Richard Gutierrez thankful for first non-good boy role in Peque Gallaga’s Seduction

Sa pelikulang Seduction, may mga love scenes daw si Richard Gutierrez na nagpakita siya ng skin. Sabi ng direktor niyang si Peque Gallaga, may gagawin pa siyang love scene uli. Handa ba si Richard na magpakita ng higit pa sa skin niya? “Bahala si Direk Peque, kasi nga extreme ang personality at character ko. Hindi ko alam kung paano sasagutin,” nasabi na lang ni Richard.


Kinukunan pa ni direktor Peque Gallaga ang eksena nina Richard Gutierrez at Solenn Heussaff nang dumating ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng Seduction.


Ito ay noong Biyernes, November 30, sa Oasis Park Hotel, General Luna Street, Manila.

Habang hinihintay na matapos kuhanan ang eksena ni Chard (palayaw ni Richard) at ni Solenn, nag-dinner muna kami sa My Kitchen restaurant ng nabanggit na hotel, at binasa ang synopsis ng pelikula na unang salvo ng Regal Entertainment pagpasok ng 2013.

May playdate na January 30, 2013, ang Seduction.

SEDUCTION SYNOPSIS. Si Richard ay si Ram, a struggling fireman na na-suspend pending investigation of an operation gone wrong.

Nagkataon pa namang kailangan ni Ram ng pera, dahil kailangan ng kidney operation ng kanyang ama, na siya ang donor.

Survivor si Ram, at alam niya kung paano gamitin ang good looks and appeal to seduce people na puwedeng makatulong sa kanya.

Nag-rent siya sa kapitbahay ng room na pag-aari ni Trina (Sarah Lahbati), na alam niyang may gusto sa kanya.

Nagkaroon sila ng intimate encounter isang gabi.

Pero ang ipinagtaka ni Ram ay, pagkatapos ng gabing iyon, lumayo si Trina sa kanya, ngunit lagi naman niyang nakikita ito from a distance.

Dito pumasok si Sophia (Solenn) na minsan ay nailigtas niya sa isang hotel fire.

Nag-offer ng trabaho sa kanya si Sophia nang malamang suspended si Ram sa kanyang trabaho.

Kinuha niyang driver at bodyguard ang binata, habang iniikot niya ang bansa.

Mayaman ang half-Filipina heiress from Paris.

Mapusok si Sophia, at hindi handa si Ram sa mga larong gusto nito habang magkasama sila.

Pero mas seryoso ang nararamdaman ni Ram kay Trina.

Sino ang pipiliin ni Ram—si Sophia na nag-seduce sa kanya o si Trina na kanyang na-seduce?

EXCITED CHARD. Ngayong halos matatapos na silang mag-shooting, ano ang nararamdaman ni Richard?

“Excited na akong mapanood ang Seduction,” nakangiting wika ng Extra Challenge host nang makapanayam na ng PEP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“First time kong gumawa ng ganitong klase ng pelikula. Isang naiibang relasyon between me and Solenn and with Sarah.

“Si Peque Gallaga pa ang director, sino ba ang tatanggi?

“Una ko siyang nakasama noon sa telefantasya kong Sugo, na siya ang production designer namin. First time ko siyang magiging movie director.”

PLAYING AN A**HOLE. Ayon sa script, isa siyang a**hole na na-in love sa dalawang babae na magkaiba ng character.

Hindi ba siya nanibago, dahil madalas ay good boy ang role niya sa mga pelikula at mga teleseryeng ginagawa niya?

“Thankful ako na nabigyan ng ganito kagandang project.

“This is my first time na umalis ako sa aking comfort zone.

"Kaya sa story conference pa lang, sinabi ko na kay Direk Peque na ibibigay ko ang lahat sa mga eksenang ipagagawa niya sa akin.

“Isa na rito ang love scenes, na hindi technical, na first time ko ring ginawa.

“Mabuti na lang comfortable na akong kasama sina Solenn at Sarah, kaya wala nang ilangan sa amin.

“I thank Direk Peque dahil nailabas niya kung ano pa ang puwede kong ipakita.”

May butt exposure ba siya sa love scenes?

“Wala naman, pero nagpakita ako ng skin.”

Kung sakali ba’y papayag siya na more than skin ang ipakita niya?

Sinabi kasi ni Direk Peque na may isa pang love scene si Richard na kukunan nila sa Caramoan, Camarines Sur.

“Bahala si Direk Peque, kasi nga extreme ang personality at character ko. Hindi ko alam kung paano sasagutin,” natatawang sagot ni Richard.

Naikuwento rin ni Direk Peque na may isang eksenang may iinumin sanang pekeng tequila si Richard.

Kaya lang, katabi ng bote na naglalaman ng pekeng tequila ay may isa pang bote na may lamang totoong hard drink.

Sa halip na yung pekeng tequila ang iinumin ni Richard, yung totoong hard drink daw ang nainom nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang resulta, lumabas daw ang character na gustong ipalabas ni Direk Peque kay Richard.

"Nadala ako sa eksena," sabi ni Richard, "and I gave it 100 percent performance. Sana, magustuhan ninyo."

Marami pang ikinuwento si Direk Peque na eksenang ipinagawa niya kay Richard, pero ayaw naming i-preempt ang kabuuang istorya ng pelikula.

CHRISTMAS WITH SARAH. Hindi rin naiwasang tanungin si Richard tungkol sa relasyon nila ni Sarah, na sa ngayon pala ay six months na niyang girlfriend.

Nag-decide na rin daw silang huwag nang ilihim ang kanilang relasyon para wala nang nagku-question.

Magkasama ba sila ni Sarah sa Christmas?

“Yes, dito lang kami, invited ko siya para sa Christmas celebration namin sa house, pero mayroon din silang celebration sa December 24 ng kanyang family.

“Kaya siguro magkikita na lang kami after ng Christmas Eve.

“Wala pa kaming ibang plano for Christmas, dahil tuloy pa rin ang shooting namin ng Seduction at nagti-taping din kami ni Marian [Rivera] ng Extra Challenge."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN