Iwa Moto says current boyfriend Pampi Lacson knows everything about her; including her miscarriage

“Medyo yung part na yun, ayoko nang pag-usapan yung part na yun... Gusto ko lang malaman ng lahat ng tao na lahat ng bagay, may pinanggalingan. Kaya siguro ako naging ganito," sagot ni Iwa Moto nang tanungin tungkol sa usap-usapang nagkaroon siya ng miscarriage.


Inamin ni Iwa Moto sa harap ng mga miyembro ng media, kasama na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ang tungkol sa pagpapakasal niya sa businessman at mixed martial artist na si Mickey Ablan nung October 2009.

(CLICK HERE for related story.)

Pero may isa pang inamin si Iwa nang makapanayam ito ng PEP matapos ang Titan X3 presscon niya na ginanap kahapon, November 30 sa Max’s Restaurant, Roces Avenue, Quezon City.

MISCARRIAGE. Lumabas sa isang tabloid kahapon din na diumano’y nabuntis siya ni Mickey nung nagsasama pa sila, ngunit nakunan daw siya.

Ito ay natanong sa presscon. Matagal bago nakasagot si Iwa, pero basag na ang boses nito nang magsimula at nagsimula nang umiyak.

Lahad niya, “Medyo yung part na yun, ayoko nang pag-usapan yung part na yun, kasi…ewan ko basta…

“At least alam ko… Gusto ko lang malaman ng lahat ng tao na lahat ng bagay, may pinanggalingan. Kaya siguro ako naging ganito.”

Bakit niya ito itinago?

“Kasi siguro, kahit sa sarili ko, hindi ako sigurado.

“Alam mo yun? Sa sarili ko parang hindi ko tanggap.

“At the same time, nung mga panahong yun, I was trying to protect someone,” paliwanag pa ni Iwa.

Humahagulhol pa ring dagdag niya, “I was trying to fix my marriage before, so I tried.

“Meron pa akong interview before na I denied everything. So, I was trying to save my marriage.

“At saka nung nakausap ko dati si Pampi [Lacson, current boyfriend niya], he was trying to save his marriage also.”

Si Pampi ay mister ni Jodi Sta. Maria, na diumano’y nagkaroon ng kaugnayan sa pinakasalan ni Iwa na si Mickey.

(CLICK HERE for related story.)

“Better off, sige, kahit na masakit, minsan kailangan mong magsinungaling para proptektahan yung mga taong mahal mo,” pagpapatuloy ni Iwa.

“Kaya lang, naisip ko lang din na unfair lang din sa akin na, ngayon, wala naman akong ginawang masama, mula noon, pero ginaganun pa rin nila ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung mga taong nakakaalam ng totoong story, kahit hindi maniwala sa akin lahat, kasi I don’t care.

“Ang pinakaimportante sa akin, yung mga taong mahal ko,” patuloy sa pagluhang pagtatapat ni Iwa.

Na-curious ang PEP na tanungin si Iwa kung yung miscarriage ba na nangyari sa kanya ay yung naospital siya noon at napabalita pang nagtangka raw magpakamatay?

(CLICK HERE for related story.)

Itinanggi naman ni Iwa na ganun nga ang aktwal na nangyari sa kanya noon.

“No, that’s different. Iba pa yun.

“Basta, when I found out that my husband was cheating on me, so, nagulo lang yung utak ko nun.

“Basta lahat ng…sa lahat ng sinabi ko dati, totoo lahat yun, totoo lahat nung sinabi ko dati.”

Ang tinutukoy ni Iwa ay ang pagtatapat tungkol sa diumano’y naging relasyon ni Mickey at ni Jodi.

“Kung ano man yung outcome nung nangyari sa akin, nangyari na, e.

"One thing na hindi ko matatanggap, na sasabihing kabit ako—kasi marriage ko ang sinira.

“Kaya ako nagsalita dati, nagulat lang ako na may nabasa lang akong isang item sa tabloid, na diumano’y ako daw ang dahilan.”

Ang tinutukoy naman dito ni Iwa ay ang pagtuturo sa kanya bilang diumano’y dahilan ng paghihiwalay nina Jodi at Pampi.

“Sinagot ko lang. Ang sinabi ko, yung totoo, na three years ago my ex-husband and Jodi had an affair.

“So, kung ano man ang nangyari pagkatapos noon, sa akin na lang yun.

“Maraming nangyari, maraming stressful things na nangyari sa akin.

“Pero, okey na ako ngayon. Hindi ko lang matatanggap na tawagin akong kabit. That’s one thing.”

Labis daw siyang nasaktan sa mga naririnig niyang salita mula sa kampo ni Jodi.

Pero buwelta rito ni Iwa, “Wala. Deadma. Kasi, para sa akin, I told the truth. And, alam mo yun, na nakakatulog ako sa gabi nang mahimbing na wala ako iniisip. Tsaka hindi ako nagi-guilty sa kahit ano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa kasamaang palad, hindi ako yung kabit.

“Kasi, siguro ngayon, sasabihin nila ngayon na kabit ako, kasi si Pampi and Jodi are still married.

“Pero klaro na hiwalay na sila noong naging kami ni Pampi.

“Pero ang masakit nun, Jodi knows na kasal kami ni Mickey nung time na yun.

"Alam niya, and they had a relationship for, like, three months.”

Sa ngayon, pino-process pa raw ang annulment ng kasal nila ni Mickey.

At kung ma-grant nga ang annulment, hindi naman daw agad sila magpapakasal ng boyfriend niya ngayon na si Pampi.

“Hindi ko alam, pagkatapos ng trauma ko sa pagpapakasal, let’s take things slow, kung ano man ang mangyari.”

PAMPI KNOWS EVERYTHING. Naipagtapat ba niya kay Pampi na noong nagsasama pa sila ni Mickey ay nabuntis siya at nagkaroon ng miscarriage?

Naiiyak na sagot ni Iwa, “Yes, Pampi knows everything.

“Bilib daw siya sa akin, kasi kahit na yung sakit na ginawa ng taong [Jodi] yun, hindi ko pa rin tinatrato nang masama si Thirdy.”

Si Thirdy ang six-year-old son nina Pampi at Jodi.

“And, alam mo yun? Yung fact na nakita niya na, okey ako, na nakabangon ako from that.

“Napagod na ako, nakakapagod na sinasabihan nila ako nang kung anu-ano.

“Nakakapagod na ang daming nang-aaway sa akin, gusto ko na lang matapos, once and for all.

“Napagod na po ako, na ako…na ako lagi ang masama, wala naman po akong ginawang masama.

“May sarili akong pamilya dati, nananahimik ako. Pero wala, e. Hindi nag-work, alam mo yun?

“Siguro yun ang mga bagay na tanggapin ko na lang kasi hindi siya nag-work. And marami naman din akong mga bagay na dapat ipagpasalamat.

“Pero masakit lang talaga para sa akin na ako pa yung [tinatawag na] kabit. Yun lang.

Alam kaya ni Jodi, o naikuwento ni Mickey na nakunan siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“No, after I called her, after I confronted her, ang sabi niya, hindi na sila nag-usap.”

THIRDY IS LIKE A SON. Sa pagkawala ng dapat sana’y anak niya, wala naman daw siyang nararamdamang galit sa anak ng babaeng itinuturo niyang sumira ng kanyang marriage.

“I know Thirdy is not my son. Thirdy is definitely Jodi and Pampi’s son, kaya lang walang kasalanan sa akin yung bata, so, itatratrato ko siya nang maayos.

“And besides, itinuturing ko siyang parang anak ko.

“Na may mga bagay na nawala sa akin. Kung hindi ko man yun maibigay sa sarili ko, puwede ko naman yun ibigay kay Thirdy.

“At saka, alam mo yung pakiramdam na ang sarap, kasi wala kang galit sa bata, kasi totally wala namang alam yung bata.”

Paniguro niya kay Thirdy, “I may not be your mom but I love you as if you are my son.”

Nagpapasalamat naman daw si Iwa sa suporta ng kanyang boyfriend na si Pampi. Siya raw kasi ang kanyang sandalan sa ngayon.

Tinanong ng PEP kung may nais pa siyang iparating naman kay Jodi.

“You know the truth…

“And God bless you,” nasabi na lang niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN