontra, inaaway, inaalipusta.

“May ganoong time ng Iglesia o merong mga Ministro na pinatay dahil pinanghawakan ang pananampalataya nila.

“So, puwede rin sa akin yun.”

Sabi pa niya, “Di ba, ang Iglesia, all over the world? So, meron din sa ibang bansa.

“May narinig pa kaming ang ibang staff, from Hollywood. Yung mga kapatid na Iglesia na nagtatrabaho sa Hollywood.”

RELIGION AND FAMILY LIFE. Siyam na taon na silang mag-asawa ni Gladys. Pero kung bibilangin pati ang mga taon na magkasintahan pa lang sila ay nasa 19 na taon na silang magkasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naniniwala si Christopher na ang paniniwala nila sa kanilang relihiyon ang isa sa dahilan kung bakit nananatiling matibay ang kanilang relasyon ni Gladys.

“Siyempre, sa pagsasama namin, una naming pinanghahawakan yung values ng Iglesia.

“Kasi, lalo ngayon na may mga anak na kami, ang buhay naman namin, hindi na para sa amin, para sa mga bata na.

“So, isinasantabi na muna namin ang mga pansarili namin.

“So, yun siguro, malaking factor na pareho kaming Iglesia. Pareho kaming may takot sa relihiyon.”

Sabi pa ni Christopher, “At saka, hindi naman ako pagtitiyagaan ng asawa ko, noong mga earliest [years] namin.”

Birong-tanong naman namin sa kanya, sino na ang mas nagtitiyaga sa kanila ngayon?

“Ako,” natatawang sagot ni Christopher.

“Hindi, biro lang… Hindi, ah,” sabay-bawi niya.

Yung marriage life nila ni Gladys, paano niya ilalarawan lalo na ngayon na may tatlong anak na sila.

“Masaya,” sagot ni Christopher.

“Siyempre, minsan, hindi naman mawawala yung nagkakabuwisitan kayo.

“Pero paggising mo sa umaga, ipagpapasalamat mo na lang na magkasama pa rin kayo.”

Kung si Christopher daw ang masusunod, gusto raw niyang masundan pa ang bunso nilang lalaki na si Grant.

“Gusto ko sana apat. Another girl o kahit three boys, one girl. Okey na ‘ko kay Aquisha.”

TV PROJECTS. May hino-host din na show si Christopher sa NET 25, ang Footprints.

Kuwento ni Christopher tungkol sa show, “Actually, nilabas na siya last year. Natapos ang season, so, ngayon, parang nag-open ulit kami.

“It’s a show about environmental awareness. Ipinapalabas siya once-a-week, Sunday.

“’Tapos, nag-guest ako sa Little Champ ng ABS-CBN. Pero, hindi pa siya naipapalabas.

“ Ang daming flashback ng show. Like ako, flashback at mag-asawa kami ni Mickey Ferriols.”

LOYAL TO KAPAMILYA. Nananatiling Kapamilya si Christopher kumpara kay Gladys na isa nang Kapuso muli ngayon.

Katwiran niya, “Doon lang naman ako. Nakakatuwa nga, kahit paano, after ng Elisa, nabigyan nila ako ng Mundo Man Ay Magunaw. Tuluy-tuloy naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa ngayon, naghihintay lang din ako.

“At saka, siyempre, sa trabaho natin, kung saan ka mabubuhay, doon ka. Pero siyempre, loyalty rin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN