Sarah Geronimo says having a boyfriend will not complete her as a person

Biniro ng composer na si Vehnee Saturno si Sarah Geronimo na nasa kanya na raw ang lahat, at ang kulang na lang ay boyfriend. Sagot naman dito ng Pop Princess: “Hindi naman yun ang makakapagkumpleto sa akin as a person. Yung pagmamahal muna sa Diyos at sa sarili ko, yun ang una kong matutunan. Siyempre, panalo na ako sa pagmamahal ng mga tao sa paligid ko. So, wala na akong mahihiling pa. I couldn’t ask for more."


Ilang minuto bago tawagin ang nanalo bilang Best Selling Album of the Year sa 25th Awit Awards noong November 27, sa Glorietta Activity Center, ay nagkagulo ang audience dahil biglang dumating si Sarah Geronimo.

Pero tahimik lang na naupo ang Pop Princess sa second row ng mga upuan mula sa stage.

Nang inanunsiyo na ang nanalo sa naturang kategorya, parang napatalon si Sarah sa saya nang matawag ang kanyang pangalan—along with Vehnee Saturno, ang composer ng kanyang mga kantang nakapaloob sa One Heart album niya mula sa Viva Records.

Unang nag-speech si Vehnee at sinabi nitong: “Congrats, Sarah, nasa iyo na ang lahat, boyfriend na lang ang kulang.”

Pangiti-ngiti lang naman si Sarah sa stage habang inaantay ang kanyang turn sa pagsasalita.



NO NEED TO HAVE A BOYFRIEND. Pagkatapos ng awarding ceremony, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Sarah.

Masayang nagpasalamat si Sarah sa panibagong award na kanyang natanggap.

Saad niya, “Siyempre, I’m very happy and thankful to God—another blessing.

“Akala ko, hindi ako mabibigyan ng award for this album kasi ano pa po ito, e, last year pa po ito, e.

“Thank you Awit Awards and sa PARI [Philippine Association of the Record Industry]…

“Lord, thank you kasi magte-ten years na po ako business, and it’s good to know na na-aapreciate yung mga ginagawa ko as an artist, as a singer.”

Lalo raw itong nakaka-inspire sa kanyang kumanta.

Sabi ni Sarah, “Opo naman, nakaka-inspire pag may mga ganito, yung mga taong nakikinig at bumibili ng album ko.”

Ano naman ang reaksiyon niya sa pabirong hirit ni Vehnee Saturno na nasa kanya na ang lahat, boyfriend na lang ang kulang?

Natatawa naman na may pagkaseryoso ang sagot ni Sarah.

Aniya, “Ay, wala yun, hindi totoo yun.

“Hindi naman yun ang makakapagkumpleto sa akin as a person.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung pagmamahal muna sa Diyos at sa sarili ko, yun ang una kong matutunan.

“Siyempre, panalo na ako sa pagmamahal ng mga tao sa paligid ko.

"So, wala na akong mahihiling pa. I couldn’t ask for more."



REGINE VELASQUEZ. A week before Awit Awards ay dumalo rin si Sarah sa Sexy Solutions presscon ng Belo Medical Group para kay Regine Velasquez.

Pero hindi nagpa-interview si Sarah doon at gusto lang daw niya kumustahin ang itinuturing niyang mentor sa pagkanta.

Tinanong namin si Sarah kung ano ang naging reaksiyon niya sa nangyari sa Silver anniversary concert ni Regine sa Mall of Asia Arena noong November 16.

Hindi natapos ang Silver concert dahil sa masamang kundisyon ng boses ng Asia’s Songbird.

Sabi ni Sarah, “Nagulat ako, e, sobrang mabigat sa dibdib, na kumakanta siya at paos siya.

“Siyempre, lahat ng tao dun ay nag-iiyakan sa venue, pero sobrang nakaka-touch, katulad nung sinabi ni Vice Ganda, na wala na siyang dapat patunayan.

“Yung makasama natin siya sa kanyang 25th year sa business ay sobra-sobra na daw yun.”



REUNION MOVIE WITH JOHN LLOYD CRUZ. Samantala, double-time naman daw sila ni John Lloyd Cruz sa shooting ng third installment ng kanilang blockbuster movie—ang It Takes A Man And A Woman.

Gusto raw nila nilang mapantayan ang kilig sa dalawang pelikulang nagawa na nila—ang A Very Special Love (2008) at You Changed My Life (2009).

Kuwento niya, “May shooting pa kami, pero next year pa yung pelikula.

“Siyempre ang goal namin, maibalik yung kilig, sana bumalik yun.”

Napi-pressure kaya sila sa box-office?

Sagot ni Sarah, “Andun naman palagi yung pressure sa bawat proyektong ginagawa ko.

“Pero tiwala naman kami sa proyekto at last installment na ito. Pinapaganda nang mabuti yung script.”



GERALD ANDERSON. Pilit na isinisingit ng ibang reporters ang tungkol kay Gerald Anderson.

Pero talagang umiiwas si Sarah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong una siyang tinanong dito, ito lang ang tanging sagot niya, at mukha nang aalis sa interview area: “Di ko alam.”

Sa pangalawang attempt na makunan siya ng pahayag tungkol kay Gerald, sabi ni Sarah, “Hindi po ako magsasalita tungkol diyan.”

Pagkatapos nito ay tuluyan nang nagpaalam si Sarah sa media.

Matatandaang itinanggi ni Sarah ang mga nailagay sa YES! Magazine, October 2012 issue, na nagsabing nagkakamabutihan na sina Sarah at Gerald, pero hinadlangan ito ng ina ni Sarah, si Mommy Divine.

Ito ay batay sa mga interbyu, sabi ng YES!, sa mga taong nakapalibot kay Sarah—kasama si Eric Pe Benito, na ilang taong ding stylist ni Sarah; ilang Viva insiders na namahala sa huling concert ni Sarah; ilang nasa kampo ni Gerald, at iba pa.

Umiyak pa si Sarah sa isang press conference nang matanong siya tungkol sa mga nasulat sa magasin.

Samantala, pinanindigan ng YES! ang artikulo nito tungkol sa sinasabing tunay na mga pangyayari sa pagitan nina Sarah at Gerald.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN