Maricel Soriano on returning to ABS-CBN: “Masaya ako na nandito ako uli.”

Matagal-tagal ding hindi nagkaroon ng regular show si Maricel Soriano kaya naman sa muli niyang pagbabalik sa ABS-CBN ay ito ang naging pahayag niya: “It’s been a long time na nag-rest ako. Ngayon na naiisip mo yung iba, ‘Ay, oo nga, ‘lika na nga, mag-shooting na tayo.’ May ganyan na, excited na ako.”


Last November 26 ay pumirma ng program concept contract si Maricel Soriano sa ABS-CBN para sa sisimulan niyang primetime series, ang Bukas Na Lang Kita Mamahalin.

Makakasama niya rito sina Gerald Anderson, Cristine Reyes, Dina Bonnevie, Tonton Gutierrez, Rayver Cruz, at Diana Zubiri.

Ang nasabing serye ang hudyat ng pagbabalik sa ABS-CBN ng Diamond Star pagkatapos ng tatlong taon.

Ang kanyang huling proyekto sa network ay ang Florinda (2009).

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Maricel pagkatapos ng program concept signing, nagpahayag ng kasiyahan ang aktres sa kanyang pagbabalik sa Kapamilya network.

Ang ABS-CBN ang naging tahanan ni Maricel sa loob ng mahigit dalawang dekada. Naputol ito nang pumasok siya sa TV5.

Saad ni Marya (palayaw ni Maricel), “Siyempre, unang-una, nagpapasalamat ako.

“Ang saya-saya ko dahil napaka-warm ng welcome ninyo sa akin talaga at naramdaman ko, kaya haping-happy ako.”

Kapansin-pansin din ang mainit na yakap ni ABS-CBN President Charo Santos-Concio kay Maricel, at halatang tuwang-tuwa rin ito sa pagbabalik ng Diamond Star sa kanilang network.

Sabi ni Maricel tungkol dito, “Iba yung feeling na mayroon kayong napagsamahan kasi matagal naman ako sa ABS.

“Masaya ako na nandito ako uli.”

Excited din daw na makatrabaho muli ni Maricel si Dina Bonnevie at ang iba pang kasama sa Bukas Na Lang Kita Mamahalin.

“I’m very excited working with Dina kasi it’s been a long time. I Will Survive [2004] yung last namin, and that’s a long time ago.

“Sabi ko nga, ’Wow, how nice working with Tonton din again.’

“Excited din to work with Cristine, Gerald… Of course, anak ko yun, very handsome.

“Si Rayver naman, he grew up with us sa Kaya Ni Mister, Kaya Ni Misis.

“They’re very tall, like my sons. My two boys are tall also,” pagtukoy ni Maricel sa kanyang mga anak na sina Marron at Sebastien.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



GERALD ANDERSON. Aminado si Maricel na hindi niya napanood ang Budoy, ang teleseryeng pinagbidahan ni Gerald.

Pero naniniwala siya na dahil laking-Star Magic ang young actor ay mahusay ito.

“Hindi nga, e, hindi ako nakakanood. I only stay with my boys.

“Usually naman, very blessed with them [Gerald and Co.], lalo na galing sila sa tatay ko, kay Mr. M."

Ang tinutukoy ni Maricel na Mr. M ay si Johnny Manahan, ang chairman emeritus ng Star Magic.

Ang Star Magic ay ang talent management arm ng ABS-CBN, at siyang namamahala sa careers nina Gerald at Rayver.

"Alam ko na magaling yung training na ginawa sa kanila.

“Inaalagaan sila dahil hands-on ang tatay ko sa kanila, kaya tingnan mo, lahat sila magagaling.”

Nagkaroon na ba sila ng tsansa na makapag-bonding ni Gerald nang nagkaroon ng storycon ang Bukas Na Lang Kita Mamahalin?

“Hindi nga sa storycon, nung birthday lang ni Deo [Endrinal, ABS-CBN executive], dun pa lang kami nagkaroon ng a little chat.

“I was able to talk to him a little bit lang.”

BACK TO WORK. Ayon kay Maricel, ngayon niya mas nararamdaman ang kagustuhang magtrabaho muli.

“Excited, kasi matagal ka nang naka-rest, gusto mong mag-work.

“Di ba, minsan, pag Friday na, ‘Oy, pahinga na.’ Looking forward tayo to rest, di ba?

“Pero pagdating ng Sunday, excited ka na for Monday.

“Ganun yun, di ba? Ganun din ako.

“It’s been a long time na nag-rest ako.

“Ngayon na naiisip mo yung iba, ‘Ay, oo nga, ‘lika na nga, mag-shooting na tayo.’

“May ganyan na, excited na ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN